Chapter: 11

3.7K 83 0
                                    

Dominique (POV)

Nasa terasa siya at nakatanaw sa kadiliman ng gabi. Doon siya nagpunta pagkatapos nilang kumain ng mayabang na lalaki na kasama niya. Si Bricks naman ay hindi pa bumabalik. Araw-araw itong umaalis. Minsan gabing gabi na umuwi at may pagdaan pa na umaga na ito bumabalik. Mag bibihis lang at aalis na uli. Hindi na nga kumain doon.

Sinubukan niya itong tagawan pero laging naka off ang phone ni Bricks.

"Waiting Bricks?"

"What do you care?"

"Tsk! Ang taray mo talaga."

"Pakialam mo." She heard him chuckle. "Kahapun ko lang nalaman na may kaibigan si Bricks na tulad mo."

"Like what?"

Kahit hindi niya nakikita alam niyang nakangisi ang lalaki. "Famous like you! Duh." She rolled her eyes.

"Kailan kaya kita makakausap ng matino?"

"Kapag tumino ka!"

He laugh. "Matino ako miss."

"May matino bang grabe kung mang-inis."

"Pikon ka lang."

"I'm not!" Pinandilatan niya ito.

"Yes you are." Bahagya itong tumawa. "Ang cute mo kapag naaasar! Kaya ang sarap mong inisin."

"Hindi ako cute! MAGANDA." Inimphasis pa talaga niya ang salitanga maganda. "Beautiful sa english! For you to understand."

"I clearly understand Brown eyes or should I call you bump girl." Ikiniling nito ang ulo. "You want me to call you bump girl or Brown eyes? Hmm?"

"Dominique! Call me Dominique, much better."

"Okay!" He think for a while. "I prefer Brown eyes."

Awang ang bibig na napatitig na lang siya sa lalaki. "Niluluko mo ba ako?"

"No" he stared back. "Ano talagang relasyon mo kay Bricks?"

"Bakit ko naman sasabihin sayo?"

"Because I ask you."

Nailang siya sa tingin nito. "I won't tell you! Ano bang pakialam mo kung mag-ano kami?"

"I like you! That's why." He said out of nowhere.

Nagulat siya sa sinabi nito. "Hindi magandang biro yan Mister." Utal na aniya.

Sa halip na sagutin siya ay pinagulong na nito papasok sa loob ng bahay ang kinauupuang wheel chair. "Matutulog na ako! Goodnight."

"Wait! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Nasasayo na kung seseryosohin mo o hindi ang sinabi ko."

Tulalang nasundan na lang niya ito ng tingin. "What's wrong with him?" She ask herself. Confuse "Maybe his crazy."

Elisha (POV)

Pagpasok sa kuwarto ay inalis niya ang suot na neck brace at tumayo siya sa kina-uupuang wheel chair at pabagsak na nahiga sa kama. "Itinakip niya sa mata ang isang braso.

"Elisha Martin why did you say that to her! Are you insane!" Inihampas niya ang isang kamay sa kama. "You like her even you just meet her a few weeks ago." Bumangon siya at kinuha sa bedside table ang cellphone.

Hating The One I Love (Completed)Where stories live. Discover now