Chapter 30 [I'm Sorry]

132 12 0
                                    

LJ's POV

Finally nakauwi na din kami. Dito sa tapat ng school kami ibinaba, agad ko naman kinuha yung gamit ko para hindi na ako maabutan pa ni Suga. Magpapalamig lang ako ng ulo kasi nakakaasar talaga eh. Feeling ko talaga ginawa nya lang akong taenga. Alam nyo ba yung feeling na niligawan nya lang ako kasi kamukha ako nung ex nya na gf nya for 3 years tsk. Hindi naman madaling kalimutan ang ex diba? Lalo na kung kusang kinuha sayo ng maykapal. Haysss nakakaewan talaga.

"LJ hmm tara samahan mo naman ako kahit saglit lang please!! Uuwi din agad tayo. Gusto ko lang talaga malaman ang lagay ni Mingyu." pakiusap skin ni Nica.

Ano pa nga ba magaawa ko eh di pagbibigyan ko na ang friend ko. Ayoko din tanggihan sya dahil broken hearted din sya tulad ko. Alam ko nararamdaman nya, sino pa ba magdadamayan diba? Kami lang naman dalawa.

"Sige tara na." naglakad na kaming dalawa ng biglang may humawak sa bag koㅡnakita ko si Suga.

"Excuse me Mr. Min pwede bang bitawan mo ang bag ko." ang cold ng pagkakasabi ko diba?

"Please Lyrra. Can we talk?" pakiusap naman nya sakin.

"Pwede ba hayaan mo na muna ako? Hindi pa kasi ako ready makipag usap sayo eh." sabi ko naman sakanya at inagaw yung bag ko.

"Please Swaegie. Please!!" hala futekeng pepay naman ohh. Wag mo akong ganyanin baka bumigay agad ako.

"Hyung!!!" nakita namin na papalapit si Jhope. Hanggang sa makarating na sya sa harapan namin.

"Hobi." Sabi ni Suga.

"Hyung hayaan mo na muna sya." Pagkasabi ni Jhope nun umalis na si Suga.

"Thank You Jhope." nag smile lang ako sakanya at umalis na kami ni Nica.

Sumakay kami ng taxi. Biglang nagsalita si Nica.

"Hindi ka pa nagkukwento sakin." Panimula ni Nica.

"Ano ikukwento ko naman sayo?" habang nakatingin ako sa bintana ng taxi.

"Sus naman LJ, ano akala mo sakin bulag? Napansin ko kaya na hindi mo pinapansin si Suga. Bakit anong nangyari?" si Nica makulit ito alam ko. Hindi sya titigil hanggang sa hindi ako nagkukwento.

"Nics wag muna ngayon please? Next time na lang. Wala pa ako balak magkwento ngayon. Syempre masakit pa eh." sabi ko sakanya at saka ako sumandal at pumikit. Naramdaman kong may yumakap sakin.

"Okay basta kapag ready ka na kwento mo ah?" Tanong nya sakin, tumingin ako sakanya at nag nod. Nag smile na lang sya sakin.

"Ma'am nandito na po tayo." sabi nung driver. Agad naman kaming bumaba na at kinuha ang gamit namin. Tapos nagbayad na kami at pumasok na kami sa loob ng hospital.

Dumiretso agad si Nica sa information desk.

"Miss excuse me pwede ba malaman kung saan dito ang room ni Mingyu Kim?" tanong ni Nica dun sa nurse.

"Kaano ano po kayo ng pasyente?" tanong naman ng nurse.

"Friend nya ako." sagot naman ni Nica.

"Ano pong name nyo?" Tanong ulit nung nurse.

"Veronica Martinez." sabi naman ni Nica.

"Okay wait lang po." tapos nag dial yung nurse. Ilang saglit lang ay ibinaba din nya yung telephone. "Room 406 sa kabilang building po yun. Naka private po kasi ang pasyente." sabi nung nurse.

"Okay. Thank you." tinungo namin ang daan papunta sa kabilang building. Halatang kabado si Nica, medyo hindi kasi sya mapakali hahaha.

