Special Chapter [Where is Jen?]

138 14 2
                                    

Jen's POV

"Sir dito na lang po ako." sabi ko sa dad ni Mingyu.

Inihinto nito ang kotse, bumaba na ako at nagpaalam na dito. Papasok na ako ng gate...

"Jen!!" Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Jimin na papalapit sakin.

Ayoko na hintayin pa sya nagmadali akong naglakad para makapasok na agad ako pero huli na, nahawakan nya ang kamay ko at hinila ito. Napaharap ako sakanya, nakita ko ang itsura na parang galit na parang?? Hindi ko alam.

"Jen pwede ba mag usap tayo?" bungad nya sakin.

"Sorry Jimin pero wala tayo dapat pag usapan." humigpit ang hawak nya sakin. "Jimin ano ba nasasaktan ako." Pero hindi sya natinag at hindi pa din ako binibitawan.

Hindi ko alam kung paano pa magrereact dahil sa sobrang higpit ng hawak nya. Dumadaing na ako sa sakit pero ayaw nya talaga ako bitawan. Hanggang sa bitawan din nya.

"Jen totoo ba? Sabihin mo sakin, anak ko ba yan? Paano nangyari yun?" he scolded at me.

"Hindi Jimin. Sinabi ko lang yun para tigilan mo na si Mingyu." Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun sakanya.

"Ano!!??" Nagalit na naman sya at hinawakan ang dalawang braso ko.

"Jimin bitawan mo ako. Masakit ang hawak mo."

Hindi sya nakinig at lalo pa yata humigpit ang hawak nya sakin. Naiiyak na ako sa sakit.

"J-Jimin...m-masakit na... Aray!! Please b-bitawan mo na ako." pagmamakaawa sakanya habang tumutulo na ang luha.

Ilang saglit lang ay binitawan din nya ako.

"Sorry Jen. I'm really sorry." lalapit pa sana sya sakin pero lumayo ako sakanya.

"Jimin umuwi ka na. Please." sabi ko sakanya at pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok ko sa loob nandun si mommy at daddy.

"Jen. May gusto ka ba ipaliwanag saamin?" kinabahan ako bigla. Alam na ba nila na buntis ako? Actually kahit parents ko hindi alam. Kasi ayoko ipaalam sakanila, lately kasi narealize ko na itigil na ang lahat dahi alam kong walang patutunguhan. Una sa lahat hindi naman ako mamahalin ni Jimin kahit kasal pa kami. Pangalawa may iba na syang mahal paano pa nya ako magagawang mahalin? Diba? at huli wala naman talaga balak si Jimin pakasalan ako. Aasa na lang ba ako forever? Hindi na kasi maganda yun eh. Ako na nga lang nagmamahal ako pa din yung kawawa kaya nga gusto ko na itigil ang lahat.

"Ano Jen? Sabihin mo saamin ng daddy mo kung bakit aayaw mo magpakasal na kay Jimin?" medyo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni mommy.

"Mommy hindi ko po mahal si Jimin at hindi nya din po ako mahal. Wala din pong silbi ang pagpapakasal namin kaya po sana wag nyo na ako pili....." nasampal agad ako ni mommy.

"Bukas na bukas aalis ka na dito. Nakakahiya ka sa pamilya natin. Hindi mo ba alam ang ginagawa ko para lang sa pamilyang ito." sumbat ni mommy sakin.

Siya kasi ang nasusunod dito sa bahay, si daddy naman walang kibo lang at inaawat lang si mommy.

"Naalala mo ba ang sinabi ko nun? Tatanggalan kita ng mana at ipapadala sa ibang bansa kapag hindi ka nagpakasal kay Jimin." galit na sabi sakin ni mommy.

"Tatanggapin ko po yub kahit anong parusa nyo sakin. Kahit tumira pa po ako sa ibang bansa ayos lang sakin." sabi ko kay mommy habang maluha luha na naman ako.

"Hindi na ganun ang gagawin ko dahil ang gusto ko lumayas ka dito at kalimutan ang lahat. Kahihiyan ang ginagawa mo sa pamilyang ito Jen. Bukas aalis ka dito at kalilimutan na kami ang pamilya mo." a..ano? Papaalisin ako ni mommy?

"T-teka mommy!! Wag naman po ganun. Please mommy no!!" pagmamakaawa ko kay mommy. Napatingin naman ako kay daddy pero hindi sya umiimik. "Daddy please no. Mommy wag po." bakit ganito sila sakin? Hindi ba importante sakinila ang anak nila?

"Wala akong magagawa anak." sabi naman ni daddy at umakyat na sa kwarto nila ni mommy.

"Mag ayos ka na ng gamit mo at magpahinga dahil bukas na bukas bago sumikat ang araw dapat wala ka na dito. Nagkakaintindihan ba tayo?" tuluyan ng tumulo ang luha ko.

