Chapter: 17

3.4K 77 0
                                    

Mine05Yours20

Elisha (POV)

Late na silang nakabalik sa condo pero sa halip na magpahinga na ay nagpunta siya sa terasa dala ang isang baso ng alak.

Si Dominique ay tahimik lang na pumasok ng kuwarto pagdating pa lang nila.

Bakit napaka big deal sa kanya ang ginawang pag ngiti ni Dominique kay Troy kanina. Nagseselos ba siya? Imposible, dahil hindi naman sila ni Dom, hindi nga niya alam kung gusto rin ba siya nito. Nagagalit siya dahil gusto niyang sa kanya lang ngumiti ng ganun ka sweet si Dominique.

Hindi niya alam.

Inisang lagok lang niya ang lamang alak sa basong hawak niya.

Natigilan siya ng pagpihit niya paharap sa may pinto papasok ng bahay ay makita ang nagulat din na si Dominique na akma namang pasa terasa.

He clear his throat. "Bumalik kana sa loob at matulog! Masyado ng malamig rito." Malamig na aniya.

Tumango lang ito at tinalikuran na siya.

Parang may sariling isip ang mga paa niya na sumunod sa babae at ng abutan niya ito ay pinigilan niya ang isang braso ng babae.

"B-bakit?" Hindi tumitingin na tanong nito.

"Are ... are you mad at me?"

"No! May dahilan ba para magalit ako sayo?" She ask back.

"I don't know."  Lumakad siya sa harap nito. "I have this strange feeling that your mad at me." Hindi ito umimik. "You know what?"

"What?"

"Galit din ako! I hate myself too."

"That's crazy."

"You think so?" Bahagya siyang tumawa. "Maybe."

"Ang gulo mo." Inalis nito ang kamay niya na nakahawak sa braso nito. "Kung wala kang sasabihing matino babalik na ako sa kuwar-"

"Galit ako dahil sa ginawa mong pagngiti kay Troy at sa iba pang mga lalaki kanina sa show."

"Bakit? Masama bang ngitian ang mga bagong kakilaa?"

"Yes! Dahil gusto ko ako lang ang ngingitian mo ng ga-"

She suddenly laugh. "Para kang bata! Dahil lang dun nagaga-"

"No! Let me finish, hindi ako nagagalit na parang bata ng dahil lang don. The truth is I'm jealous." Seryosong aniya.

"An-anong kalukuhan yan? Bakit ka naman magseselos?" Pagak itong tumawa.

"Because I like you! I already told you that before."

"Yes and I believe you the first time you said it! But now" umiling-iling ito. "I don't believe you."

"Why? Seryoso ako na gusto kita!"

"Sa tingin mo maniniwala pa ako sa sinabi mo." Umiwas ito ng tingin. "Ngayong alam ko na namalapit kana pa lang ikasal."

"I'm n-" natigilan siya. Muntik na niyang makalimutan na siya nga pala ngayon si Macky. "So? Hindi ba kita puwedeng magustuhan kahit ikakasal na ako."

"Yes! Hindi puwede dahil ayoko."

"What do you mean?" He feel nervous.

"Ayokong gustuhin mo ako." May dumaang emosyon sa mga mata nito na hindi niya mabigyan ng pangalan. "Maiwan na ki-"

"Look at me! Hindi mo ba ako gusto?"

"Mahalaga bang malaman mo kung gusto o ayaw ko sayo?"

"Yes!" Nang hindi ito umimik ay walang babala na sinapo niya ng dalawang palad ang mukha nito at pilit na pinatingin sa mukha niya. "Now tell me gusto mo rin ba ako o hindi?"

Matagal na tumitig lang ito sa kanya. May takot siyang nababasa sa maamo nitong mukha.

A while after she said. "I'm sorry."

He feel hurt of what she said because for him sorry means no.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay sa mukha ni Dominique. "O-okay! I understand."




***********



Dominique (POV)




Gusto niyang pagsisishan ang hindi pagsagot ng tama kay Macky dahil sa oras na tumalikod ito ay matinding lungkot at kakaibang sakit ang bigla niyang naramdaman.

"I'm sorry dahil natatakot akong ipagpatuloy ang pag kagusto ko sayo. Dahil alam kong hindi kana puwedeng maging akin. You already love someone I know is perfect for you."

Hindi ang katulad kong may masamang nakaraan.

Kinabukasan ay kapansin-pansin ang pananahimik nilang dalawa ni Macky.

"Himala hindi kayo nagbabangayang dalawa." Naupo sa tabi niya si Bricks. "Nag-away ba kayo?"

"Huwag mo kaming pansinin Takashima. May kasalanan ka sakin na muntik ko ng ikapahamak."

"What is it?"

"About Venice girl! Hindi mo sinabi sakin na may fiance na pala ang kapatid ko."

"Oh I forgot I'm sorry."

Wala sa sarili na napasimangot siya dahil hindi niya alam ang pinag-uusapan ng dalawa dahil ibang lengguwahe ang gamit ng mga ito.

"I'm still here guys!" She rolled her eyes. "Ano bang pinag-uusapan ninyo na ayaw ninyong malaman ko?"

"Tungkol lang sa trabaho."

"Its look like not."

"Personal na hindi muna kailangan pang malaman." Cold na sabi ni Macky.

"Okay!" Binalingan niya si Bricks. "May lakad kami mamaya ni Kei. Sa apartment na lang ako tutulog mamaya."

"Saan naman ninyo balak pumunta?"

"I don't know! Ayaw sabihin sakin ni Keisha."

"Hindi ka sasama sa kanya."

"Bricks naman! Naka oo na ako, magtatampo yun kapag hindi ako sumama."

"Ako ang magsasabi sa kanya na hindi ka sasama."

"Don't do that. Siguradong pag ginawa mo yan lagot ka kay-"

"Magpapasalamat pa sakin si Tito kapag nalaman niya na may pupuntahan na naman kayong kakukuhan."

"I hate you now." Padabog siyang tumayo.

"Your being childish!"

Nagpantig ang tenga niya sa sinabi ni Macky. "Ano bang problema mo?" Galit na baling niya sa lalaki.

"Ikaw. Youre my problem."

"What?" Kumunot ang noo niya. "Inaano ba kita?"

Tumitig lang ito sa kanya at binalingan si Bricks na tahimik lang na nakatingin sa kanilang dalawa. "Ininvite ako ni Danielle na magdinner sa kanila mamayang gabi! Baka late na ako makabalik dahil kukunin ko ang motor sa apartment."

"Okay. May pupuntahan rin ako kaya ikaw lang dito sa bahay mamaya Dominique."

Tumango siya na masama parin ang tingin kay Macky. "Sagutin mo yung tanong ko. Inaano ba kita ha?"

"Nothing, kalimutan muna lang ang sinabi ko." Tumayo na ito at iniwan na sila ni Bricks.

"Bricks ano bang problema nun sakin?" Simangot na tanong niya.

"Hindi ko alam. Ang mabuti pa huwag muna lang siyang pansinin. Mainit lang siguro ang ulo niya."

Hindi na lang siya nagsalita pa.





**thanks reading**

Hating The One I Love (Completed)Where stories live. Discover now