Chapter: 4

5.5K 107 1
                                    

Dominique (POV)


"Wait me here. Ikukuha ko kayo ng taxi."

Lalo siyang napasimangot sa sinabi ng lalaki. "Huwag ka nang mag-abala pa. May dala kaming sasakyan." Hirap na sabi niya dahil akay niya si Keisha na lahat ng bigat ay nasa kanya. "Hindi man lang ako tinulungan." Bulong niya.

"Where?"

"Hindi mo na kailangang malaman kung nasaan." Kahit hirap ay naglakad na ulit siya papunta kung saan ipinarada ni mang Max ang kotse.

"Iyon bang puting kotse."

"Yes." Wala sa sarili niyang sagot.

Nagmamadaling nilapitan ng lalaki si Mang Max na kalalabas lang ng sasakyan. Nag-usap ang dalawa.

Mayamaya patakbo silang sinalubong ni Max. "Ma'am anong nangyari kay ma'am Keisha?"

"Huwag ho kayong mag-alala. Lasing lang siya."

"Saan ko kayo ihahatid?" Tanong ni Max ng maisakay sa back seat si Keisha.

"Sa apartment na lang ho."

"Susunod na lang ho ako sa inyo." Sabi ng lalaki nasa kanya nakatingin.

Ngayon lang niya napagtuonan ng pansin ang lalaking tumulong sa kanila ng walang kahirap-hirap. Ni hindi man lang ito pinagpawisan. Ito ang lalaki sa airport kanina at sa apartment.

"Huwag ka ng sumama sa amin." Umangat lang ang gilid ng labi nito na ikinainis niya. "Hindi ako magpapasalamat! Wala ka namang ginawa kanina. Nang hawak ka pa ng walang pirmiso." Inirapan niya ang lalaki bago siya pumasok sa kotse.

Kinausap pa sandali ni Max ang lalaki bago ito sumakay sa driver seat.

"Salamat sa pagsama mo kay ma'am Keisha dito."

Ngumiti siya ng bahagya sa driver. "Wala ho iyon. Nag-e-enjoy naman akong kasama siya."

Pagdating nila sa tapat ng building kung nasaan ang kanyang apartment ay tinulungan niya si Max na mabuhat nito si Keisha.

Natigilan siya ng may humintong motor ilang dipa lang ang layo mula sa kanila. Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa lalaking kabababa lang ng motor.

"Hoy! Bakit sumunod kapa?"

"What?" Nagulat na nilingon siya nito.

"You know what I mean." She rolled her eyes.

"Don't know." Yun lang at tinalikuran na siya nito.

Hahabol pa sana siya sa lalaki pero tinawag na siya ni Max na papasok na sa building.

"Isa pang beses na talikuran ako ng lalaking iyon masasapak ko na talaga siya." Gigil na bulong niya ng makasakay sila sa elevator.

"May sinasabi kaba Ma'am?"

"Ha?" Namumulang umiling-iling siya. "W-wala ho." Pilit siyang ngumiti.

Pinilit niyang sa kabilang kuwarto na matulog si Max. Masyado ng late para mag-drive ito pauwi.

Sanay na naman siyang katabi sa pagtulog si Keisha. Pero ngayong gabi ay mukhang hindi siya makakatulog dahil sa amoy alak na kaibigan. kung hindi lang kay Keisha ay hinding-hindi siya papasok sa kahit na saang bar. Parang babaligtad kasi ang tiyan niya kapag nakakaamoy ng pinag samang alak at sigarilyo.

She duddenly wake up when someone pat her right cheecks. Pakiramdam niya ay isang minuto pa lang siya nakakatulog.

"Dom, gumising ka muna."

"Hmm! Bakit ba?" Ibinaon niya ang mukha sa unan.

"A-ano bang nangyari kagabi?"

"Lasing na lasing ka lang naman. Kei let me sleep. Please."

Matagal bago nagsalita si Keisha kaya akala niya ay lumabas na ito ng kuwarto. "I have something to tell you."

"Oh what is it?" Tumihaya siya ng higa.

"I-i think nakita ko kagabi si Macky sa bar."

Napamulat siya at napatingin kay Keisha. "Lasing ka lang kagabi kaya kung ano-anong nakikita mo." Iniwas niya ang tingin.

"Hindi. Parang nakita ko talaga siya kagabi." Giit nito.

"Di ang swerte mo. For the first time ay nakita mo ang kinababaliwan mong lalaki sa personal."

Umirap ito. "Hindi ako baliw sa kanya. Gusto ko lang ang mga design niyang damit and I admare his handsomeness." Tumitig ito sa kanya. "Nakita mo rin ba siya kagabi?"

"H-hindi. Hindi naman ako na lasing na tulad mo."

"Paano kaba malalasing eh hindi ka nga umiinom." Keisha rolled her eyes.

"That's what you called, good girl." She grin.

"Whatever! Bumangon ka na. Sabayan mo na akong magbreakfast bago ako umuwi."

Inangat niya ang dalawang kamay na agad naman nitong hinawakan at hinila siya para bumangon. "Ang bigat mo talaga."

"Sino kayang mas mabigat sa ating dalawa." Tumakbo siya pasa banyo at bago tuluyang pumasok roon ay nilingon niya ang namumulang kaibigan at nagpeace sign siya.

"Lagot ka sakin paglabas mo." Kei shouted.

"Scary." She shouted back.


Elisha (POV)


Kinabukasan ng umaga ay dumaan muna siya sa nadaanang restaurant para magbreakfast bago siya tumuloy sa H.Q ni Kairo Kim. Ipapaliwanag nito ngayon ang dapat niyang gawin para sa gagawin niyang pagpapanggap.

"Good morning. Ang aga mo naman hijo."

"If you want Sir babalik na lang ho ako ma—"

"It's okay. Parating na rin naman ang magiging partner mo."

"My partner?" Kumunot ang noo niya. "I don't need a—"

"Whether you like it or not he will be your partner."

He sigh. "Okay. It's your decision."

Tumango ang may edad na lalaki. "Good. Nasabi ko na kay Macky ang tungkol sa pagpayag mo na magpanggap bilang siya."

Kinabahang napalingon siya kay Kairo. "Sinabi ho ba ninyo sa kanya na ako ang kinuha ninyo?"

"No. Kaya sinabi niya sa akin na gusto ka niyang makita ng personal."

He felt relief. "Sir kung maaari lang ho sana puwede bang ilihim na lang natin kay Macky kung sino ako?"

"Give me a valid reason Agent Martin."

"Ayaw kong gulatin ang kapatid ko kapag nagkita kami. They all know I'm... " he pause for a while. "I'm already dead."

Napaawang ang bibig nito sa gulat.

"Your right." Sabay silang napalingon ni Kairo sa nagsalita. "But we believe you still alive." Galit na sabi ng lalaki.

"Bricks Takashima." Hindi niya ipinahalatang nagulat siya ng makita ito. "What are you doing here?" Hindi man lang niya naramdan ang pagdating nito.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan Elisha Martin?" His voice is cold as ice. "What the hell are you doing here?"




Hating The One I Love (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum