Chapter: 27

3.1K 63 0
                                    



Dominique (POV)


Abala siya sa paglilinis ng buong Condo. Mag-isa lang siya roon dahil may mga importanteng lakad ang tatlong lalaki na sina Bricks, Kysler and Macky.


"Nakakapagod." Pabagsak siyang naupo sa sofa at pumikit. "May girls date nga pala kami ni Keisha mamaya."


Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa pagkakaupo sa sofa. Nagising siya ng biglang may humawak sa balikat niya at may kamay na tumakip sa bibig niya.


Nanlalaki ng mata na nagpumiglas siya. "Hmm!"


"Kapag hindi ka tumigil papatayin kita." The man warn her.


Naka bonet na itin ang lalaki kaya hindi niya kita ang mukha nito.


Pareho silang nagulat ng lalaki ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon ang hingal na hingal na si Macky.


"Huwag kang lalapit." Naglabas ng patalim ang lalaki at inumang sa kanya. "Papatayin ko ang babaeng ito."


Her fear suddenly fade away when she saw Macky na kalmanteng nakipagtitigan sa lalaki.


"Do it!" Pareho silang nagulat ng lalaki na sinamantala naman ni Macky. Sinunggaban nito ng suntok ang lalaki kaya nabitiwan nito ang hawak na patalim.


Nagpambuno ang dalawang lalaki sa carpeted floor.


"S-stop it. B-baka mapatay mo siya." Nanginginig ang kamay na pinigilan niya sa braso ng pag-susuntukin nito ang lalaki na mukhang nawalan na ng malay.


Tumayo ito at niyakap siya. "Are you hurt?" He cup her face and stared at her worriedly.


"I'm fine." Sinalat niya ang pumutok nitong kilay dadil siguro sa pagsuntok ng lalaki na ngayon ay nakahandusay na sa sahig. "M-masakit ba?"


"A little." He smile. "Paano siya nakapasok rito?"


"I don't know. Nagising na lang ako na nasa harap ko na siya." Yumakap siya rito.


"Don't be scared. I'm here now."


Marahan siyang tumango at tiningala ang lalaki. Pumikit siya ng dahan-dahan nitong inilapit sa mukha niya ang mukha nito.


Kasinulid na lang ang layo ng mukha nila sa isa't-isa nang may galit na magsalita.


"What's going on here?" Lumapit sa kanila si Kysler at kinuwelyohan si Macky. "Kailan mo pa niluluko ang kapatid ko? Kailan nyo pa ako niluluko?" Galit na galit na sabi nito.


"Let me explain. It's not what you thi-"


"D*mn you!" Bigla nitong sinuntok si Macky.


"Kysler ano bang problema mo?" Dinaluhan niya si Macky na natumba dahil sa lakas ng pagsuntok rito.


"Walang problema Dominique." He sarcastically chuckle. "Harapan ninyo lang naman akong niluluko. Nagpanggap kayong magpinsan para hindi ako maghinala na may relasyon kayo. Ang galing."


"W-wala kaming relasyon Kysler. I-i h-he- "


"Come on, walang magpinsan na animo naghahalikan na sa sobrang lapit mukha sa isat-isa." Umiling-iling ito. "Hindi ako tanga para hindi mapansin na may something sa inyong dalawa."


Inalalayan niyang tumayo si Macky. "Tawagan mo si Bricks para madala sa presento ang lalaking yan." Walang imosyon na nilingon nito ang galit na si Kysler na bahagyang natigilan ng sa wakas ay mapansin nito ang nakahandusay na lalaki. "I'll make things right Kent Kysler."


Hating The One I Love (Completed)Where stories live. Discover now