Pagpasok namin nakita agad namin si Jen na nakaupo sa sofa tapos nandun din ang parents yata ni Mingyu yun, at si Mingyu na nakahiga sa kama. Mahimbing ang tulog nito, kung makikita nyo yung mukha nya nakakaawa sya, ang dami nyang pasa at sugat sa mukha. Nabugbog eh, ganito yan kapre na binugbog ng nuno. Na gets nyo ba ako? Tawa kayo dyan hahahaha. (A/N: Whoohhh joke nya, tawa nya!!) Okay hindi na ako mag joke. Sorna!!! (A/N: CLC SORN??) Wala!!! ayoko na nga.

"Hello po tita, tito. Jen." greet ni Nica.

"Hello din iha. Mabuti nakadalaw ka agad." Sabi nung mom yata ni Mingyu yun.

"Nag decide po kasi yung prof namin na umuwi na po kami dahil nga po sa nangyari kay Mingyu." paliwanag naman ni Nica sa mom ni Mingyu.

Tumayo naman si Jen.

"Ahhmm Ma'am, Sir mauna na po ako ah? Nakakasama din po kasi sakin ang magtagal sa hospital." paalam ni Jen.

"Halika at ihahatid na kita sa bahay nyo baka kasi kung mapaano ka pa sa daan." sabi naman nung dad ni Mingyu.

"Thank You po. Bye LJ, Bye Nica." palabas na ng pintuan si Jen nang humarap ulit sya saamin. "I'm really sorry. Kasalanan ko po ang nangyari kay Mingyu. Patawad po."

"Hindi iha. Okay lang, sige na umuwi ka na ng makapagpahinga ka na." sabi ng mom ni Mingyu.

"Bye!!" sabay namin na sabi ni Nica.

At ayun lumabas na nga sina Jen. Lumapit naman si Nica sa may kama ni Mingyu.

"Mingyu?!! Oyy bumangon ka na magpagaling ka na please. Papansinin na ulit kita promise." Sambit ni Nica.

"Hahaha ikaw talaga iha. Natutulog lang sya. Gising yan kanina, pinakain ko lang." natatawa naman na sabi ng mom ni Mingyu.

Nagulat ako nang mag ring yung phone ko. Nag excuse ako at saka lumabas ng room ni Mingyu. Pagtingin ko si Suga, tumatawag pala.

Yung feeling na hindi ko alam dapat ko gawin. Sasagutin ko ba or hindi, naawa naman ako sakanya kaya lang niloko nya ako. (A/N: Niloko agad?? Hindi pa lang sya ready na sabihin yun.) Sinagot ko na lang yung tawag nya.

"Ohh bakit tumawag ka?" ang cold ng pagkakasabi ko nyan sakanya.

"Please Lyrra. Swaegie sorry na. Hindi ko agad naamin sayo dahil natatakot ako. Katulad ngayon, ayan yung reaksyon mong ganyan ang ayokong mangyari." pakiusap ni Suga, hindi dapat ako magpadala sa mga sasabihin nya. Baka maloko lang ulit ako, masakit maloko nho. Para ka kayang taenga nun.

"Sorry hindi pa ako ready Suga." sabi ko na lang sakanya.

"Please Lyrra. Lahat gagawin ko tanggapin mo lang sorry ko." hahaha nagpapatawa sya. Kayness naman ayoko pa talaga magpatawad, masakit pa yung sugat na dulot nya. Sorry guys.

"Suga mahirap ba intindihin yung sinabi ko? Hindi pa nga ako ready. Please pagod ako wag mo painitin ulo ko." hindi ko na hinintay sagot nya at ini-end ko na yung call.

Hindi naman mahirap intindihin yung sinabi ko eh. Kaasar lang kasi talaga, hindi pa ako ready ipagpipilitan na nya agad yung gusto nya. Akala nya ba madali lang magpatawad? Tsk!! Hayy naalala ko na naman. Feeling ko kasi talaga rebound lang ako eh, tsaka nakikita nya lang yung itsura sakin ni Clarisse. Eh bakit nga ba magkamukha kami?




Owemji konti na lag makikilala nyo na ako hahahahaha. Tuloy nyo lang po pagbabasa sa story ko ah?? I Love You Guys. Oo nga pala sorry dahil ngayon lang ako nakapag update. Kasi natuwa ako kakalaro ng Piano Tiles 2, alam nyo na mahal ma mahal ng BTS yung game na yun lalo na si Kookie hahaha. Anyway Support, Vote and Comment :-D

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon