"O-okay naman ako sir. Hindi naman masyadong malala iyong nangyari sa akin. So, makakapagperform pa rin po ako at saka don't worry, kakanta pa'ko sa next event ng department natin," I said.

Humarap ito at ngumite sa'kin and I smiled back to him also. Now, hindi na ako naiilang. Malayo na kasi ang distansya namin sa isa't isa at ang puso ko kumalma narin for goodness sake. Nagiging abnormal kasi ang beating nito kanina. Parang tambol ng snear drum sa sobrang bilis. Napailing ako.

Magsasalita na sana ulit ito ng biglang nalang nagsidatingan ang mga co-members ko. Napataas lang 'yong kilay ko ng mapansin kong nakangiti ang mga ito at si Reijan sumisipol-sipol pa. Lumapit ako sa kanya at binatukan siya.

"Aray, Roiss!" reklamo nito.

"Anong meron?" tanong ko pero ang dumuho ngumite lang.

"Lets just say na may napanood kaming romantic movie tapos muntik nang magkahalikan iyong dalawang bida kaso 'yong girl ay nailang so iyon hindi natuloy," pagkukwento nito.

Napangiti ako.

"Talaga? Anong title? Sabihin mo, panonoorin ko," I said.

Napakamot ito sa batok niya at bigla nalang itong namutla na ikinataka ko.

"Ano na?" naiinip na sabi ko. Ayaw pa kasing sabihin sa'kin. Pabitin pa siya, alam naman niyang fan ako ng mga romantic movies.

"Kasi..."

"Ano?"

"Guys practice!" sigaw ni Kim na ikinalingon ko.

Napatingin ako sa gawi niya at napakunot 'yong noo kong nag-thumbs up ito sa gawi ko.

Napalingon ako kay Reijan at nahuli ko siyang nagt-thumbs up din. Naningkit 'yong mata ko. Anong meron sa thumbs up nilang dalawa ni Kim?

Well, napakibit balikat nalang ako at hindi iyon pinansin. I don't mind their business anyway.

****

Pagkatapos ng praktis ay nagsiuwian na ang lahat maliban sa'min nina Reijan, Kim at Clarisse na kasalukuyang kasama namin ngayon.

Pinatawag kasi kami ni Dean regarding sa upcoming event. At ngayon, nandito kami sa loob ng office niya dahil nagd-discuss siya.

"Next week na ang TGIF and I am expecting sa performance ninyo. Mag-iinvite din kami ng artista para maging chief judge. And ofcourse maliban doon--by the way Miss Montinola, may contact ka pa ba kay Mr. Jarell Adverson? Siya kasi ang isa sa napili kong magiging judge together with Mr. Lopez," mahabang lintanya ni Dean.

What? Judge? Si Jarell? Hindi nga?

"No, Dean--"

"Naku Dean! Si Roiss may contact iyan kay Jarell! Diba best?"

Tiningnan ko ng masama si Clarisse dahil sa pagkakanulo niya sa akin. Really?!

"Roiss?"

Ngumite ako ng pilit.

"Ah, opo Dean. Step-brother ko po si Jarell."

Ngumite ito na parang nanalo sa lotto.

"That's nice! At least hindi na tayo mahihirapan sa kanya. So, pakisabi nalang sa kanya Miss Torres ha?"

Tumango ako. "Okay Dean."

"By the way, Miss Sepida, pakisabi nalang sa partner mo ang mga pinagsasabi ko dito."

"Okay Dean."

"Okay, dismissed."

Nagsitayuan kaming lahat at sabay-sabay na lumabas. Napatalon pa'ko sa gulat ng bigla nalang sumulpot si Sir Arvin sa harapan ko. Napahawak ako sa dibdib ko.

Its So Called COMPLICATED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon