Chapter: 43

4K 58 0
                                    


Elisha (POV)





Tatlong araw ng coma si Dominique, at sa loob ng tatalong araw na iyon ay dalawang beses palang siyang umalis ng ospital para maligo at magpalit ng damit. Ginugugol niya ang oras sa labas ng ICU kung nasaan si Dominique.





Kahit hindi umalis roon ay kasama siya sa planong pag raid sa Mansion ni Silva. Dinaya lang ni Silva ang DNA test para palabasin na ito ang napatay sa bugbog noon sa kulungan.





Handa na ang lahat at nasa ayos na ang plano. Kinabukasan na lang ng gabi ang hinihintay nila.





"Hey, hindi mo ba ako namimiss Brown eyes?" Hinalikan niya ang ibabaw ng kamay ni Dominique na hawak niya. "You kno–"





"Excuse me sir, may naghahanap ho sa inyo."





"Okay." Aniya na hindi man lang nilingon ang nurse na sumilip sa pinto. "I have to go Brown eyes. But don't worry, I'll be back." Nang makatayo ay saka lang niya binitiwan ang kamay nito at napipilitan na siyang lumabas ng ICU.





Nagulat siya ng ang makitang bisita na sinasabi ng nurse ay si Macky, his younger brother. Ang gulat niya ay napalitan ng galit.





"Whay are you doing here?" Malamig niyang tanong.





"Nabalitaan ko ang nangyari." Sinalubong nito ang galit niyang tingin. "How is she?"



"She's in coma until now." Napatiim bagang siya. "Kailan pa? Kailan mo pa nalaman kung sino ang nag-hit and run kay Elise?"



"Si Dominique Ashford ba ang tinutukoy mo?"




"Yes!"




"Then palpak ang tauhan mo. Maling lahat ang inpormasyong nakuha niya. Hindi ang babaeng sinasabi mo ang bumangga kay Elise."



"What the hell are you talking about Macky? Niluluko mo–"



"No! Before mom died she told me the truth."



"Truth? About what?" Naguguluhan siya.



"About Elise accident." Macky sigh. "Hindi si Dominique ang nakabangga kay Elise."



"Sana nga hindi siya pero ng komprontahin ko si Dominique ay sahalip na tumanggi she say sorry, hindi daw niya sina–"



"Dahil ang akala niya ay siya ang nakabangga."



"Hindi kita maintindihan. Bakit siya aamin sa kasalanang hindi naman niya ginawa?"



Naupo ito. "Okay listen. Dalawang kotse ng gabing iyon ang magkasalubong na parehong mabilis ang takbo. Sa ginawang pag-iwas ng unang kotse ay hindi nito nakita ang batang babae na nasa gilid ng daan. The first car hit her na sa sobrang lalas ng impact ay tumilapon ang bata sa unahan ng pangalawang kotse."



Gulat siyang napaupo sa tabi ni Macky. "H-hindi ko alam na ganon katindi ang nangyari kay Elise." Napailing-iling siya. "A-anong kinalaman ng mga iyon na walang kasalanan si Dominique?"



"Siya ang driver ng pangalawang kotse. Dahil siguro satakot at pagkataranta kaya hindi na niya napuna na hindi siya ang nakabangga kay Elise."



"Yes, she's so scared that time."



Sabay silang napatingin ni Macky sa nagsalitang lalaki. "Bricks you know about this?" Tanong niya.



Hating The One I Love (Completed)Where stories live. Discover now