PartII - Chapter 10

4.7K 109 3
                                    

PartII : Chapter 10





Milk vs, Water

🍶-------------------
*************
Pov of Aemie

"Sige na Ate Aemie!, ituloy niyo na po yung kwento niyo ni Kuya Liejil!"


"Sige na Ate Aemie!, ano na nangyari sa Maid at sa Haring Kasinungalingan?"

            Muli kaming kinukulit ng mga bata tungkol sa kwento, ngunit wala ako sa wisyon na i-kwento iyon, baka kasi bigla nalang sumulpot si Claud. Hindi ako magiging komportable na mag-kwento kapag alam kong nasa tabi lang ang taong naging karakter ng kwentong pinaparating ko sa mga bata. Maid and the Prince is about Me and Claud. Dinugtungan lamang iyon ni Liejil sa pamamagitan ni Haring Kasinungalingan.

"Sasusunod na lang, pwede ba mga bata?"







            Nakikita ko ang kalungkutan sa mga bata, ganun rin si Liejil, alam niya naman na ayoko ituloy ang kwento kaya hindi rin niya tinangkang ituloy ang kwento.

"Ganito na lang! Gusto niyo ba ng bagong kwento?" tanong ni Liejil sa mga bata para iligaw ang kalungkutan ng mga ito. Mariin silang umiling dahil gustong-gusto talaga nila ang kwento ng Maid and the Prince.




"Ayaw po namin Kuya Liejil! gusto namin yung Maid and the Prince," sambit ni Leona.

"Kapag po hindi niyo tinuloy yung kwento, magpapa-kwento nalang po kami kay Kuya Claud, sabi niya kukwentuhan niya kami."

"Kaso nisabi namin sa kanya na di'pa tapos yung Maid and the Prince," katwiran din ng isa pang bata. Tila nagtatampo ang mga ito, nais ko talagang mag-kwento ngunit talagang nag-aalangan ako.




"'Wag naman kayo magtampo sa amin oh. Pangako! Kapag umalis na si Kuya Claud niyo dito, ikukwento ko yung kadugtong ng kwento," ngumu-nguso kong saad sa mga bata na nakasimangot.




"Ay? Aalis si Kuya Claud?, wala naman siyang sinasabi sa amin Ate Aemie," ani ni Miharu na nasa likod ng mga bata. Nasa isang silong kami ng mayabong na puno ng mangga sa ampunan, may naka-latag na banig samantalang nakaupo naman kami ni Liejil sa upuang kahoy.



"Ah ano—ano kasi Miharu, ganito kasi yan,—"




"Hindi ako aalis dito sa ampunan, pwera na lang kung sasama sa akin ang Ate Aemie niyo paalis," saka lamang ako natigilan sa pagtatangkang magpaliwanag ng marinig ko ang boses ni Claud na parating sa kinaroroonan namin.



          Muling naging abnormal ang pagtibok ng puso ko ng maalala ko ang nangyari kagabi, pumasok siya sa kwarto ko at kinausap ang baby namin na nasa tiyan ko. Rinig na rinig ko ang mga sinabi niya, nagpanggap lamang ako na tulog. Gusto ko man na wag niya ng lisanin ang kwarto ko. Pero kapag nasa malapit siya ay naalala ko lang ang mga sinayang kong effort para sa kanya, yung pagmamahal ko na hindi niya tinubasan.

"Kuya Claud!!" nagtilian ang mga bata, nagsipag-takbuhan ito sa kanya.

"Kuya Claud, makikinig ka 'din?" maamong tanong dito ng batang lalaki na si Miguel.



"Pero Dada, ayaw ni Mama mag-kwento tungkol sa Maid at Prince, iku-kwento niya lang daw yun kapag umalis ka Dada, di'ba Dada hindi ka naman aalis?" tinapunan niya ako ng tingin bago niya binigyan ng sagot si Zoren.

Say I Do (Completed/ under- editing)Where stories live. Discover now