Chapter 38: Bestfriends' Day. Yay!

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo nga pala."

"How 'bout we stop by the mall. Bili lang ako ng damit. Pero LIBRE mo ha.."*choo!*"

"Ok. Ok. Ok. Better on clothes kesa ako pa magbayad ng pampaospital mo.

**sniffs**

"Good decision Erick."

At duiretso na kami sa mall. Pagdating namin malapit nang magsara. Buti nga pinapasok kami eh. At pagpasok namin lahat ng tao sa mall nakatingin sa'ming dalawa.

"They're looking at us. Alam mo kung anong iniisip nila?" He asked beaming. "They're thinking na boyfriend mo ko at girlfriend kita. At bagay daw tayo." sabay umakbay siya sa'kin.

"Psh! Feelingero! Nakatingin sila kasi basang basa tayo sa ulan." sagot ko sabay inalis ko yung pagkaka-akbay niya.

"Mmmm... Akala ko talaga..."

"-Choo!! Dalian na natin, nilalamig na ko." sabi ko habang yakap ko ang sarili ko.

"Yakapin na lang kita gusto mo?" pabiro niyang tanong.

"Ito gusto mo?" Pinakita ko yung kamao ko.

"Sabi ko nga dalian natin eh."

Pumunta kami sa women's wear. YES! WOMAN! WAHAHAHAHA! Dalaga na talaga ako. Wuhoohoo!

Kumuha ako ng mga damit. MADAMI. Maglalayas nga diba? Tsaka libre eh!

"Balak mo bang magpatayo ng sarili mong department store?" tanong ni Erick. Nasa counter na kami at magbabayad na.

**Achoo!**Sniffs**

"Mmmm... Salamat sa idea. Palagay mo? Dagdagan ko pa kaya 'to?" Tinanong ko siya with my innocent eyes.

"No more Nick. Mamumulubi ako sa'yo eh."

Nakita kong nakatingin sa'min yung cashier. Ngumiti ako sa kanya bago ko siya tanungin. "Miss? Ano sa palagay mo? Dagdagan ko pa?" Nung dapat sasagot na si miss...

"Here's my credit card. I'll pay it now before it doubles." Inabot ni Erick yung credit card niya habang inaayos ni miss cashier mga pinamili ko.

"Ngayon na nga lang tayo nagkita ulit ninanakawan mo pa ko."

"Minsan na nga lang eh. Di mo pa pagbibigyan." angal ko.

I heard him sigh

"Since when did you become this irresistable?" His smile is sooo handsome.

"Wahohohoho! Erick!! Na-miss mo lang talaga ako." Umakbay ulit siya. Sinubukan kong tanggalin ulit.

"Hep! Subukan mo ulit tanggalin and I'll make sure you'll pay for all of this."

Hawak na niya yung mga pinamili ko. Wooo! Ang dami nga. Tss. "Waaaahh!! BLACKMAILER!!"

"Aba! Dapat lang na makinabang ako kahit papa'no no."

"Fine! Pero ngayon lang yan ah. Pagkatapos neto bayad na ko."

"Yes boss!" then we started walking palabas ng mall. Mas dumami yung **achoo!** ko na nagmistulang tuldok sa bawat sentence ko. Tss. Hindi na din ako nagsasalita. Nanghihina na ko eh. Ang dami kong pagod ngayong araw. As in ANDAMI TALAGA. Nung nakalabas na kami sa mall bigla siyang nag-overtake sa 'kin. Tapos...

"Sakay."

"Huh?"

"You don't have long legs Nick."

Napatingin naman ako sa legs ko. Don't have long legs ka dyan! Porket mas mahaba legs niya sa kin. Tss!!

"We need to get you home fast. With your legs that short and with your condition. You won't make it. You'll collapse even before we reach my car ."

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon