Chapter 23 [Under The Star]

148 12 0
                                    

Lahat kami nagulat sa pagdating ni Suga. Hindi naman kasi namin inakala na dadating sya kasi nga nag out of town sila.

"Swagie i miss you." tapos niyakap nya ako ng sobrang higpit.

"Yahh!! Hindi ako makahinga." sabi ko sakanya.

Grabe kasi eh pero namiss ko din itong gums na ito hahahaha.

"Oyy akala ko ba nag out of town ka?" syempre kailangan ko malaman yun diba?

"Ahh oo nga kaya lang bigla ko naisip na birthday nga pala ni V, hindi pwede na wala ako." Ahhh ganun? So V lang talaga pinunta nya? Hmm grabe sya.

Lumayo ako sakanya at lumapit kay Jhope.

"Ohh bakit ganyan itsura mo?" tanong sakin ni Jhope.

"Nakakaasar kasi eh." sabi ko sakanya. Tsk naiintindihan ko naman yun kasi friend nya si V pero kasi diba nandito din ako.

"Naku kung ano man ang dahilan nyan wag ka na maasar. Tsaka tingnan mo pumapangit ka hahahaha." tumawa pa talaga sya.

"Tinawanan pa ako. Dyan ka na nga." aalis na sana ako kaya lang hinawakan nya ako sa kamay.

"Ito naman ang bilis magtampo. Wag ka naman ganyan." tapos biglang naging seryoso na yung mukha nya.

"Tinawanan mo pa kasi ako." sabi ko kay Jhope.

"Swaegie!!!" tawag ni Suga.

Dapat nagtatampo ako. Wala na ako nagawa kundi tumakbo kahit saan ako mapadpad.

"Oyy tama na pagod na ako." nagulat ako kasi nahatak ko pala si Jhope.

"Sorry nahatak pa kita." Sabi ko sakanya.

Napaupo na lang sya sa buhanginan. Naupo na din ako sa tabi nya. Saglit kami natahimik at nakatingin sa mga bituin sa kalangitan.

"Bakit mo tinakbuhan si Suga?" tanong ni Jhope sakin.

"Nagtatampo kasi ako sakanya." eh totoo naman nkakatampo yun nho.

"Bakit naman?" Tanong nya. Sasabihin ko ba? Tsismoso din ehh nho?!!

"Hmm kasi eh." ayoko sabihin baka isipin nya ang babaw ko.

"Ano tagal ah??" aba excited pa malaman loko toh.

"Tss. Excited ah.. can you wait?" tapos hinampas ko sya pero mahina lang. "Eh kasi naman nagpunta lang pala sya dito dahil lang kay V. Naiintindihan ko naman yun kaya lang kasi ehh basta alam mo na yun." tapos natahimik na ako.

Hindi naman sya nagreact, nakita ko na lang nkatingala sya.

"Ang ganda ng stars." seryosong tono ng boses nya. "Napakaganda sobra."

"Oo naman walang kasing ganda." sabi ko naman habang nakatingin din.

"Pero alam mo bang may mas maganda pa sa stars?" nagkatinginan kaming dalawa.

"Ano naman yun?" sabi ko sakanya habang nakatingin sakanya.

"Ikaw." ano daw??? tinatanong ba nya ako kung ano pa mas maganda sa star? Sya nagsabi tapos tatanong nya sakin. Joke ba yun? Hmmm joker ka Jhope.

"Ako?" Kailangan sigurado ako bago sumagot.

"Oo ikaw. Mas maganda ka pa sa bituin sa kalangitan." natulala na naman ako. Yung puso ko gusto kumawala sa dibdib ko. (A/N: ahh baka gusto mag swimming XD)

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon