PartII - Chapter 16

4.7K 68 3
                                    

PartII : Chapter 16






It's a boy! No! a girl!




👶------------------
*************
Pov of Claud

          Pabalik-balik ang paglakad ko sa harap ng Emergency Room, hinihipan ko ng paulit-ulit ang pinagkikiskisan kong palad habang nagdarasal na maging okay sana ang lagay ng baby ko pati na ang taong mahal ko. Halos maihi ako sa pantalon sa sobrang takot, hindi ko lamang pinakita kay Aemie ang takot ko kanina dahil hindi makakatulong.

"Relax, magiging ok ang mag-ina mo Claud," ramdam ko ang pagtapik ni Liejil sa balikat ko para damayan ako.

"Paano kung hindi Liejil? paano kung mamatay yung baby namin? paano kung magalit nanaman sa akin si Aemie? kasalanan ko nanaman ito! dapat noong una pa lang umalis na ako, hindi ko na siya ginulo," paghuhuramentado ko sa sobrang kaba, umupo ako sa asul na bleachers ng hospital dito sa labas ng hospital.

"I don't think it will happend, kahit mahina ang tibok ng puso ng baby niyo, alam ko nagpapakatatag ang baby niyo para sa inyong dalawa, hindi siguro gugustuhin ng baby niyo na malungkot kayo dahil sa kanya, just relax Claud, keep positive."



          Napa-pikit ako, nasa utak ko ang mga alaala sa panaginip ko kasama ang baby ko. Inisip ko rin sa utak ko na isa kaming buong pamilya ni Aemie.Si Zoren, ako, si Aemie at ang baby namin. Magiging ok sila, hindi sila maaring mawala sa akin. Ngunit lahat ng nasa isip ko ay naglaho ng biglang bumukas ang pintuan ng Emergency Room. Lumabas ang Doctor.




"Nasaan ang asawa ng pasyente? , relatives or parents" ani ng Doctor. Sinugod ko ito.

"Ako, Doc ako! Kumusta ang mag-ina ko? kumusta ang asawa ko? Yung baby ko po?, ayos lang po ba?" hindi ako sinagot nito, binigyan lamang ako ng hindi maipaliwanag na reaksyon ng mukha. Kinwelyuhan ko ito.

"F**k! What happened to them! answer me!" sigaw ko habang inaawat naman ako ni Liejil.


"I'm sorry, ginawa na namin ang lahat pero wala na sila–" inalog-alog ko ito sa paghila-hila ng kwelyo. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito, kahit si Liejil ay natahimik. Lugmong-lugmo na napaupo si Liejil sa bleachers at humahagulgol sa pag-iyak katulad ko.


"No!!! No!!! Hindi 'yan totoo! hindi 'yan totoo! Buhay pa ang mag-ina ko! hindi maari 'yan!–" bulyaw ko, binitawan ko ang kwelyo ng Doctor.



            Nanlalambot na pinasok ko ang Emergency Room. Nanghihina ako na nilapitan ang taong mahal ko. Wak-wak ang tiyan nito dulot ng operasyon, punong-puno ng dugo sa paligid ang berdeng hospital gown nito. Naka-pikit ang mata nito, randam na randam ko ang paghihirap na dinanas niya kaya napahagulgol ako.




"E,Aem, ka–come ba–back to life! Aem!" bulalas ko ng umiiyak, kinuha ko ang malambot nitong kamay. Nanlambot ako lalo ng maramdaman kong malamig iyon, hinalikan ko iyon ng may luha.



"Please, don't do this to meeee! Hindi ka pu–pwedeng ma–mamatay Aemmmm! Please, hahanda ako na bitawan ka, hi–hindi ko na kayo guguluhin bu–bumalik ka lang," ani ko sa pagitan ng paghikbi't pag-iyak. Paulit-ulit ko siyang niyakap at hinalikan ngunit hindi nagbalik ang buhay nito.




              Naalala ko naman ang baby namin kaya hinanap ito ng paningin ko. Nakita ko ang baby namin sa isang salamin na lagayan ng bagong silang na sanggol. Puro dugo ang katawan ng baby ko, kaya napahagulgol ako na hindi alam ang gagawin. Nanlalambot ang paa ko, hindi ko kayang tanggapin ang nangyayari, kinuha ko ito sa pinaglalagakan nito, hindi ko inisip kung mamantyahan man ako ng dugo. Ang gusto ko ay ikulong ito sa yakap ng mga bisig ko.


Say I Do (Completed/ under- editing)Where stories live. Discover now