Chapter: 10

4.3K 94 0
                                    

Dominique (POV)


One Am na pero hindi parin siya makatulog kaya lumabas na lang siya sa terasa ng second floor ng bahay para magpaantok.

Tinanaw niya ang nagkikislapang mga ilaw ng syuda.

"Maganda ang view rito hindi ba!"

Nagulat siya ng biglang may magsalita sa parte ng terasa na hindi nasisinagan ng ilaw. "T-tinakot mo naman ako."

She heard him chuckle. "My bad."

"Whatever!!" Inikot niya ang mata.

"Hindi ka rin ba makatulog?"

"What do you think! Obvious naman hindi ba?"

"Yeah right! Don't ask when its actually obvious."

"Alam mo naman pala bakit nagtatanong kapa?"

"Miss if I were you babawas-bawasan ko ang katarayan ko."

"And why would I do that? Sayo lang naman ako mataray." Umirap siya.

"Is that so." he pause. "Nakakabawas ng ganda ang pagtataray, if you don't know." Pinagulong nito ang kinauupuan.

"Akala mo naman kung sinong gwapo."

"Gwapo naman talaga ako." Tiningala siya ng lalaki na nakangisi.

"Ang kapal mo."

"What? Nagsasabi lang ako ng totoo. Remember liers go to hell." He wink at her.

"Kinikilabutan ako sayo." Aniya na niyakap ang sarili.

"Hindi kaya kinikilig?"

"Of course not!" Pinandilatan niya ang lalaki. "Bakit naman ako kikiligin sa kayabangan mo."

"Because I'm handsome."

"Mukha mo!" Tinalikuran na niya ito. "Inantok ako bigla sayo."

"Goodnight Brown eyes."

Sandali siyang natigilan sa sinabi nito. "E-ewan ko sayo. Ge goodnight."

Nang makabalik sa kwarto ay agad na siynag nakatulog. She don't know why pero napanaginipan niya ang nakangiting mukha ni Macky habang tinatawag siyang Brown eyes.



Magten Am na ng magising siya. She forgot about her weird dream. "Where am I?" Tanong niya na inikot ang tingin sa paligid. "Oh I remember! Nandito nga pala kami sa private house ni Bricks."

After ng morning ritual niya ay lumabas na siya ng silid at agad na hinanap si Bricks sa buong bahay pero ni anino ng lalaki ay hindi niya nakita.

"Hey where's Bricks? Tanong niya sa lalaking nakaupo sa wheel chair at nagkakape mag-isa sa kitchen.

"Umalis."

"Bakit saan daw siya pupunta?"

"He didn't say anything." Nagkibit balikat ito.

Sumimangot siya. "Bakit hinayaan mong umalis?"

"Don't worry! Babalik din agad siya."

"Okay sabihin mo na lang sa kanya na umalis na ako." Tumalikod na siya para umalis pero napatigil siya ng may humawak sa isa niyang bisig. Parang may kung anong kuryente siyang naramdaman ng lumapat ang kamay nito sa balat niya.

"B-bakit?" Kinakabahan niyang nilingon ang lalaki.

"And where do you think your going?"

"S-sa trabaho ko."

"Hindi ka aalis hanggat hindi sinasabi ni Bricks."

"What?" Pilit niyang hinila ang kamay na hawak nito pero lalo lang humihigpt ang hawak nito sa kanya. "Ano ba! Let me go. Aalis ako at hindi mo ako mapipigilan."

"Let just see." Hinila siya nito.

"Hindi ako mapipigilang umalis ng lumpong gaya mo." Hindi niya nakitaan ng kahit na anong emosyon ang lalaki. "Bingi kaba sabi ng bitiwan mo ako eh." Naiinis na talaga siya.

"I can hear you clearly so stop shouting! Your annoying me." His voice is cold as ice.

"Titigil lang ako kung hahayaan mo akong umalis."

"I can't do that."

"Ah ganun." Aniya at walang pagdadalawang isip na kinagat ang bisig ng lalaki na nakahawak sa kanya.

"Ouch! Damn it." Hiyaw nito na nabitiwan na siya.

Nakangising nagpeace sign siya at patakbong iniwan ang galit na lalaki.

"Sige umalis ka kung kaya mong lumabas sa bahay na ito."

Hindi niya pinansin ang sinabi ng lalaki. Pag dating niya sa front door ay kahit anong pilit niya ay hindi mabuksan ang pinto. "What the." Gigil na muli niyang sinubukang buksan ang pinto pero ayaw talagang bumukas.

"Bricks make sure na hindi ka makakaalis dito."

"Bakit n'yo ba ako pinipigilang umalis?" She compose herself.

"Si Bricks ang tanungin mo." Yun lang at tumalikod na ito.

Naipadyak niya ang isang paa at nakasimangot na sumunod sa lalaki sa kusina. "Ano bang nagustuhan sayo ng mga babae eh ang sama naman ng ugali mo." Parinig niya.

"Because of my handsomeness." He grin while drinking his cup of coffee.

"Hindi sila marunong tumingin ng gwapo sa hindi." Sabi niya kahit aminado namang saksakan ng gwapo ang lalaki. Ito na nga yata ang pinaka gwapong nakita niya pero kahit anong mangyari hinding-hindi niya iyon sasabihin sa napaka yabang na lalaki.

"You think so."

"Yes." Kumuha siya ng tasa sa cup board at nagtimpla ng kape para sa sarili.

Habang nakikipag talo siya sa lalaki kanina ay nakumperma niyang ito at ang lalaki sa Airport ay iisa kahit hindi umamin ang lalaki sigurado siya doon.

Ito lang kasi ang may kakayahang galitin siy ng walang kahirap-hirap.


Elisha (POV)

Lihim siyang napapangiti habang pinapanood ang bawat galaw ng babaeng nakasimangot na bigla na lang titingin sa kanya ng matalim.

"What?" Pigil ang tawang tanong niya ng tumingin na naman ito sa kanya ng matalim.

"Huwag ka ngang tingin ng tingin sakin."

"Paano mo nasabing tinitingnan kita?" Inusente niyang tanong.

"N-nahuhuli kitang nakatingin."

"Dahil tumitingin ka din sa akin kaya quits lang tayo." He grin

Namula ito. "Im not."

"Don't deny it Brown eyes."

"B-bakit ba Brown eyes ang tawag mo sakin? May pangala—"

"Because your eyes color is brown. I don't like your name so I called you that."

She's redden all over again. "B-bahala ka nga." Tumalikod na ito.

Ngingiti-ngiting pumasok na lang siya sa kuwartong tinutugan niya kagabi. Nawala ang ngiti niya at napatiim bagang ng makita sa kama ang news paper na dahilan ng pag-alis ni Bricks ng napaka-aga.

Galit na kinuha niya ang news paper at muling binasa ang balita na siyang headline.

"THE FAMOUS FASHION DESIGNER, MACKY MARTIN SPOT WITH UNKOWN GIRL! YESTERDAY NIGHT." Iyon ang naka-caption sa malaking larawan niya sa loob ng Van habang may babaeng para ng nakayakap sa kanya. Hindi gaanong nakita sa larawan ang mukha ni Dominique dahil bahagya itong natakpan ni Patrick na nakaharap sa kanila kaya hindi kuha ang mukha nito.

"Ang babaeng iyon ang magpapahamak sa buhay niya."


**thanks reading**

Hating The One I Love (Completed)Where stories live. Discover now