Chapter 29 [Revelation]

131 13 0
                                    

LJ's POV

Totoo ngang umuwi si Jen at isinama si Mingyu. Nakakaawa naman si Mingyu, ano ba kasing problema ni Jimin? Tsk wala syang pakialam kay Jen pero ginawa nya ang ganun kay Mingyu. Nakaka beast mode naman yun.

"Class mabuti pa sigurong umiwi na lang din tayo. Yung nangyari kasi kagabi dahil dun mukhang hindi na tayo makakapag enjoy." sabi ni Ms. Jessica

"Opo nga Ms. Jessica. Hyung kasi eh, bakit mo kasi ginawa yun kay Mingyu?" tanong ni Jungkook.

Tahimik lang si Jimin. Siguro nag iisip pa din sya. Hindi sya makapaniwala sa pinagtapat ni Jen.

"Swaegie may gusto kasi ako ipakita sayo bago tayo umalis." bulong sakin ni Suga.

"Hmm ano yun?" response ko naman.

"Tara!!" hinatak ako ni Suga palabas ng rest house tapos nagpunta kami sa isang lugar na mataas.

Pagtingin ko, kita ang maganda ang view. Ang kulay blue na dagat at ang puting buhangin.

"Ang ganda dito." Namamangha kong sabi sakanya.

"Ito ang favorite kong lugar kapag nagpupunta kami dito." sabi nya sakin habang sabay namin tinitingnan ang mgandang tanawin.

"Sino nakakaalam nito bukod sayo?" tanong ko sakanya. Hindi sya nagsasalita kaya napatingin ako sakanya. Naging seryoso ang mukha nya ang layo tingin nya.

"Sorry kung ngayon ko lang sasabihin ito sayo." Ang tono ng boses nya sobrang seeyoso.

"Ang alin?" tanong ko sakanya.

"Dati kasi may girlfriend ako..." pagkasabi nya ng word na yun nasaktan ako bigla "..masaya kaming namamasyal kung saan saan. Dito sa lugar na ito una kaming nag celebrate ng anniversary namin.." bumibigat lalo yung pakiramdam ko "..3 years na kami nun at 4 years na sana kami ngayon kung hindi lang nangyari ang aksidenteng yun."

"Anong aksidente yun?" bigla ko na lang naitanong yun sakanya kasi na curious din ako sa mga pinagsasabi nya.

"Car accident. Last April nangyari yun. Nagalit ako sakanya dahil nawawalan na sya ng time sakin, hindi ko pinakinggan ang explanation nya. Umalis ako at sumakay ng kotse, hindi ko naman alam na sinundan nya ako. Pag uwi ko dorm namin walang tao ako lang. Ini off ko yung phone ko at natulog ako. Ilang oras ako nakatulog nun, nagulat na lang ako nang ginising ako ni Jin hyung at ibinalita sakin ang nangyari." bigla na syang umiyak, gusto ko sabihing okay lang yan. Pero diba parang ang tanga ko naman kung sasabihin ko yun eh alam ko naman na hindi okay yung nangyari.

"Anong nangyari?" Tanong ko sakanya.

"Naaksidente sya at sinabi ng magulang niya na dead on arrival si..." hindi na nya napigilan ang sarili kaya lalo syang umiyak ng umiyak.

"Sino?" ano pangalan ng ex mo? gusto ko kasing malaman.

"Si Clarisse." teka diba yun yung sinasabi nila kapag nakikita ako? Naguguluhan ako.

"Paano mo na confirm na wala na nga sya? Nakita mo ba yung bangkay nya?" yung magulang lang naman nagsabi eh.

"Yung ash nya. Tapos dinala yun papuntang ibang bansa." patuloy pa din ang pag iyak nya.

Ramdam ko na ang sakit na nararamdaman nya. Mahirap mawalan ng minamahal lalo na matagal mong nakasama. Isa na lang gusto ko ma confirm sakanya.

"Bakit lagi akong napagkakamalan na si Clarisse? Magkahawig ba kami?" diretso kong tanong sakanya.

"Oo. Para nga kayong twins. Pero ang imposible naman kasi nun diba? Wala naman syang nasabi na may kakambal sya at ikaw din. Hindi ko alam kung sadya lang ba ito." pagpapaliwanag nya. So kaya pala ang akala ng lahat ako si Clarisse. Kaya lang may isa pa talaga na gumugulo ngayon sakin.

"Nakikita mo ba sakin si Clarisse?" yan ang gusto ko matanong sakanya kanina pa.

