Chapter 70 (Part 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

Napabuntong-hininga ako. "Paranoid ka nga." Naramdaman ko ang bigla niyang paglingon sa direksyon ko pero natawa lang ako. "Don't be like that, Rod. Apparently, ghosts can really hear what 'alive' people says kahit pa nasa kabilang buhay na sila. At hindi ka dapat mahiya because you didn't said anything bad about her. Feeling ko nga kaya sinabi ni Kayla ang lahat ng iyon is because.. Lei wanted us to know about her too."

"You think?" I nodded. "Yeah, you have a point there."

"Of course! Ako pa ba? Hohohoho" Parehas nalang kaming natawa.

Pagkatapos ng ilang minuto, nagpaalam na rin si Rod na uuwi at pumasok na rin ako sa bahay at hanggang nasa kwarto na at nakahiga, iniisip ko naman yung mangyayari bukas. And until I closed my eyes and sleep.

****

BERRY

NEXT MORNING

"MILKA!!!!!"

"Damn it! Don't shout that mushy name!" Balik sigaw niya. Natawa naman ako.

"Napipikon ka sa sarili mong pangalan? Funny, cous." Inirapan niya lang ako at naglakad na pauna. "Wait, cous. Biro lang naman yun."

"Well its not funny."

Magkasabay kami ngayong papasok dahil.. wala lang. Trip ko pumasok kasabay ang pinsan ko. And its been a really long time since we were like this. Buti nga wala iyong asungot na 'manliligaw' ng pinsan ko eh. Everyday niya kayang sinusundo't hinahatid si Kamil at ito naman si insan, pabebe masyado. Haha! Shhh! Wag niyo sasabihin sa kanya na sinabihan ko siyang pabebe ah?

"I can hear you whispering that word. Psh."

"Anong word?" Pang-aasar ko.

Masamang tingin ang sinalubong niya sa kin. "I'll kill myself first before I utter that word." Tapos naglakad na ulit siya at matic naman na sumunod ako. "Seriously, saan nanggagaling iyong mga mushy words na yun. Jesus.."

"Sa Eat bulaga, specifically, sa AlDub. Fan kaya ako nun! Hihi pabebe wave." Nag-pabebe wave nga ako sa kanya. Pang-asar lang. Ginaganahan ako mang-asar eh.

Nung hindi na siya kumibo, alam kong nag-iinit na talaga ang ulo niya kaya hindi na ako ulit nagsalita. Pero dahil hindi ako makakatiis na hindi nagdadaldal, sandali lang ang pananahimik ko.

"How's Adrian pala?" I asked.

"Bahala siya sa buhay niya." Woah? LQ ah? That's the exact thing I said to her kaya tiningnan niya na naman ako ng masama. "We're not. Tss.. hindi man lang magtext at sabihin na hindi siya makakapunta. Psh."

"Oohh I see. Nagtatampo pala si ineng dahil hindi sinundo ng boyfie niya.. aww.. didn't know that you have that side of you, cous."

"Isa pang asar, ipapaalam ko kay 'Jerry my labs' mo ang mga baho mo--" agad kong tinakpan ang bibig niya.

"This devil girl--!! Grrrrr.. " siya naman ngayon ang natatawa, at inunahan na nga akong maglakad papasok sa PSA. Pero napahinto rin kami sa dami ng taong nagkukumpulan sa bandang entrance. Nagtatawanan ang mga estudyante na akala mo may nangyayaring sobrang kaaya-aya sa paningin nila.

"What's going on here?" I said.

"Beats me." My cousin said.

Agad na nakipagsiksikan kami pero hindi naman din kami makadaan. At nagulo na ang hair ko! Worst hair day everrrr!

Pero ano ngang kaguluhan iyon?

"Berry, Kamil.. anong nangyayari dito?" Si Mami, kasama si Rod at Thomas.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon