Chapter 30: Moves Like Jagger?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bitiwan mo ko!"

Binitawan naman niya ako sabay sabing, "Mag-breakfast na po kayo miss." Lumabas siya sa walk-in closet at bumalik din dala dala ang pagkain ko.

"Kung ikaw nasa sitwasyon ko, makakakain ka?!"

Tumango siya while he's looking straight to my eyes. "Kung gusto niyong tumakas. Palagay ko kailangan niyong kumain para magawa niyo yun."

"Nakakainis ka alam mo yun?"

Umiling siya.

Hindi lang nila ko kinukulong, tinotorture pa nila ako!

Pero kumain din ako kasi nagugutom na din naman ako. Tao lang. At after kong magbreakfast, hindi na umalis si edgardo sa kwarto ko. Kahit na nasa sulok lang siya, nakakairita pa rin. At hindi pa nga rin pala niya binabalik yung cellphone ko at walang humpay ang pag-ring nun.

Nasa kama ko ako. Nakaupo habang yakap yung mga binti ko. Nasa sulok siya, nakaupo sa upuan at nakatingin lang sa kin.

Habang nanlilisik ang mata sa kanya. Siya wala lang. Para lang akong isang blangkong papel kung tignan niya. Ganito kami simula pagkatapos kong magalmusal hanggang ngayon na gabi na. Ni hindi nga siya lumabas nung maliligo na ko eh.

May kumatok sa pinto at dahil feeling at home siya sa kwarto ko, siya ang nagbukas. Dala pa din niya yung phone ko. Pagbalik niya... dinner na. Grabe!! Ang productive ng araw ko na to!!

"Ito na po ang dinner niyo miss."

Pero this time, wala akong balak kainin yun. Mabulok ka diyan kasama mo na din yung naghatid sa'yo. Humiga ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.

"Kailangan niyo pong kumain."

Grabe! Kung may guiness book of world record bilang pinaka-nakakairitang tao. Siya na yun! PRAMIS! Hindi ko siya pinansin. Iiniisip ko pa din si Dominic. Siguro iniisip nun ngayon na iiwan ko na siya. Na hindi ko na siya gusto. Na kaya ko siya iiwan dahil sa sinabi sa kin ni Cheska. Na mag-aaway silang dalawa ngayon dahil sa kin. Na wala akong magawa sa peste kong sitwasyon.

PESTE!!

Tumulo na ulit yung mga luha ko. Bwiset! Ayokong nararamdaman yung ganito. Yung wala akong ibang magawa kundi umiyak na lang. Bigla na lang akong narinig na nagha-hum. Nung una hindi ko alam kung ano yung naririnig ko. Tapos naalala ko yung alphabet song na kinanta ni Dominic sa kin. Bigla kong tinanggal yung talukbong ko sa ulo.

Nakangiti siya sa kin. "Yun yung kinakanta sa kin ng nanay ko kapag umiiyak ako."

"Mamatay na umiiyak!!"

"Wag muna."

"Tae ka!" Tapos inamoy niya sarili niya. Binato ko naman siya ng unan. Tinamaan siya kaya natawa tuloy ako. Bobo. Di umilag!

"Mas maganda ka kapag nakatawa ka."

 Binato ko ulit siya ng unan.

"Ulitin mo pa yan sa kahit na anong lenggwaheng alam mo. Ibabato ko na sa'yo tong kama!" Tumawa siya. Second time siyang tumawa.

"Bakit ka naging body guard? Ilang taon ka na ba ha?" bigla ko na lang natanong.

Hindi ko napansin nakaupo na ulit ako sa kama ko. "20." he answered.

"Eh bakit nga ganito trabaho mo??"

"Kasi...."

"Kasi...?"

"Kasi dito lang ako magaling."

"Saan? Sa pangbubwiset?!"

Ngumiti siya at may dimples pala siya. Bwiset! Kyuut ng mukha ng lalaking to. Kontra sa katawan niyang mamuscle-muscle. Pano ko nalaman? Nniyakap niya ko kanina di ba?

"Bwiset ka na ba sa 'kin?" tanong niya.

"Tss. Manhid ka ba?! Gusto na nga kitang patayin eh. Kung hindi lang mas malakas ka sa kin at kung hindi lang ilegal yun, ginawa ko na talaga kanina pa!"

"Buti na lang I'm trained."

"Tss!"

Tumalukbong ulit ako, tapos nahiga. Ayoko na siya kausap.

"Gusto mo talaga siyang makita?"

"Ay hindi ayaw ko. Naeenjoy ko nga tong ginagawa nila sa kin eh. Ang saya!"

"Nnaiintindihan mo ba kung bakit nila ginagawa to?"

"Naiintindihan ko, kaya nga gusto kong tumakas eh."

"Sa nakikita ko naman, mahal ka lang nila kaya nila ginagawa to."

"Huh! Mahal?! Seryoso ka?! Hahaha. Ang nagmahal hindi maramot. Hindi namimilit. At hindi nananakit. Alam mo ba yun?"

"Pero ang nagmamahal, inaalagaan niya yung taong mahal niya sa paraang kaya niya."

 Napabangon ulit ako.

"Ang nagmamahal hindi niya gustong nasasaktan yung taong mahal niya."

"Ang nagmamahal mas nasasaktan kapag nakikitang nasasaktan ang taong mahal niya."

"Ang nagmamahal... hindi dapat ganito..."

Hindi ko napansin, tumutulo na ulit yung mga luha ko. Naramdaman ko na lang na lumapit pala siya nung naramdaman ko yung braso niya na nakaikot sa akin.

"Sshhh.."

Peste!! FC LANG?!! Pero bakit ganito? Kumakalma ako. Poootekk!! Tinaggal ko yung pagkaka-hawak nya sa kin.

"I'm sorry, miss." mabilis niyang sabi. Kasunod ay ang bigla niyang pagtayo, tapos bumalik sa kinauupuan niya dati.

"Wag mo na ko kakausapin ulit." Higa. Talukbong. Naiisip ko yung sinabi niya kanina.

Mahal ka lang nila..

Mahal?! Tss. Pesteng mahal yan! Nun ko lang napansin na hindi na tumutunong yung cellphone ko.

Dalawa lang ang naisip ko. SIguro pinatay ni Edrian yung phone ko o sawa na si Dominic. At habang iniisip ko yung posibilidad, muling tumulo ang mga luha ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

otor's nowt:

and as promised. update agad.

ahahahaha.

inis ba kayo kay cassandra kanina?

eh kay edison?

naiinis kayo o natutuwa?

hehehe.


next chapter is a secret.


DOWNT PORGET TU 

BOWT!

LAYK!

BI A FAN!!

SOLOMOT!!

eneyebeyen..

eks.ow.eks.ow

-otor

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon