Chapter 51 [No Please. No!!]

128 10 8
                                    

Wala po munang Special Chapter kasi may hinahabol po akong quota XD!! Yung quota na umabot ako sa puso ni Jimin hahahaha. Sorry guys, sorry XD!!
Alright let's start....












Nasaan na ba si Swaegie? Kanina pa ako nandito sa resto. Halos mag iisang oras na ako naghihintay.

Dumiretso agad ako dito dahil sabik ako makita si Suga at tsaka gustong gusto ko na sya yakapin. Oo as in gusto na talaga. Miss na miss ko na kaya sya. Nangulila ako sakanya promise.

"Miss anong order mo?" Nagulat naman ako kay kuya.

"Ahhh ano pwede ba later na lang kasi may hinihintay pa ako." nasaan ka na ba Yoongi?

"Okay po." tapos umalis na si Kuyang waiter.

Ilang minuto mo ba ako balak paghintayin Yoongi? O baka naman oras pa. Jusko naman, iiyak na ako bakit wala ka pa?

Mayamaya nag open yung pinto. Syempre automatic napalingon ako. At sa wakas ang groom ayy este ang swaegie ko nandito na.

Agad ako lumapit at niyakap sya ng sobrang higpit. "I miss you so much swaegie." tapos may pumasok ulit sa pinto. Laking gulat ko ng makita ko si Clarisse. Napahiwalay ako sa pagyakap kay Suga.










"Ngayon gusto ko malaman kung bakit kayo magkasama?" kanina ko pa yan tinatanong, masakit na pwet ko kakaupo. Pwede bang magsalita na sila?

"Ahh Lyrra..."

"Lyrra?? Bakit? Bakit tinatawag mo ako sa name ko? Swaegie diba? Swaegie tawagan natin. at sabihin mo na yung gusto mo sabihin kasi gusto ko na malaman."

may kutob ako na may hindi magandang mangyayari. Ayoko naman mag isip ng kung anu-ano kasi natatakot ako. Gusto ko man harapin parang mahirap lang talaga.

"Lyrra i just wanna say. Let's break up." what????!!!!! parang binasag ng salitang yun ang pagkatao ko.

"Teka swaegie. A-anong pinagsasabi mo? Hahaha  yung joke mo hindi magandang biro yan." fruta yung mga luha sa mata ko nag uunahan ng bumagsak.

"Lyrra i'm really sorry." tapos tinaas nya yung kamay nya na hawak ang kamay ni Clarisse.

"No swaegie. No you can't do this to me. Please!!"






"Please No!! Yoongi No!!"

"Hey LJ??!!! LJ!!!"

Nagmulat naman agad ako. Panaginip? Panaginip lang?

"LJ okay ka lang?" tanong sakin ni V. Napatingin lang ako sakanya. "LJ bakit ka umiiyak?"

hinawakan ko yung mukha ko at basang basa nga ng luha. Mabuti na lang at panaginip lang yun. Agad ko pinunasan yung luha ko.

"Ah wala nakapanaginip lang ako ng hindi maganda. Pero okay na ako." Tapos nag smile na ako sakanya.

Hinawakan ni V yung forehead ko.

"Hala may lagnat ka ulit?!! Teka inom ka ulit ng gamot." tapos kinalkal na nya yung bag nya. At inabot sakin ang bottled water at yung gamot.

Kinuha ko naman at ininom. Nag smile ako kay V, sign ng pagpapasalamat ko.

"Ahh LJ malapit na tayo sa bahay nyo. Prepare your things." sabi ni Jessa.

Kaya inayos ko na yung mga gamit ko. Baka may maiwan pa ako. Wala na naman kaya okay na. Sumilip ako sa bintana at natatanaw ko na si mommy na nakatayo sa harap ng gate. Tsk mommy talaga gabing gabi na hinintay nya talaga ako. Tapos napansin ko yung lalaking nakatayo sa tabi nya. Wait parang si...

Make It Right: Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now