Chapter: 9

4K 75 0
                                    

Elisha (POV)


Halatang nagulat ang babaeng katabi niya at si Bricks na nakatingin sa isat-isa.

"Ku- Bricks." Wika ng babae.

"Dominique what are you doing there?" Madilim ang mukha na tumingin sa kanya at kay Patrick si Bricks.

"K-kasi,.. ahm—"

"Huwag kang magalit sa kanya Takashima." Patrick said.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko. Puwede ka ng umalis." Sabi ni Bricks at sumakay na sa Van. Pabagsak nitong isinara ang pinto.

"B-bakit mo pinagsarhan yung tao?"

"Dapat lang sa kanya yon." Lalong kumunot ang noo ni Bricks. "Hindi ko alam na kilala mo pala si Macky at mukhang hindi lang kayo basta magkakilala." Tumingin ito sa braso niya kung saan nakapulupot ang kamay ng babae.

"H-hindi." Agad inalis ng babae ang mga kamay sa braso niya at lumayo. "Hindi kami magkakilala Bricks." Bulong niya. Baka nasa labas pa si Patrick at nakikinig. Nakakahiya pag nalaman nito na nagsisinungaling lang siya. Sigurado na mas hindi siya nito titigilan.

"Really? Iba ang nakita ko sa sinasabi mo."

"Miss ipaliwanag mo dahil pati ako naguguluhan. Bakit mo ako ipinakilalang boyfriend sa lalaking iyon?"

"Dominique you do what? Are you crazy?" Bricks shouted.

"Shh. Lower your vioce." Suminyas pa ito na huwag maingay. "Sorry! I-ipinakilala ko lang naman siyang nobyo ko kay Patrick p-para lubayan na niya ako." Tungong-tungong sabi ng babae pero maya-maya lang ay nag-angat na ito ng tingin habang nakangiti. "Sorry na." She look at him shyly. "Sorry din."

Bricks sigh. "Kahit na. Mali ang ginawa mo."

"Kaya nga sorry na."

"Miss malaking gulo ito kapag kumalat ang sinabi mo na Boyfriend mo ako."

"Damn it. Wala sanang nakakita sa inyo na reporters."

"Hindi lang reporters ang problema natin Bricks."

Lalong nag-igtingan ang bagang ni Bricks. "Huwag sanang tama ang iniisip natin El— I mean Macky."

"Malaki bang problema ang ginawa ko?" Inosenteng tanong ng babae.

Ito ang babaeng bumangga sa kanya sa Airport at ito rin ang babaeng nasa bar noong minsan. "Yes." Siya ang sumagot sa tanong nito. "Puwede kang mapahamak or worse mamatay."

"What?" Gulat na sabi ng babae. "Nagbibiro ka ba?"

"Hin—"

"Don't scared the poor lady Macky!" Nagbababala siyang tiningnan ni Bricks. "Dominique huwag muna lang pansinin ang sinabi niya. Let's go! Ihahatid na kita sa apartment mo at makining kang mabuti. Huwag na huwag kang lalabas doon hanggat hindi ko sinasabi."

"Hindi puwede ang gusto mo Bricks! May traba—"

"Dom, basta gawin mo ang sinabi ko." Binuksan na ni Bricks ang pinto ng Van pero agad uli iyong isinara. "Shit." May mga reporters ang palapit dito."

"What! Hanggang dito ba naman." Nakalabas nga siya ng bahay pero daig pa niya ang nagtatago sa batas. "I can't get use to it."

Inutusan ni Bricks ang driver na umalis na sila doon.


Dominique (POV)


Nawewerduhan siya sa ikinikilos ni Bricks lalo na sa lalaking kasama nito. Parehong kunot na kunot ang noo ng dalawang lalaki at maya't maya kung magmura.

Hating The One I Love (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora