Chapter: 1

13.8K 184 2
                                    

Elisha (POV)


Mabilis na naglalakad palabas ng airport ang isang matangkad na lalaki. Abala ito sa kausap sa cellphone. Hindi alintana ang humahangang tingin ng mga nakakasalubong.

"Elisha, you don't have nothing to worry about. I arranged everything for you. Isipin mo na lang na bakasyon ang ipinunta mo ng pilipinas. Last week ko pa ipinadala ang mahal mong motor." Natatawang sabi ng nasa kabilang linya.

"Pa, ikaw ang inaalala ko."

"Don't worry about me. Gawin mo na lang ng tama at mabilis ang case na ibibigay sayo ni Kairo."

"But pa— what the hell—" nagulat siya ng may bumangga sa kanya.

"What's wrong?" Hindi niya nabigyan ng pansin ang nag-aalalang tanong ni Victor sa kabilasng linya dahil ng babaeng nakabangga niya na muntik ng matumba kung hindi niya ito maagap na nahapit sa baywang. "Elisha?"

"Bastos!" Nagulat na sabi ng babae at bigla siyang itinulak. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo." Pagtataray nito.

Bahagya siyang tumawa. "Miss, ikaw ang bumangga sa'kin."

Matalim itong nakatingin sa kanya habang namumula ang magkabilang pisngi. "Ako pang-sisisihin mo, eh ikaw nga ang hindi tumitingin sa dinadaan mo."

"Miss ayoko ng iskandalo." Itinaas niya ang isang kamay. Tanda ng pagsuko.

"Aba naman uy, sino bang may gusto ng—hey ikaw si Macky Martin hindi ba?"

Natigilan at kumunot ang noo niya. "Pa, I call you later." Pinatay niya ang tawag at walang emosyon na tiningnan ang babae. "Miss nagkakamali ka. Hindi ako si—"

"No! Hindi ako puwedeng magkamali! Ikaw talaga ang sikat na fashion designer na si Macky Martin, MM for short." The woman insist.

"Baka kamukha ko lang ang sinasabi mo." His in a big trouble. Kadarating palang niya ng bansa may nakakilala na agad sa kanya.

"Promise ikaw talaga siya. Fan mo a—"

Hindi niya napigilang tumawa. "Autograph lang pala ang gusto mo." Naglabas siya ng sign pen at walang babala na sinulatan ang kaliwang manggas ng suot na polo ng babae. "Hindi mo agad sinabi. Madali naman akong kausap."

Nanlaki ang mata nito. "Why the hell did you do that?" Mas namula ang buong mukha nito na nagpacute rito.

"Miss I'm in a hurry at mukhang wala kang papel at ganun din ako kaya d'yan na lang kita sinulatan ng autograph." Nginisian niya ito.

"Your crazy. Dinumihan mo ang paborito kong damit." Naipadyak nito ang isang paa.

"I think kong may baliw man sa ating dalawa ay ikaw iyon Miss. Ipinipilit mong ako ang kung sinong ponsyopilato na sinasabi mo." Malamig na aniya.

"You!" Gigil na dinuro siya ng babae.

Kinindatan niya ito bago tinalikuran. "It's nice to bump you Miss." Iwinave niya ang isang kamay habang naglalakad palayo sa babae. "Maganda ka naman kung hindi ka lang mataray."

"Maganda naman talaga ako!" Sigaw nito. "Bumalik ka rito, kinakausap pa kita."

"Saka na lang, kung magkikita pa tayo." He shouted back.

*******

Dominique (POV)


"Akala mo kung sinong napaka gwapo."

Hating The One I Love (Completed)Where stories live. Discover now