Chapter 26

5.2K 84 7
                                    

Chapter 26


Something Changed

------------------
************
Pov of Aimie

          Christmas came, ang relasyon ko kay Claud ay naging kasing lamig ng pasko. Simula ng iwan namin ang Bicol ay hindi namin kinikibo ang isa't isa dahil iniisip ko kung may nangyari ba talaga habang siya ay ayaw ng pag-usapan ang nangyari. Nagising kami ng kinabukasan na iyon na parehong nakahubad, pero hanggang doon lang iyon dahil pinilit na lamang namin na kalimutan ang lahat. Ang tanging hindi ko lamang makalimutan ay ang pagputol ng lola niya sa pisi ng kanilang pamilya, ang ibig sabihin lamang ay tanggap na nila ako para sa apo nila. Ngunit may huli itong kahilingan na hindi ko alam kung maibibigay ko ba dito.

Hiling ko lamang sana Ija na kung babalik man kayo dito sa amin, nais kong makita kayo kasama ang panibago kong apo, ang apo namin sa tuhod ng asawa ko, matagal-tagal na rin kami ng huli kaming makapag-alaga ng bata kaya kung maari, bigyan mo sana kami ng apo

          Hindi ko alam ang isasagot ko nang panahon na iyon. Ang alam ko lang ay tumango ng walang kasiguraduhan. Ngayon pa na patuloy ko pa rin naiisip kung may nangyari ba talaga noong nakalipas na isang buwan sa Bicol.




-------------------
"Girl, walang nangyari sa inyo, your still pure virgin.." ani ni Allyssa ng unang beses kong buksan sa kanya kung ano ang buong nangyari sa Bicol. Kasama na yung gabing lango kami sa alak na lambanog ni Claud at gumising na lamang kami na parehong naka-hubad na.

"Sabi mo, wala ka naman naramdaman na masakit sa part mo, walang mantsa ng dugo sa kama, at kakatapos lang ng buwanang dalaw mo?" tumango ako sa mga tanong niya.


"Alam mo! i-uuntog kita sa pader! isang buwan mong iniisip kung may nangyari o wala? naturingan ka pa naman na matalino girl, still virgin lang at divirginize hindi mo pa alam, then this is I'll tell you, isang daang porsyento na walang nangyari sa inyo.. Your still a virgin, and sad to say walang pag-asa na mabuntis ka ngayong buwan.." ani niya. Nakahinga ako ng maluwag, ibig sabihin lamang ay wala pang nangyayari. Pero paano ako mabubuntis kung wala man lang nangyayari sa amin maging sa relasyon namin.


"Alalahanin mo girl, tatlong buwan mula ngayon ay darating na ang legal na babae sa buhay ng asawa mo, at sa sitwasyon nang relasyon ninyo? tanging anak lang ang mapanghahawakan mo kay Claud para hindi siya makuha ni Zeeya mula sayo" pinaalala niya pa ang ayaw ko nang maalala pa.




"Ang galing mo talaga mag-paalala.. Tignan mo naman ang sarili mo, dahil sa mga kalokohan mo ay nakalunok ka ng isang buong pakwan" pambabara ko sa kanya.

"Atleast hindi ko pinagsisihan" ani niya.

"Hoy kayong dalawa, kain na girls.. happy and merry christmas!!" putol ni Nics sa usapan. Kasama niya ang boyfriend niya na dala ang mga pagkain na niluto nila para sa Christmas special. Mabuti pa sila naalala na yayain ako para makasama sila ngayong pasko, samantalang si Claud. Wala man lang pasabe.


"Merry Christmas!" bumati rin si Allyssa at ang boyfriend ni Nics. Sumunod ako, kasunod ng mga katok sa pinto ng unit namin.



Say I Do (Completed/ under- editing)Where stories live. Discover now