Chapter 44 [Rivalry]

103 10 4
                                    

Ilang oras na lang Christmas na, tahimik lang ako na nakaupo dito sa sofa at nakaakbay sakin si Suga.

"Swaegie bakit ang tahimik mo?" pabulong na tanong sakin ni Suga.

Ayoko sabihin yung dahilan kasi baka magkaroon ng World War III. Maliit na bagay lang naman yun kaya hayaan na lang natin.

"Wala naman. Inaantok kasi ako eh."

"Mahiga ka dito." tapos tinap nya yung lap nya.

"Hindi okay lang ako."

sumandal ako sa braso ni Suga at pumikit.

Hindi ko talaga feel ang magsalita ngayon. Para akong pagod na pagod, siguro dahil sa byahe din. Niyakap ko si Suga.

"Bakit?" tanong ni Suga

"Kapag ba niyakap may dahilan agad?"

Lalo ko hinigpitan ang yakap sakanya. Mas gusto ko yakapin si Suga para dama ko ang abs nya hahahahahaha meron nga ba?

"Kayong dalawa!! Dun nga kayo sa kwarto mag ganyanan."

iminulat ko mata ko at nakita ko si Jessa na nakatayo sa harapan namin.

"Oyy anong kwarto ka dyan?" apila ko kasi parang iba iniisip nya.

"Grabe iba nasa isip mo LJ hahahaha." at tunawa pa sya, medyo nahiya tuloy ako. "Nakapikit ka kasi dyan baka kasi gusto mo matulog dun sa kwarto. Yoongi oh iba ang nasa isip ni LJ hahahaha."

tumayo ako para i-defense ang sarili ko.

"O-oyy g-grabe ka naman. H-hindi ganun i-iniisip ko :3"

tumayo ako at paakyat na.

"Saan ka pupunta swaegie?"

"Sa kwarto lang." sagot ko.

"Yoongi sundan mo daw hahahaha."

"Grabe ka Jessa. Grabe ka talaga."

"Whahahahahaha" sige sige kapag medyo nag iba ang amoy dito sa bahay kasalanan ni Jessa yun hahahaha.

"May aayusin lang ako para sa exchange gifts mamaya."

Yes meron po kami nun at oo naalala ko na si Jhope ang nabunot ko. Hindi ko alam kung magugustuhan ba nya yung gift ko kasi nagkaroon kami ng pagtatalo kanina.

Pagpasok ko sa classroom nakita ko si Jhope at Wendy na magkayakap na nakatayo sa may malapit sa may bintana. Agad naman sila naglayo ng makita ako.

"LJ!!?" sambit ni Jhope.

"Ahh sorry, sige lalabas na ako."

Agad naman ako bumaba at naupo ulit sa tabi ni Suga.

"Ohh bakit ang bilis mo naman yata?"

"Nandun kasi si Jhope at Wendy. Kailangan yata nila ng privacy kaya bumaba na ako."

Suga kissed me on my forehead. Tumungin sakin at nag smile.

Naalala ko lang, yung unang lalaki na nag kiss sa forehead ko ay si Jhope. Wala lang naman siguro yun kasi nga sabi nya kanina joke lang yung mahal nya ako.

"Swaegie ano ibig sabihin kapag ikiniss ka so forehead?" tanong ko kay Suga, hindi ko kasi alam kung bakit eh.

"Ahhh yun bang ginawa ko?" nag nod ako sakanya "Kaya sa forehead kasi ayaw kong mawala ka."

Yun pala ibig sabihin ng pag kiss sa forehead pero bakit ganun ginawa sakin ni Jhope?




Hayyssss ayoko na mag isip tungkol sa mga ginawa sakin ni Jhope nun, lahat namn kasi yun joke lang.

Make It Right: Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now