Chapter: 40

3.7K 70 1
                                    


Dominique (POV)



Ngayon ang labas niya sa hospital. Tatlong araw siyang nanatili roon at sa tatlong araw na iyon ay ni anino ni Elisha ay hindi man lang nagpakita sa kanya.



"Kung hindi mo pa kaya—"



"Kuya I'm fine! Kung ako nga lang ang masusunod noong isang araw pa ako umuwi."



Umiling-iling ito. "Dominique ano bang nangyari sayo? Sabi ni dad may date daw kayo ni Martin pe—"



"Dom, kumusta kana? Sorry ngayon lang ako nakadalaw." Sabi ni Keisha na walang sabi-sabi na pumasok sa private room na iyon.



"As you can see, I'm perfectly fine." Pilit siyang ngumiti at bahagyang nilingon ang lalaki na kasunod ni Kei.



"Kumusta? Ang tagal rin nating hindi nagkita."



"Good!" She bite her finger nail. "K-kysler a-ala— oh never mind." Ibinalik niya ang tingin kay Keisha."Nagka boyfriend ka lang nakalimutan mo na ako." Simangot na sabi niya at pilit iwinaglit sa isip si Elisha.



Keisha laugh out loud. "Magboyfriend kana rin kasi para hindi ka naiinggit sa akin."



May pinong kurot siyang naramdaman. May nobyo naman siya hindi lang niya alam kung nasaan, kung sila pa nga ba. "H-hayaan mo maghahanap ako agad paglabas ko rito." Makahulugan silang nagkatinginan ni Bricks.



"I can help if you want."



"Kei, ano na namang kalukuhan ang sinasabi mo sa kaibigan mo?"



"Tito Kairo." Nakangiting sabi niya sa lalaking bagong dating.



"Sir," Nagulat namang sabi ni Bricks. "You know my sister?"



"Oh, yes. Hindi ko alam na kapatid mo pala siya Takashima."



"Kuya?" Sabay nilang sabi ni Keisha.



"Si sir Kim ang boss ko sa agency."



"Really? Bakit hindi kita nakikita kapag dinadalaw ko si dad?"



"May private room siya Kei. Nakakulong siya roon maghapun."



"Kaya pala ang putla ng kulay niya."Keisha giggle and stop. "T-teka magkapatid kayo ni kuya Bricks?" Marahan siyang tumango. "Bakit hindi mo agad sinabi? Nakakahiya. Palagi ko kayong ipinipair sa isa't-isa."



Bahagyang natawa si Kairo. "Really!"



"Princess ready kana bang—"



Natahimik ang buong silid ng may magsalita sa may pinto.



"Victor?" Nagulat na sabi ni Kairo at nilapitan ang daddy niya. "I didn't expect to see you here." Nag-man-hug ang dalawa. "Anong ginagawa mo rito? Kailan kapa dumating?"



"Narito ako dahil nagkasakit ang unica hija ko."



"You finally found your daughter!"



"Yes." Lumapit sa hospital bed na kinauupuan niya si Victor. "I want you to meet my daughter, Dominique Ashford."



"We already know each other Victor. She's my daughter best friend."



"Princess?" Nagtatanong siyang nilingon ng daddy niya.

"Y-yes dad. Sila ang naging pamilya ko rito sa bansa sa loob ng mahigit anim na taon."



Hating The One I Love (Completed)Where stories live. Discover now