CHAPTER 9

6.6K 103 17
                                    

CHAPTER 9
Wheels of friendship

**************


Kinaumagahan ng sumunod na araw. Muling ginawa ni Aemie ang daily routine niya. Puno ng tuwa na pinaghanda niya ng agahan si Claud at ganon na 'rin ang inihanda niya sa sarili bukod sa panghapon na panghimagas. Maaga 'rin ang pasok niya kaya hindi niya na hinihintay ang asawa niya para sabayan ito kumain, kahit na nga may usapan na silang pwede na siyang sumabay dito sa pagkain.

Ala- sais ang pasok niya at hindi niya gusto ang nale- late lalo pa't kailangan niya maging buhay na halimbawa sa kanyang mga katrabaho dahil isa siya sa team head ng East West. Alas- singko pa lang ng umagang iyon ay lumabas na siya ng mansion dahil mamasahe't babyahe pa siya papuntang East West.

Wala sa sariling nasapo niya ang kanyang dibdib nang makalabas siya sa tarangkahan ng mansion. Nagulat siya na nakita niya sa labas ang tila nag- aabang na si Claud.

"Ka- Claud?!" Bulalas niya at hindi makapaniwalang natuon ang tingin sa kanyang asawa.

Naka-sandal ito sa right door ng kotse nito at pilyong pinapa-ikot sa daliri ang susi ng itim na Mercedez Bench nito.

"Anong ginagawa mo dito sa labas? I- I mean, kadalasan hindi ka naman maaga na pumapasok. Hindi sinabi sa akin ng mga katulong na maaga ang pasok mo ngayon, pinagluto pa naman kita ng agahan mo. Nag- almusal kaba bago pumasok?" anya dito.

"Tch," he smirked and make fun of her. "Why you're so bothered if I ate breakfast or not, aren't you going to be late? Ang dami mo pang sinasabi," dagdag nito.

Binuksan nito ang pintuan ng kotse at inaya siya doon.

"Isasabay na kita. Mapapa daan naman ako sa East West," ani nito.

Napataas ang kilay niya. Hindi niya alam kung bakit tila nagbago yata ang ihip ng hangin at biglang bumait- bait sa kanya si Claud. Kahapon pinahintulutan siya ni Claud na sumabay dito sa pagkain, ngayon naman ay tila naghintay pa ito sa kanya para ma-isabay siya. Hindi naman ito ganoon noong mga nakaraan.

"Aimie!" tawag nito sa kanya ngunit hindi siya maka- tugon dito, ni hindi niya magawa na makapag- response dahil nagugulat siya sa kinikilos ni Claud. "Haist, pareho tayo na mahuhuli sa pagpasok, Aemie," himutok nito at walang kapase- pasensya na hinila siya at marahang itinulak siya sa passenger seat.

Pinapasok siya doon ni Claud. Pagkuwan ay nagtungo si Claud sa driver seat at hinawakan ang manibela.

"Cla-" natiim baga siya at nai- tikom ang kanyang bibig nang bigla itong dumukwang sa kanya.

Labis ang kabog ng dibdib niya nang maamoy ang manly scent nito habang nilalagyan siya ng seatbelt, halos yumakap na ito sa kanya at magdikit ang mga pisngi nila. Halos pamulahan siya ng mukha habang sinusundan ng tingin ang mukha nito, kaunti na lang din ay mahahalikan na siya nito.

"Claud, ano ba ang ginagawa mo?" nagtataka niya na tanong dito at pilit binabasa ang kilos nito.

Humiwalay ito sa kanya at bumalik sa pagma- maniobra ng kotse.

"Ano pa ba, ihahatid na kita." Binuhay nito ang makina at tuluyang bumyahe. "I don't mind if I do this often," mahinang saad pa nito at bumalin ang tingin sa kanya. "If you allowed me, Aemie," dagdag nito at tila hinihintay ang opinyon niya.

"Ba- bakit naman? I mean, bakit nag- ooffer ka na ihatid ako madalas? Bakit parang bumabait ka yata? Isn't you hate me?"

"I hated you 'cause you suddenly came in the picture, Aemie. Sana nagkakilala tayo sa ibang panahon at pagkakataon, at sana hindi sa ganitong paraan tayo nagkakilala. So atleast, we can be friends."

Say I Do (Completed/ under- editing)Место, где живут истории. Откройте их для себя