Umakyat naman na si mommy. Nag iniyak lang ako sa kinatatayuan ko. Ganun ba ang mabuting magulang? Bakit ganun sila sakin? Anak nila ako diba? Pero bakit ginagawa nila ang ganito sakin?

Patuloy ang pag agos ng luha ko sa akibg mukha. Umakyat na ako sa kwarto ko at nag ayos ng mga gamit ko.

---------------

Bago pa sumikat ang araw at magising sina mommy at daddy, umalis na ako ng bahay. Nagpunta ako sa bus station at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko. Kunti lang ang dala kong pera, pero kaya na ako nitong buhayin sa loob ng ilang buwan. Maghahanap na lang ako ng trabaho sa lugar na mapupuntahan ko. Sumakay ako ng bus at wala akong kaalam alam, ang nasa isip ko lang ay makalayo dahil yun ang gusto ng lahat.

"Anak gagawin ko ang lahat para sayo. Promise ko sayo magiging okay ang lahat. Aalagaan kita ng sobra sobra kahit tayo lang dalawa." naiiyak kong kinakausap ang bata sa sinapupunan ko.

Umandar na ang bus. Ang pag alis ko ay ang tuluyan ng pagkalimot sakin ng mga taong mahal ko.

Jimin's POV

"PO!!?? Anong wala na si Jen dito? Tita nasaan na po si Jen?" Nandito ako sa bahay nila Jen ngayon, at gusto ko sana mag sorry sakanya. Alam ko naman na anak namin ni Jen ang pinagbubuntis nya. Nung gabing yun nga si Jen ang nag uwi sakin galing sa resto bar ni Taeyang hyung. Naalala ko na din ang mga nangyari ng gabing yun.

"Pinalayas ko na sya dahil ayaw nyo naman pakasalan ang isa't isa. Alam mo ang usapan na yan Jimin. Nandun ka ng napagkasunduan namin yan ng mommy mo." paliwanag ng mommy ni Jen.

"Tita hindi pwede yun. Tita buntis si Jen at anak ko ang dinadala nya." nagulat naman si tita sa sinabi ko.

"Ano? Ang ibig mo bang sabihin buntis si Jen?" tanong naman ni tita at nag nod na lang ako. "Ang anak ko!! Bakit ko nagawa yun sakanya." Niyakap ni tita si tito at saka dun nag iniyak.

Nagmadali akong lumabas ng bahay nila Jen at sumakay sa kotse.

"Bwiset kasalanan ko ito eh. Kainis talaga." halos mahampas ko na ang manubela sa sobrang galit sa sarili ko. Pinabayaan ko ang mag ina ko at ngayom hindi ko alam kung saan sila hahanapin.

Nag stop ako sa isang bus station, nagbabakasakali ako na nagpunta sya dito. Nagtanong tanong ako sa mga staff dito.

"Anong oras umalis yung bus dito?" tanong ko dun sa babae.

"Naku sir kanina pa pong 5:30am." napatingin ako sa wrist watch ko. Shemmmss 6:53am na. Malayo na ang bus na yun.

Sumakay na lang ulit ako sa kotse ko at parang ewan na wala akong sa mood para mag drive. Halos magwala ako sa loob ng kotse dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Sa pagwawala ko accidentally na on yung radio ng kotse.

"Kanina lang pong 6:10am ng umaga isang bus ang patungong Baguio ang nahulog sa isang bangin. Hindi makuha ng bus dahil sa lalim ng kinahulugan nito."

Bigla na lang yata namasa ang mukha ko. Hindi ko alam kung bakit biglang ganito ang nangyari, tapos parang dinurog ang puso ko. Masama ang kutob ko at hindi ko talaga gusto ito, ayoko isipin na isa dun si Jen. Hindi ko kaya na may mangyari sakanila. Hindi ko man mahal si Jen pero sobra ko syang pinahahalagahan. Sana naman wala si Jen sa bus na yun, hindi sya sumakay ng bus. Nandito lang sya sa Manila. Walang mangyayaring masama sakanila wala. Wala talaga!! Pero kung anong mabigat ang dumagan sa pagkatao ko.




Emegesshhh anong nangyari kay Jen? Hala shemmay kasing yan eh. Minahal nman kayo ni Jen pero bakit hindi nyo sya kayang mahalin. Mommy at daddy? Pinalayas at pinabayaan ang anak. Kaynesss na Jimin, futapepay hindi kayang mahalin si Jen. Ayyy sorry sa reaction ko guyse ah?? Kasi naman eh. Anyway thank you for reading ^^ I love you guys. Support, Vote and Comment. Share nyo din sa friends nyo itong story ko ah? Hihihi thank you :-)

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon