Chapter 31: Nasaan Na Ako?!

Start from the beginning
                                    

Napalunok siya. Hindi siya sanay na kasama ang mga bakla. "Nasa labas lang po ako..." Tapos dali-dali siyang lumabas, para makaiwas kila Arti at Tanya. Baka kainin pa siya ng buo ng dalawang ito. Naiwan ako kasama ang dalawang bakla na to.

"Hindi ako makapaniwala. BAKLA KAYONG DALAWA?!"

"Tss! Mamatay na!" Angal ni Arti gamit ang lalaki niyang boses.

"F*ck! This is the most embarassing thing I've ever done!" sabi ni Tanya gamit din ang boses niya na normal.

"Ha?!"

 "Tss. Sumama ka sa 'min." Hinatak nila kong bigla papunta sa kabilang labasan ng cantene. May malapit na cr dun at dun nila ko pinasok.

"Anong ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila.

Inabutan nila ko ng damit, bagong bag, shades at ano to?? Wig??!!

"Disguise!" sabi ni Nate.

"Disguise? Para saan?" tanong ko.

"Seriously Nick? Gusto mo bang makaalis dito? Bilisan mo, bago malaman ng lalaking yun na nawawala tayo." Bulong ni Art. Pero halata na nagmamadali sila.

Mabilis akong nagbihis at habang nagbibihis ako, they give me instructions. Pumunta daw ako sa interfate chapel at may red na kotse daw doon. Pumasok daw ako doon and they'll be inside. Waiting. And then yun na bigla silang umalis.

Saan ko iiwan yung mga luma kong damit? At ano tong pinasuot nila sa kin? Think of disguise. I'm wearing whtie spaghetti shirt on top of it is a cream coat. Then a suuupppeeerr short shorts and an unbelievably super high heeled boots. May shades na malaki and yung wig It's a long wavy brunette hair.

Nung sinoot ko, Infareness. Di siya mukhang fake. Kung ordinaryong araw to? Hinding hindi ko isusuot ang mga to. Pero poootek! Desperado na kong makalabas dito no!

Llumabas ako ng c.r, tapos tinapon ko yung mga damit ko sa trashcan.

Nakita ko si Ed at hinahanap na niya ko.  Pero naglakad lang ako ng normal. Sana naman hindi nila ko makilala.

Nasa interfate chapel na ko at isa lang ang red na kotse doon ngayon. Pumasok ako sa back seat at nandoon nga sila.

"May nakakita ba sa'yo?" tanong ni Nate once I've settled on my seat, siya yung nasa driver's seat.

"Oo."

"Ha?!" gulat na tanong ni Art na nasa passenger's seat.

"Malamang. Pero wala namang nakakilala sa kin. As of the moment."

At sabay na nakahinga nang maluwag ang dalawa. Napansin ko din na wala na silang make-up.

"So..."

"Pwede may sabihin muna ako?" tanong ni Art. Tinignan niya ko, tapos si Nate. Tumango si Nate. Seryoso pa din mukha niya "Goddamn shoe girl! You're one hot piece of a shit." Biglang namula yung mga pisngi ko, tapos hinatak  ko yung shorts na ubod ng ikli. Hoping na humaba siya.

"Stop it Art! We need to focus." Tapos nag-umpisa nang umandar yung kotse. 

"Oo nga pala." Art said, focusing kung ano man yung task nila at hand.

"Kay Dominc ba tayo pupunta?"

Tumango silang dalawa.

"So inutusan niya kayong magbakla-baklaan para makuha ako?"

"Hell no!!" sagot nilang dalawa ulit.

"Nagmakaawa siya." Sabi ni Nate.

"Oo tama. Lumuhod. Umiyak at nagmaka-awa." dugtong ni Art

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now