Chapter: 24

2.9K 66 1
                                    

Elisha (POV)


Pagkahinto pa lang niya sa motor ay agad na bumaba si Dominique at inalis ang suot na helmet.

"Wow!" Humahanga nitong inikot ang tingin sa paligid. "Ang ganda nga rito."

"I told you." Aniya na sumunod sa babae.


"Ngayon lang ako makakakita ng ganito kagandang sunset."


"Mas maganda rito kapag sunrise."


Sa burol na iyon na kanilang kinatatayuan ay mula roon ay kitang-kita ang buong siyudad. Lalo na ang haring araw.


"Talaga. Bakit hindi ko agad nalaman na may ganito palang lugar rito."


Nag-indian seat siya sa damuhan. "Iilan lang ang nakakaalam ng lugar na ito."


"Ngayon kasama na ako sa iilang iyon?"


"Yeah!" Hinawakan niya ang isa nitong kamay at hinila paupo sa tabi niya. "Gumagaan ang pakiramdam ko kapag narito ako. Nakakapag-isip na maayos." Sabi niya na sa papalubog na araw nakatingin.


"Madalas kaba rito?"


"Yes! Pero ngayon na lang ulit ako nakapunta rito dahil ila- I mean dahil sa maraming trabaho,  limitado lang rin ang mga napupunthan ko dahil nga sikat akong model."


Madalas talaga siya roon noong bago pa man sila pumunta ni Troy Mikael sa Canada, seven years ago.

"Ah, ganun ba." She paused. "Anong mas maganda para sayo, sunrise or sunset?" Nilingon siya nito.

"Hmm!" He think for a while. "Why?"

"Just answer me okay?"

He nodded. "Sunset, maybe." Nagkibit balikat siya. "How about you?"

"Sunrise." Ibinalik nito ang tingin sa papalubog na araw. "Bakit gusto mo ang sunset?"

"Nakakagaan ng pakiramdam ang panonood ng sunset."

"Really?" Inipon nito sa isang kamay ang buhok nito na nililipad ng hangin. "Alam mo ba ang meaning ng sunset?"

"No!"

"Lagi mong pinapanood hindi mo alam."

"Hmm." Umiling-iling siya. "What is it?"

"Sunset means, long days end, tapos na ang nakakapagod na maghapun. Time to rest, to give up." She lightly smiled. "But when the morning come, sunrise means the new beginning, to start all over again, new hope comes and start a new life."

Bahagya siyang natawa. "Ang dami mong alam ah! Saan mo ba narinig ang mga iyan?"

Umirap ito. "I just know."

"Makata ka siguro."

"Of course not."

"Napaisip ako bigla."

"Nang ano naman?" Umangat ang isang kilay nito.

"Ilan na kayang lalaki ang napaiyak mo?" Nagpipigil ng tawa na tanong niya.

"For your information Mister hindi ako playgirl! Hindi pa nga ako-" Natigilan ito. "Basta hindi ako ganun na tulad ng iniisip mo."

Natawa na siya ng tuluyan. "Huwag kang magalit, nagtata-"

"Hindi tanong ang pagkakasabi mo." Inis na humalukipkip ang babae. "Mukha ba akong nagpapaiyak ng lalaki?"

"Yes! You're to beautiful to reaist. All men easily fall in love with you."

Hating The One I Love (Completed)Where stories live. Discover now