"Oo pero iba syempre magkaiba pa din kayo. Magkamukha nga kayo pero hindi ibig sabihin lahat ng bagay sainyo ay parehas." nakabuo ako ng conclusion sa isip ko at hindi ko gusto ito.

"Kaya ba niligawan mo ako dahil kamukha ko si Clarisse?" ilang sigundo sya nagsalita. "Okay nasagot mo na tanong ko. Last April lang yun, ibig sabihin hindi mo pa sya nakakalimutan. Napili mo ako dahil kamukha ko sya. Suga salamat sayo!" nagpipigil lang ako ng luha.

"Ahh Lyrra.." pinutol ko na ang sasabihin nya.

"Thanks dahil naging rebound ako.." huminga ako ng malalim at muling nagsalita "..hindi pala totoo na gusto mo ako, kasi hanggang ngayon dyan sa puso mo" tinuro ko ang left chest nya "si Clarisse pa din ang hanap. Dahil mapaglaro ang pagkakataon nakilala mo ako." pinilit ko hindi lumuha sa harap nya pero hindi ko kinaya dahil ang mga luha ko gustong gusto kumawala sa mata ko.

"Hindi yun ganun Lyrra." pinipilit nya akong hawakan pero iniiwas ko ang sarili ko sakanya.

"Sapat na sakin yun Yoongi. Okay na yun. Alam ko na yung totoo." pinilit ko mag smile sakanya.

"Lyrra..." tawag nya sakin.

"Sorry Yoongi, pero ang hirap pala nun haha *fake laugh* akala ko talaga mahal mo na ako. Nakikita mo lang pala sakin si Clarisse." tinalikuran ko na sya at naglakad na kaya lang naabutan nya ako at hinawakan nya yung kamay ko.

"Lyrra please!!" pakiusap nya sakin

"I know ang babaw ko dahil lang dun umayaw na ako. Alam mo kasi kung magiging tayo pa baka mas lalo ako masaktan. Ang mga bagay na ginagawa mo sakin ganun din ba ang ginagawa mo noon kay Clarisse?" hindi na naman sya nagsalita. "Silence means yes. Sige na mauna na ako. Oo nga pala, thank you sa mga panahon na nakasama kita at naging masaya ako. Itigil mo na Yoongi. Itigil mo na ang panliligaw mo dahil wala na yan patutunguhan." kumawala ako sa pagkakahawak nya at muling naglakad pabalik sa rest house.

Pinilit kong maging okay lang para hindi nila mahalata na umiyak ako. Dumiretso agad ako sa girls room para ayusin ang mga gamit ko. Nilapitan ako bigla ni Nica.

"Anong problema LJ?" Tanong nya sakin.

Hindi ako nagsalita dahil hindi pa ako ready na pag usapan ang nangyari. Palilipasin ko na muna siguro ito.

"Wala naman. Bakit?" patay malisya na naman ako.

"Ohh okay. Ah oo nga pala pwede bang pag uwi natin samahan mo agad ako sa hospital kung nasaan si Migyu ha?" nagnod na lang ako sakanya at muling tumahimik. Nagpatuloy ako sa pag aayos ng gamit ko.

Third Person's POV

Nang maiayos na nila ang lahat ng gamit nila at nakapag ayos ng sarili sumakay na sila sa mini bus na sinakyan nila.

Tahimik na pumasok si Nica at LJ. Magkatabi silang naupo banda sa likuran.

"Anong problema nyong dalawa?" tanong ni V sa dalawang dalaga.

Hindi naman nagsalita ang dalawa at agad na naglagay ng ear phone. Nilapitan naman ni Jhope si LJ.

"LJ bakit? Anong problema mo?" bulong nito dito.

Nag smile lang si LJ at umiling. Muli syang nakinig ng music sa phone nya. Naka receive ng text si LJ galing kay Suga.

From: Swagie

Swagie Sorry please forgive me.

Tiningnan lang ito ni LJ at muling bumalik sa ginagawa nya. Si Nica ay nakatanggap din ng message galing kay Jin.

From: Jin

Pwede ba kita makausap, gusto ko kasi mag sorry sa nagawa ko nung nakaraan.

Tiningnan lang iyon ni Nica at nakinig muli sa music. Buong byahe nila ang tahimik. Kahit sina V at Jungkook na maiingay ay hindi nakapag ingay. Para silang mga takot na pagod.




Ohhh ayan po yung revelation na gustong gusto ko na sabihin sainyo hahaha. Thank you sa pagbabasa huhu ㅠㅠ i love you so much. Support, Vote and Comment.

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon