Chapter: 18

3.1K 75 0
                                    


Elisha (POV)

Habang nag-didinner sa bahay nina Troy ay may masama siyang nararamdamang mangyayari.

Agad na pumasok sa isip niya si Dominique.

"Macky may problema ba?" Wala sa sarili patuloy lang siya sa pagkain. "Hey!"

"Ha?" Nagulat na nilingon niya si Danielle ng tapikin siya nito sa isang braso. "Bakit?"

"Kanina kapa tahimik. Nag-away ba kayo ni Venice?"

"No! May iniisip lang ako."

"Kumusta na pala ang kaso ni Tita?"

Kumunot ang noo niya sa tanong na iyon ni Troy. "Anong kaso?"

"Don't tell us nakalimutan muna ang ginawang pagpatay ng ex-girlfriend mo kay Tita Mona."

"Wha-" he compose himself. "Ahm about that no progress." Tiim bagang na aniya. "I have to go." Tumayo na siya.

"Saan ka pupunta? Hindi kapa tapos kuma-"

"May aasikasuhin pa pala ako." Nagmamadali na siyang umalis roon.

Habang minamaneho ang kotseng bagong bili ni Macky ay tinawagan niya si Bricks. Ilang ring bago may sumagot sa kabilang linya.

"Hello." Inis na sabi ni Bricks ng sagutin ang tawag niya.

"Nasaan ka? Magkita tayo."

"Nasa Headquarters ako! Why?"

"Wait me there. May kailangan kang ipaliwanag sakin."

"Abou-"

He ended the call and drive faster.

Pagdating sa Headquarter ay basta lang niya ipinarada ang kotse at malalaki ang hakbang na pinuntahan kung nasaan si Bricks.

"Takashima." Natigilan ang dalawang lalaki ng nag-uusap ng pabalya niyang buksan ang pinto ng private office ni Bricks.

"Karl iwan mo muna kami."

Nang makaalis ang lalaking kausap nito ay galit siyang lumapit rito. "Why didn't you tell me about my Mom's case?"

"Naisip kung huwag na lang sabihin sayo ang tungkol diyan."

"D*mn you!" Kinuwelyohan niya ito kahit nalaupo ang lalaki. "She's my Mother too! I have the right to know about her! Why didn't you tell me she's already dead?"

Pagak itong tumawa. "Elisha I thought wala kanang interes na malaman pa ang mga nangyari sa mga taong iniwan muna."

"Hindi ko intensyong iwan sila. Dala lang ng pagkakataon."

"Marami kang pagkakataon na bumalik pero hindi mo ginawa. Mas pinili mong lumayo sa pamilya mo."

Dahan-dahan niya itong binitiwan. "I-i know that." Mariin siyang pumikit. "Tell me what happened! Totoo ba na ex-girlfriend ni Macky ang p-pumatay kay Mommy?"

"Yes." Mabilis na sagot ni Bricks. "Two years ago ay nagkasakit si Mrs. Martin kaya agad siyang pinuntahan ni Macky sa Canada. Ilang buwan niyang inalagaan ang Mommy ninyo." Seryoso siya nitong tiningnan. "Isang araw nagulat na lang siya ng pumunta roon ang kasalukuyan niyang nobya. Ilang araw mula ng dumating ang Girlfriend ni Macky ay bumalik siya rito sa Pilipinas! Mahigit isang linggo siya rito bago bumalik sa Canada. Then unexpected thing happened welcome him." He pause. "Mrs. Mona Martin diec the same day he went to the Philippiness."

Hating The One I Love (Completed)Where stories live. Discover now