"Valentine's day, Babe." He said huskily. Para akong nawalan ng enerhiya at nawala sa sarili hindi dahil sa sinabi niya kundi sa paraan ng pagkakasabi niya. Parang nagising ang diwa ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nanahimik lang ako dahil hindi ko alam kung paano ko ikakalma ang pabilis ng pabilis na pagtibok nito. Daig ko pang nag-marathon sa nararamdaman ko eh.

Ano bang nangyayari sa kin?

"Oh? Cat got your tongue, babe?" Ayan na naman.. uminit naman ngayon. Pero ayokong tanggalin ang pagkakayakap niya sa akin sa likuran.. masarap sa pakiramdam. Nakaka-relax.. parang wala akong problemang kinahaharap kanina lang. "Uy, Kayla?"

"Oh?"

"Natahimik ka?"

"Wala naman.. Rod."

"Hmm?"

Huminga ako ng malalim bago magsalita. "H-hindi mo pa nakakausap si Laira.. diba?"

Naramdaman kong natigilan siya dahil naramdaman ko ang pagiging stiff niya. Maya-maya lang ay nagtaka ako dahil humigpit ang yakap niya sa bewang ko na parang ayaw niya na akong pakawalan at may aagaw sa akin.

"Hindi ko pa siya nakikita eh. But I heard, nakauwi na raw siya sa pilipinas.. ewan ko lang kung papasok pa siya. Sana nga hindi nalang dahil naiinis ako sa ginagawa niyang pagsisi sa akin sa kasalanang hindi ko naman ginawa. After how many years.. until now, she still doesn't get over of her twin's death at ako ang sinisisi niya.. nilang magkapatid." Naramdaman kong lumuwag na ang yakap niya sa akin pero hindi naman niya inaalis. He sighed. "Minsan pa nga, naiinis ako kay Lei eh. Kasi.. bakit kailangan niya pang mawala? Bakit hindi niya man lang sinabi noon na siya ang galit sa akin noon at hindi naman ako? Hayy.. kung makakausap ko lang si Lei ngayon, gusto kong sabihin sa kanya na kahit anong mangyari she will always be my best friend, and I'll also say sorry kung hindi ako nakapunta noon sa birthday nila ng kambal. Doon naman nagsimula iyon eh." Narinig ko ulit siyang nagbuntong hininga.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang nakayukong bulto ni Leira, malapit lang sa amin, at naririnig ko ang mahinang hikbi niya. Nalulungkot rin ako sa nakikita ko kaya I did the unthinkable. I said something that would shocked him.

"What if sabihin ko sayo ngayon.. na naririnig ni Leira lahat ng sinabi mo? As in right now?"

Mabilis na nawala ang braso ni Rodney sa bewang ko at nakita ko siyang nakikipagtitigan sa mata ko. Shocked and some unknown emotion was written all over his face. Pero may tumulong luha sa kanan niyang mata.

"T-totoo ba y-yan, Kayla?" He asked. Tumango lang ako at napatingin sa langit.

"When I was 7 years old.. kakalipat lang namin sa bagong bahay pagkatapos naming umalis ulit sa nilipatan namin dahil sa hindi ko alam na dahilan noon. Nagagalit pa nga ako sa mommy at papa ko kasi hindi man lang nila ako hinayaang magpaalam sa mga 'friends' kong sina Cheche at Sharry. Ayun nga, nung nagmumukmok ako sa loob ng bago kong room, there's a girl na may hawak ng cute na manika and she was smiling at me, and so I smiled back at her. Sabi niya sa akin noon na sa kanila raw ang bahay na iyon, and being a kid that I was back then, alam kong room ko ang inaangkin niya kaya talagang sinungitan ko siya at inaangking pilit ang kwarto ko. Hanggang sa narinig kong nagsisigawan ang mga magulang ko... and that changes my life ever since. I met her... my 'ghost' friend and her name is Leira." -Me

Sa durasyon ng pagkukwento ko, nararamdaman ko ang mga titig ni Rodney at alam kong gulat at lungkot ang mga nandun.

"Since then, Leira and I became best of friends, sisters even. Dahil sa pagiging anti-social ko, siya lang ang tinuturing kong kaibigan hanggang sa nung pumasok na ako sa Pacific Scott na siya rin ang nag-suggest na pasukan ko. Now I know why she did that, kasi sa kanila pala ang eskwelahan na iyon. Hindi niya alam noon iyon pero siguro instincts niya ang nagsabi sa kanya. A ghost instincts. Haha" patuloy ko.

"Si L-leira ba talaga.. na twin ni Laira?" Tumango ako.

"Leira." Napalingon si Rodney sa tinitignan ko na pwesto ni Leira ngayon. "What do you wanna say to him? To your best friend."

"Kayla naman eh!! Bakit mo sinabi!?" Reklamo ni Leira. I chuckle at her reaction.

"Because I want to. Diba nami-miss mo na siya and you wanna say something?" Natahimik lang si Leira pero naka-pout na lumuluha naman siya. Gusto kong tawanan ang hitsura ng best friend ko pero hindi ko nalang ginawa kasi hindi ito ang tamang oras para maging sarkastiko ako.

Kahit papaano marunong naman akong makisama at maging sensitive sa nararamdaman ng iba.

"L-lei.. " napalingon kami kay Rodney na mukhang naka-recover na sa gulat na reaksyon niya kanina.

Nginitian ko si Leira at tinanguan niya ako, sabay tingin ko pabalik kay Rodney at hinila ko siya patayo sa damuhan. Nagtatakang tingin ang pinukol niya and so I smiled.  "Do you wanna talk to her?" I asked him. Tumango siya. "Then, this is not the right place for that. Lets go, sa PSA, sa mystery club room. Gusto kong buksan ang huling kasong lulutasin ng Ghost Detectives sa lugar kung saan tayo nagsimula noon."

"Teka lang, pupunasan ko lang ito.." Sabay pahid niya sa tubig na nasa pisngi niya. Nginisihan ko lang siya. "Oh, bakit naman ganyan ang hitsura mo?"

"Ano bang hitsura ko?" Nilapit ko iyong mukha ko sa kanya, yung tipong konting katangahan nalang mahahalikan ko na siya. He seemed surprise at what I did.

"A-ano.. m-maganda.." He stuttered. Oh sure he is!

At dahil para akong sinapian ng kung ano, tuluyan kong inalis ang pagitan namin sa pamamagitan ng biglaan kong paglapit ng mukha ko sa mukha niya, making our lips meet in the process. Aalis na sana ako dahil simpleng halik lang sana ang gagawin pero mabilis ang braso ni Rodney at hinapit niya agad ang bewang ko and pulled me closer, I pulled his head to deepen the kiss. Para akong nalililo at nalalasing sa kakaibang halik na iginagawad ni Rod sa akin ngayon na hindi ko na hihilinging makahalik pa ng iba bukod sa kanya at sa kanya lang.

I found my Love, sa araw ng mga puso.

After a few seconds, humiwalay na rin ako sa mga labi niya pero magkadikit pa rin ang noo namin at nginitian ko siya, ganun din siya sa akin. Parang sa pamamagitan ng mga ngiti na iyon nagkakaintindihan na kami.

"Happy heart's day, Babe." He uttered between his breathe.

"Happy heart's day, Rod... b-babe."

"I love you, mahal na mahal kita, Kayla Marien Fuentes.. future misis Moore." Kinunutan ko siya ng noo at biglaang nag-martsa palayo.

"Huy sandali! Wala naman akong ginawang masama ah!? Hey babe, BABE!" Bahala siya jan, manigas siya!

Ayoko ngang makita niya ang nangangamatis sa pula kong mukha at pag-iinit nito..  Kasama na iyong kilig. Oo, kinikilig na ako ngayon!

At dahil iyon lahat kay Rodney.

Mahal din kita, babe.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now