Namjoon and Jessa Story Pt.2

117 9 2
                                    

Continuation...

"Jessa pwede ba kitang maging girlfriend?"

ang mga salitang yun ang paulit ulit sa isipan ko. Mababaliw na yata ako dahil dun.

"Oyy ano nakikinig ka ba sakin?" bumalik ako sa realidad nang kalabitin ako ni Sheila.

"Huh? Ah oo ano nga ulit yun?" hindi ko talaga naintidihan sinasabi nya dahil nga iniisip ko yung sinabi ni Namjoon.

"Tsk. Hindi ka nakikinig kaasar ka. Isusumbong kita kay tita. Ikaw na nga tinuturuan eh."

"wag!! Makikinig na ako. Pero huhuhu. Hindi ko alam kung paano ako focus ngayon." at nahiga ako sa kama ko.

Naupo naman sa tabi ko si Sheila.

"Ano bang nangyari kanina? Bukod sa kasalanan ni Namjoon yang pagkakaroon mo ng sugat sa noo." oo nga pala naikwento ko na sakanya yung tungkol sa sugat ko pero ibang kwento. In short nagpalusot ako.

Sinabi ko lang na natalapid ako sa paa ni Namjoon tapos tumama yung noo ko du sa may bato malapit sa cr.

"Ganito kasi yan." lumapit ako kay Sheila at niyakap ang braso nya. "Wag mo ipagsasabi ha? Sayo ko oang ito sasabihin. Kahit kay Clarisse hindi ko sasabihin promise. Sayo lang." pakiusap ko sakanya.

"Oo na tayo lang makakaalam. Hindi ko ipagsasabi promise." sabi nya.

May tiwala ako kaya nagkwento ako sakanya. Kimuwento ko lahat lahat.



"So paano yan?" tanong ni Sheila

"Hindi ko alam. Hindi ko alam isasagot ko kasi nga na shock ako." totoo naman yun. Kayo ba naman tanungin ng ganun diba?

Paano ako makakasagot kung agad agad diba? Shock na shock pa kayo. Ewan gulong gulo ako sobra.

"May gusto ka ba sakanya?" tumahimik ako bigla dahil sa sinabi nyang yun.

Napaisip ako bigla. Pero wala tlaga ako gusto kay Namjoon.

"Syempre wala." Agad kong sagot.

"Yun naman pala eh. Bakit hindi mo sabihin yan sakanya. Sabihin mo wala ka naman gusto sakanya. Kaya hindi ka pumapayag na maging girlfriend nya."

"Hindi!!"

"Anong hindi Jessa? Wala kang gusto tapos ayaw mo sabihin sakanya. Tsk ang gulo mo talaga kausap grabe. Pag isipan mo nga mabuti yan. Sige na uuwi na ako. Bye."

at lumabas na sya ng kwarto ko. Muli akong nahiga.

Bakit nga ba hindi? Kaya lang nakakaawa kasi sya eh, naaawa ako kay Namjoon alam kong nasaktan na sya ni Angela, sasaktan ko pa ba sya? Kawawa naman sya. Madali naman sigurong mahalin si Namjoon eh.




Kinabukasan.

"Ano Jessa napag isipan mo na ba ang inaalok ko sayo kahapon?" ayan nagtanong na sya sakin. Sure na ba ako sa isasagot ko?

"Ahh gusto ko lang kasi malaman kung seryoso ka ba talaga sa sinabi mo sakin kahapon?" para naman sure din ako sakanya.

"Kaya nga nagtatanong ako sayo ngayon diba? Ano Jessa? Gusto mo bang maging girlfriend ko?" nagtanong ulit sya.

Breathe in, breath out. Tumingin ako kay Namjoon at nag nod.

Bigla nya ako niyakap, natuwa naman ako bigla. At ramdam ko din ang tuwa nya. Kaya yumakap din ako sakanya.

"Alam ko kahapon lang tayo nagkakilala pero promise hindi ka masasaktan sakin." feeling safe. Okay na ako secure naman na ako sakanya.



Make It Right: Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now