Chapter 41: Bicol Express

Start from the beginning
                                    

"Five minutes lang. Kahit five minutes lang." Sabi niya sa akin.

Ramdam ko ang pagpatak ng mga luha niya sa may balikat ko, habang nakapatong ang ulo niya sa pagitan ng ulo ko at balikat ko, malapit sa may dibdib ko na. "Sige lang, kahit gaano pa katagal." Bulalas ko.

Hindi naman kasi ako aalis. Wala naman akong balak na umalis sa tabi niya. Kahit gaano pa kahirap ngayon, kailangan niya ako.

At sa nararamdaman ko ngayon, kailangan ko rin siya.

***

"Ikaw nagluto nito?"

Tumango ako, "Oo naman. Ano sa palagay mo ginawa ko dun sa dalawang oras na nawala ako?"

"Ewan. Umalis?"

Bumuntong hininga ako, "Pwes hindi ako umalis. Kaya kumain ka na diyan. Doble anghang niyan kaysa sa dati kong niluluto." Patukoy ko sa Bicol Express na inihanda ko kasama ang isang galon ng ice cream.

Kinuha niya yung kutsara niya at tinikman yung luto ko. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa magiging reaksyon niya. Dati rati wala naman akong pakialam sa mga sasabihin ng nakakatikim ng luto ko, kasi alam kong magugustuhan nila iyon. Pero ngayon, habang tinitikman ni Asher yung niluto kong Bicol Express, kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Isinandal niya ang ulo niya sa uluhan ng kama niya. "Masarap."

Nakahinga ako ng maluwang sa sinabi niya. "God it's hot!" Pahabol niya. Kaagad ko namang ibinigay sa kanya ang ice cream niya. Paglunok niya nito, napapikit siya. "So good."

"So maanghang na pagkain lang at ice cream ang makakapagpatigil sayo no?" Tumatawa kong sambit.

"Only if you cooked it."

Para akong nabunutan ng napakalaking tinik nang makita ko ang ngiti sa mukha niya. "Sus. Bola." Suway ko. Pinanood ko na lamang siya habang kumakain siya pagkatapos noon. Pinanood ko kung papaanong namumula ang buong mukha niya sa tuwing masosobrahan sa anghang ang kinakain niya, at kung papaano ito mawawala kapag nakakakain na siya ng ice cream.

"Are you gonna stare at me the whole night?"

Napatingin ako sa relo ko sa sinabi niya. "One am na?!"

"Yup. Kapag talaga kasama mo ko, bumibilis ang oras no?"

"Mukha mo." Pabalang kong sagot. 

Ibinaba niya ang hawak niyang baso at tinignan ako, "Look, Thalia. About what I said earlier..."

"Okay lang. Alam ko naman na lasing ka lang." Pangunguna ko na sa kanya.

"But still, what I said were uncalled for."

"Okay nga lang, limot ko na nga yung mga sinabi mo eh." Sabi ko sa kanya, kahit na malinaw pa sa utak ko lahat ng mga nasabi niya kanina. "Hayaan mo na!"

Umiling siya, "No. I should apologize." Mariin niyang sabi. "I'm sorry. I didn't mean any word I said before. I was too blinded with my anger, hindi kita dapat dinamay. I deserve a hundred of that slap you gave me a while ago."

Ngumiti ako, "Yun nga pala, sorry din." Patukoy ko doon sa sampal.

"No, like I said, I deserve it. You don't have to be sorry."

"E bakit ka ba kasi uminom?" Hindi ko mapigilang tanong. Panandalian niyang iniwasan ang tingin ko, "Sorry. Okay lang kung ayaw mong sabihin." Pagbawi ko kaagad ng sinabi ko. 

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now