Chapter: 26

3.3K 74 3
                                    

Dominique (POV)

Simula noong araw na sabihin sa kanya ni Macky na mahal siya nito ay laging bumibilis ang tibok ng puso niya basta nasa malapit lang ang lalaki. Tulad ngayon na sila lang dalawa ang nasa Condo.

Nasa Headquarter si Bricks naman ay may date with Keisha of course.

"I'll cook our lunch."

"Hey It's my work to do." Mabilis siyang tumayo mula sa sofa.

"Help me! Much better." He wink.

"Okay." Nauna na siyang pumasok sa kitchen.

Sa halip na mapabilis ang pagluluto nila ay lalo pang nagtagal dahil sa asaran nilang dalawa.

"Brown eyes ang dungis-dungis muna."

Sumimangot siya. "Ikaw ang may kasalanan. Kung ano-ano kasi ang ipinapahid mo sakin."

"Don't worry, you're still beautiful."

Umirap siya. "Ewan ko sayo! Lumayo ka nga." Siniko niya ito sa tagiliran.

"Bakit ba ang sungit mo parin sakin? Hmm?" Ipinulupot nito ang isang kamay sa bewang niya mula sa likod.

"Iniinis mo kasi ako Mr. Annoying." Umikot siya paharap sa lalaki at nakangising pinisil ang dalawa nitong pisngi. "Ang cute mo talaga." Tawa siya ng tawa ng makaharina ang mukha nito.

"Brown eyes naman, I'm not cute ..." he sweetly smiled. "I'm handsome, okay! Don't forget that."

"Yan ang ayaw ko sayo. Puro ka kayabangan."

"I'm just stating the fack sweetheart."

"Oo na nga lang." Bahagya niya itong itinulak. "Bilisan natin, gutom na ako."

"Mag-order na lang ta—"

"No! Sayang naman 'yung mga naluto na natin."

"We can eat them later."

"Yeah, pero makakapag hintay pa naman ako."

"Are you sure?"

She nodded. "Yes. Ako pa."





***********






Elisha (POV)

Sa loob ng ilang taong nagdaan ngayon lang siya sumaya ng ganun. Because of her, Dominique the girl he unexpectedly fall in love with."

Naka halukipkip siya na nakasandal sa hammba ng pinto ng kusina habang nakatingin kay Dominique na prenteng nakaupo sa sala na abala sa panonood ng TV.

"Huwag masyadong titigan. Baka matunaw." Sabi ng nasa likod niyang si Bricks na nagkakape.

Napa-iling-iling siya. "May lead kana ba kung sino ang nagpadala ng patay na daga kahapun?"

Kahapun ng tanghali habang nasa shower room si Dominique ay may nag-iwan ng katamtamang laki ng kahon sa tapat ng pinto. Nakapangalan iyon kay Macky.

"Still zero! Walang kahit na anong bakas na iniwan ang taong nagpadala niyon." Lumapit sa tabi niya si Bricks. "You really like her or should I say .." he paused. "You already fall in love with her, don't you?"

"Magagalit at sasapakin mo ba ako kung sasabihin kong, Yes I already love her."

"Yes! But not now." He sigh. "Hindi ako bulag para hindi mapansin na may something sa inyong dalawa." Tinapik siya nito sa balikat. "Careful, parang nakakahalata na rin si Kysler sa kakaiba ninyong closeness ni Dominique."

Hating The One I Love (Completed)Where stories live. Discover now