PartII - Chapter 12

4.3K 63 1
                                    

PartII : Chapter 12

The Serenade

🎹🎸--------------
*************
Pov of Claud

           Yung makita na yata na halos maghalikan si Aemie at Liejil ang pinaka-masakit na palabas na napanood ko. Ang sakit-sakit! parang tinatarak ng libo-libong kutsilyo ang puso ko. Wala naman akong magawa para pumagitna, dahil wala na akong karapatan sa kanya. Hindi kami kasal, at higit sa lahat hindi ko na hawak ang puso niya. Ako lang naman kasi yung taong nanakit sa kanya, namahiya sa lahat ng taong sumusuporta sa akin, at higit sa lahat ako yung taong hindi sinuklian ng pagmamahal niya. Napa-iling ako, paano ko ba siya makukuha? mukha naman mas 'di hamak na unti-unti ng nakukuha ni Liejil ang loob niya.




"Kuya Claud!" napalingon ako matapos ang aking pagmumuni-muni. Katatapos ko lamang maglaba ng damit ni Aemie, at kasalukuyan akong nasa ilalim ng puno ng mangga ngayon kung saan madalas namin kino-kwentuhan ang mga bata.




"Kuya Claud, may problema po ba? bakit nag-iisa po kayo dito?" puna ni Lorna sa akin, umupo siya sa gilid ko.

"Wala lang Lorna, nagpapahangin lang ako."




"Kuya may problema po ba kayo ni Ate Aemie?," puna nito sa akin, tinapunan ko ito ng nagtatakang tingin.






"Paano mo naman nasabi 'yan?."






"Napansin ko lang po kasi na hindi kayo malapit sa isa't-isa, diba ikaw naman yung daddy nung baby niya? pero bakit hindi kayo malambing sa isa't-isa? Bakit mas malapit sila ni Kuya Liejil? kapag magkasama kayo, parang may hurts sa mata niyong dalawa," hindi na ako magtataka kung bakit parang madami siyang alam tungkol doon, teenager knows that.





"Sasabihin ko pero 'wag mong ipagsasabi sa iba, ayos ba iyon sayo? Mapagkakatiwalaan ba–"




"Mapagkakatiwalaan mo ako Kuya, kung ano man ang pinagdaraanan mo Kuya maari mong sabihin sa akin, hinding-hindi ko sasabihin sa iba," aniya. Ngumiti ako dito for being lucky that she's here as a friend.



"Thank's Lorna, to make the story short isipin mo nalang na ang relasyon namin ng Ate Aemie mo ay parang ang relasyon ng Maid and the Prince, ako ang prinsipe at Aemie ang maid, then Liejil is the king. Katulad ng Prinsipe, sinaktan ko si Aemie. Hanggang sa wala na akong mabalikan noong ma-realize kong Mahal ko siya, huli na ang lahat" tumingin ako sa malayo.




"Hindi ko na mahigitan si Liejil, kumpara kay Liejil, sino na lang ba ako sa buhay ng Ate Aemie mo? I'm just nothing. Sa tingin ko, hindi niya na talaga ako Mahal."





"Kuya Claud, hindi ka napapagod ang tunay na nagmamahal, at hindi rin nakakapag-move on ang may malalim na pagmamahal, kaya nasisiguro ko na Mahal ka parin ni Ate Aemie, kaya hindi ka pwedeng magpaka-hopeless Kuya," saad niya sa akin.




"You think so?"




"Haiist! Si Kuya, in-english pa ako! Oo nga kasi, kunwari lang 'yan si Ate Aemie. Nag-glow nga siya simula noong makita ka, samantalang noong wala ka Kuya, mukha siyang laging banggag! parang araw-araw ay umiiyak!" napa-saya ako nito ng sabihin nito na nag-glow si Aemie simula ng dumating ako.




"Mahal mo ba talaga Siya Kuya Prince Claud?" tanong nito sa akin na pinanindigan pang tawagin akong Prince.

"Of course!"





Say I Do (Completed/ under- editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon