"Oh stop it Clarisse!"

Pati ba naman iyon nakikita niya? Ewan ko talaga sa babaeng ito.

"Nandito na po tayo Ma'am at ito po ang dress na sinasabi ko. And it suits you."

"Talege?"

Binatukan ko ito. Sobrang halatang nakikipaglandian na kasi. At kailan pa tumabingi ang dila nito?

"Umalis ka nga muna!" pabulong na bulyaw niya. At talagang pinalayas pa'ko? Pambihira!

Hinayaan ko nalang siya para makadiskarte. Umalis ako at naglibot-libot muna. Patingin-tingin ako sa mga damit pero wala naman akong balak na bumili. Gusto ko lang talagang makaiwas ngayon.

"Opps sorry!"

"Sir Vin!" Biglang nanlaki ang mata ko ng makita si Sir Arvin sa aking harapan. Nakangiti ng todo sa'kin. Sinimangutan ko ito ng mapagtanto kong sinandya niyang banggain ako para lang maagaw ang atensiyon ko. Pero imbes na mainis ay ngumite nalang ako.

"What are you doing here?" he asked.

"Sinamahan ko lang si Clarisse Sir."

He tilted his head as he pouts. "Stop the Sir. Wala tayo sa school. You can call me Vin kapag nasa labas tayo."

Tumango ako. Kung sa bagay. Nakakahiya namang tawagin ko siyang Sir sa labas ng school gayong magkasama kaming dalawa. Baka ano pa ang isipin ng ibang tao.

"Okay Vin. So saan punta mo? Mag-isa ka?"

Inilibot ko ang paningin sa paligid at mukhang wala naman siyang kasama. Mukhang mag-isa lang siyang gumagala.

"Ako lang mag-isa. Si Clarisse?"

"Doon lumalandi pa."

Nangunot ang noo nito kaya natawa ako. Imbes na magtanong ay inaya niya nalang akong kumain sa isang fast food chain. Tamang-tama naman dahil gutom ako.

"What do you want? My treat."

I was about to say something about my order when someone interrupted us. And no other than Jarell, my step-brother. My blood boils when he sat beside me as if I allowed him to do so. Ang kapal talaga ng mukha niya.

"No need to order. Na order ko na lahat ng gusto niya."

Sinamaan ko ito ng tingin pero parang wala lang itong pake. I told him to stay away from me but then here he is pestering me. Kaya nga ako sumama kay Clarisse dito sa mall para iwasan siya! Pero anong ginagawa niya?! Sinundan niya ako para guluhin!

"Ah Vin lipat nalang tayo," I said trying to ignore him. Umangat ang paningin nito sa'kin.

"No. Stay," he coldly said. I scoffed. Sino siya para pigilan ako? He is just my step-brother! How dare him!

Hindi ko sinunod ang sinabi niya at tumayo parin para sana lapitan si Vin pero nagulat ako ng hulihin niya ang pulsuhan ko at sapilitang pinaupo ulit sa tabi niya. Napadaing ako sa sakit dahil sa ginawa nito. Damn it Jarell Adverson! What the hell are you doing?!

"Roiss!" tawag ni Vin ng makita ang reaksiyon ko. Mabilis na lumapit ito kay Jarell para suntukin pero nakailag ito. Bago pa umangat ang kamay ni Jarell ay pinigilan ko na ito.

"STOP!"

At talagang gagawa pa siya dito ng gulo?! Tahimik naman kami ni Vin ng wala siya dito!

"Pwedi ba Jarell umalis ka na?"

"No."

"Okay fine! Huwag kang umalis dito dahil kami mismo ang aalis!"

Padabog na hinigit ko ang kamay ni Vin palabas ng fast food chain.

Naiinis ako. I really hate him!

"Roiss!" rinig kong tawag nito sa likod namin ni Vin.

Sinubukan kong maglakad ng mabilis pero naabutan niya parin ang kamay ko dahilan para mapatigil kami sa paglalakad ni Vin. I sighed deeply, trying to calm myself. He is getting into my nerves! I want to punch his face so hard that he can no longer see and talk!

"Bitaw!" I shouted at him.

"Let's go home."

"Naririnig mo ba ang sinabi niya? Sabi niya bitaw daw Adverson."

Tiningnan niya ng masama si Vin.

"I am not talking to you, so you shut up!"

"Ano ba Jarell!"

"Let's go home Roiss," he menacingly said.

Fine! Hindi niya talaga ako titigilan hanggat hindi ako sumasama sa kanya! Gusto niyang umuwi? Sige uuwi kami! Pero huwag siyang mag-expect na papansinin ko siya! He is just a ghost for me.

"Vin, uuwi na'ko."

"Pero—."

"Uuwi na siya," sabay higit sa'kin paalis. Nainis ako sa ginawa niya kaya tinabig ko ang kamay nitong nakahawak sa'kin. Pero kulang yata ang pwersa ko para gawin iyon dahil hindi man lang ito naalis. I stopped walking but he dragged me again.

Konti nalang talaga. Mauubos na ang pasensya ko sa kanya. Bakit ba niya ginagawa ito?! He is pestering me! Not just me but also my whole being!

"Peste ka talaga Jarell Adverson!" bulong ko sa aking sarili dahil sa sobrang inis.

Paano ako makakalayo sayo gayong palagi mo akong sinusundan? I don't get it. I really don't get it why you are doing this to me.

.

.

.
Ladymania

Its So Called COMPLICATED Kde žijí příběhy. Začni objevovat