Chapter 25: Oh No

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah yun ba? Don't worry honey, I'm still enjoying my coffee." Tapos ginaya ko si Sarah Geronimo sa commercial ng nescafe. Bite lip, then release with feelings.

He stared at me with his questioning eyes.

"Ano na naman?!"

"Nothing. It's just that, the last time..."

"I know. Pero palagay ko mas importante na makausap kita."

Nakatulong nga yung kape. Nung tumayo ako ulit, mas steady na. Lumapit ako sa kanya at nung hahawakan ko yung braso niya, bigla siyang umiwas. Nagulat ako sa ginawa niya. Bakit siya umiiwas?

"What's wrong?" tanong ko.

"Wa... Wala..."

"Hala ka!! Perstaym mo mautal. Anong nangyayari?!" Sinubukan ko ulit na lumapit sa kanya at hawakan siya, pero umiwas ulit siya. "Sigurado kang wala?"

"I said it princess. Don't make me repeat words that I already said. It's annoying." sabi niya habang tumatalikod sa kin pabalik sa sala. Inabutan ko siyang nakaupo sa sofa ulit with the laptop again on his lap.

Tumayo ako sa harap niya at nilagay ang kamay ko sa mga bewang. "Mr. Dominic Salazar." tawag ko. Pero he ignored me. HE IGNORED ME!!

"HONEY?!!" I said with sarcasm. I heard him curse tapos tumingin siya. Nakita ko na naman yung tingin niya na sinasabi ni Cheska. Umupo ako sa tabi niya and he closed his laptop. I poke his cheeks and sinubukan kong magpacute. Sinubukan ko talaga, pero anak ng putakte! Di siya madali! But I have to followed by "I'm sareeee." 

Nakita kong nagpipigil siya ng tawa hanggang sa hindi na niya kinaya and he let go. Hinampas ko siya. "Siraulo! Sinadya mo yun no?!"

Tumingin siya. "Will you hate me if I say I do?"

"ANAK KA NG PUTAKTE DOMINIC!!"

"But honey, I must say. You're adorable when you do that." he said with a sweet smile.

I glared back at him.

"Stunning."

"Shattap!" Niyakap niya ko bigla sabay nagpaliwanag. "I didn't do that intentionally. Nagulat nga ko ginawa mo yun."

"Ewan ko sa'yo. Bayad na ko sa atraso ko kagabi ah." tapos tinulak na naman niya ako. "Baliw ka ba talaga?"

"Sorry. Nasaktan ka ba?" his eyes are worried.

"Ay hindi. Masaya. Naenjoy ko nga eh. Gusto ko isa pa." i answered sarcastically.

Wala siyang humpay sa kakahingi ng tawad, pero hindi pa din niya ko hinahawakan.

"Tss. Sabihin mo nga sa kin, ano ba talagang meron?" 

Umiling siya na parang bata.

"Dominic!"

Umiling siya ulit.

"Dominic Salazar."

"Do the adorable thing again and I'll say it."

"Not a chance Dominic. Say it now or I'll leave."

"Then leave." sagot niya. Ano?! Umalis daw ako? BWISET!

"FINE!" Tumayo ako at naglakad papuntang pinto. Binagalan ko, baka nag-iisip pa siya. Baka ayaw niya talaga akong umalis. Hahawak na ko sa door knob. Dahan-dahan pa din. Hinihintay ko pa rin siya. Nahawakan ko na ang door knob. Pipihitin ko na ang door knob. Dahan-dahan, unti-unti. Napihit ko na ang door knob. Binubuksan ko na ang pinto. Dahan-dahan, unti-unti. Nabuksan ko na ang pinto.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon