Chapter 47 [She Hates Me]

126 9 10
                                    

Tanghali na okay na naman pakiramdam ko kaya lumabas na ako ng room at nakita ko sila na nanonood sa may sala.

"Okay na pakiramdam mo?" tanong ni Jessa.

Kaya lahat sila napatingin sakin. Nag nod na lang ako. Tapos lumapit sakin si V at hinila ako pababa.

"Tara dito LJ. Upo ka manood tayo." wala naman ako nagawa kaya naupo na lang ako sa tabi nya.

Kaya lang hindi ako masyadong comfortable sa kinauupuan ko. Sa kabilang side kasi si Jhope ang katabi ko, na katabi sa kabila si Wendy. Galit sya sakin alam ko yun, pero diba wala naman ako kasalanan? Alam nyo yan.

"Wala ka na talaga sakit?" tapos hinwakan ni V yung forehead ko tsaka yung leeg ko. "Oo nga wala na."

Kinabigla ko ang pag akbay nya sakin. Hindi ako na ako nagreact, pero yung taong gumagawa sakin nito ay si Suga lang. Si Suga na wala ngayon, naiinis ako parang nakalimutan nya yata na may girlfriend sya dito.

"LJ hanggang nandito tayo ako muna magbabantay sayo okay!!" tapos nag smile sya sakin.

Nag smile din ako sakanya. Buti pa si V nandito para sakin.






Jhope's POV

Ang awkward lang. Magkatabi kasi kami ni LJ sa upuan, kanina pa. At kanina pa din sila naghaharutan ni V. Gusto ko na nga mag react kasi... ah kasi magulo sila.

"Para kang flower." sambit ni V kay LJ.

"Bakit? Dahil maganda ako?" sagot naman ni LJ

"Kaasar naman. Bakit alam mo yan?" at para syang bata na nagmamaktol

Napansin ko naman ang pagyakap sakanya ni LJ.

"Wag ka na mag inarte dyan. Luma na kasi yang mga banat mo." malambing na sabi ni LJ.

Bakit ba nakikipaglandian sya ng ganyan kay V? May boyfriend na sya ganyan pa sya makadikit. Ilang saglit lang kinurot ni V ang pisnge ni LJ.

"Ouch!! Bakit mo kinurot pisnge ko ha?" at kinurot din ni LJ ang pisnge ni V

Bakit ba ganyan sila? Naiirita na ako ah. Tumayo ako at humarap sakanila.

"Ang gulo nyong dalawa!! Hindi ko maintindihan yung movie kaasar."

at tuluyan na akong umalis sa sala at nagpunta sa kwarto namin.

Bwiset talaga!! Dun pa naghaharutan nakakaasar.

"Hopie??!!" Nakita ko si Wendy.

Sumunod pala sya sakin.

"Bakit?"

"Tara maglakad lakad naman tayo please." wala ako nagawa kaya tumayo na ako at hinatak sya palabas sa room.

"Saan mo gusto?" tanong ko sakanya.

"Dun sa tabing dagat. Hindi naman masyado mainit kahit tanghaling tapat."

"Okay sige."

Pagbaba namin sa hagdan napinsin kong wala si V at LJ. Saan naman kaya sila nagpunta?

Lumabas na kami ni Wendy sa rest house nila Jessa.

"Hopie tingnan mo yung dagat oh. Blue na blue ang ganda."

"Oo nga."

"Dali punta tayo dun."

"Hindi wag na."

Make It Right: Book 1 (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora