Muli kong naalala ang mga panahon na kami pa ang mag-asawa. 'Yung mga araw na siya ang nag-aasikaso ng pagkain at damit ko, yung mga halakhak niya. Yung pag-aalaga niya sa pamangkin ko, yung pag-tawag niya sa akin ng Hubby at pagtawag ko sa kanya ng wife. 'Yung araw na nahirapan siya para marinig ang matamis na Oo ni lola, yung araw na unang may nangyari sa amin na nasundan pa ng marami. Yung unang nag-date kami. Lahat ng una ko sa kanya na magiging huli na rin, siguro.






--------------------

        Lumipas ang mga araw, naging malamig na ang issue. Hindi na naka-sentro sa amin ang balita, pero hindi pa'rin ako napapatawad ni Dad lalo pa't pabagsak na ang kumpanya niya. Tanging ang maliliit na lamang namin na negosyo ang inaasahan ni Dad, sabi ni Mom ay ibebenta na ni Daddy ang kumpanya. Lalo akong nakaramdam ng guilty dahil alam kong ako naman ang may dahilan ng lahat. Ako lang at wala ng iba, patuloy ang shoot namin para sa palabas.


         Hindi ko alam kung bakit ako nagbukas ng email. Pero iyon ang nagawa ko, may apat na mensahe roon na hindi ko agad nabasa. Galing iyon kay ACV, mahirap daw akong mahalin, nakakasakal at nakakamatay. Binasa ko ang huling mensahe, pinadala niya iyon kahapon lang.






Dear Claud,

          I'm sorry for all the hurts I made, akala ko kasi mapapaalala ko sayo ang lahat-lahat ng meron tayo noon. Di'ba, bata palang tayo ay nangarap na tayong pareho tayong magkakaroon ng magulang? Binigay ko lang sayo ang dapat na sa akin dapat, kasi Mahal kita bilang kaibigan, pero ngayon iba na. Mahal kita susoy, hindi nawala iyon sa paglipas ng mga taon. Pero ngayon bibitawan na kita dahil hindi ako ang magpapasaya sa'yo.



Sincerely,          
Aemie Cashopea Vee












          Si Aemie din ang babaeng iyon? Si Aemie?!. Napahampas ako dahil hindi ko maitanggi sa sarili ko na mahalaga rin siya sa akin. Biglang nag-ring ang phone ko.







Aemie my Wife calling......

Reject      Answer




             Dere-deretso ang pagtunog, hindi ko alam kung sasagutin ko. Kung ano ang sasabihin ko. Iniisip ko kung bakit siya tumatawag, ano ang kailangan niya sa akin. Para nanaman ba mag-makaawa?, kung ganon nga, ano ang isasagot ko? bibigyan ko ba siya ng chance o papakawalan na lamang. Sasagutin ko na sana ang calling nito ng pinatay niya naman, I'm about to dialled her number ng tawagin ako ni Manager for another take sa shoot. Siguro ay mamaya ko na lamang siya tatawagan, mukhang hindi naman ganon ka-importante ang pag-tawag niya.



          Natapos ko ang another shoot, nag-pack up na. Naisipan kong tawagan si Aemie ng may makita akong dalawang mensahe kaya naman binasa ko muna iyon. Mula iyon kay Aemie. Hanggang ngayon ay hindi ko pa'rin magawang burahin ang pangalan niya sa contact ko, hindi naman mabasa ni Zeeya iyon dahil hindi rin alam ni Zeeya ang password ko para hindi niya mapakialaman ang phone ko.







Say I Do (Completed/ under- editing)Where stories live. Discover now