Chapter 21

5.2K 79 9
                                    

Chapter 21





Your not into it



-----------------------
***************
Pov of Aimie


"Uncle, hindi po kasi ganyan.."



"Alam mo pa sa akin,"



"Uncle, umiiyak lang si Baby Zach sa ginagawa mo e, si daddy nga marunong magpalit ng diaper ni Baby Zach ee" reklamo ni Ziggy na waring minamaliit si Claud.






"Marunong kaya ako" pagmamalaki ni Claud sa pamangkin kahit na hindi ito marunong magpalit ng diaper. Nasa may pintuan lamang ako ng kwarto ko habang pinapanood sila na pinapalitan ng maduming diaper si Baby Zach. Wala silang kaalam-alam na palihim ko silang pinapanood at palihim din akong natutuwa sa effort ni Claud na magpalit ng diaper ni Zach. Kitang-kita sa mukha ni Claud ang pandidiri ng mabuksan ang diaper ni Baby Zach.





"Yucky! Kadiri talaga yung poo poo ni Zach" nandidiring ungot ni Ziggy habang pinapaikot sa kamay niya ang laruang bola niya.






"Kawawa naman si Zach dahil pinandidirihan mo, parang ikaw hindi ka rin ganito dati ha" bubuhatin sana ni Claud si Zach ng mag-salita na ako.




"Claud! mapipilayan, ano kaba! saan mo dadalhin si Zach?" saad ko, paano ba naman hawak-hawak lang niya sa pagitan ng kilikili si Zach. Akala mo hindi baby ang hawak niya.




"Sa cr, huhugasan ko, tignan mo naman oh, nagkalat na yung masangsang niyang dumi sa binti niya" ani niya, pumalahaw naman ng iyak si Zach.




Inutusan ko siyang ibaba si Zach sa kama na may lampin nito. Iyak parin ng iyak si Zach kaya naman nag-Shh ako rito at pinakalma ko ito habang nililinisan ang dumi niya.




"Shh, tahan na Zach, lilinisan kalang ni Auntie, Shh" ani ko dito, "manood ka Claud, ganito ang paglilinis ng baby kapag nagpoo-poo siya," pinakita ko sa kanya kung paano. Kumuha ako ng baby wipes at iyon ang pinamunas sa poop na nakadikit sa puwit at gender nito.








"Bakit alam mo iyan? nagkaanak ka na ba dati?" puna niya sa akin, wari ay nagdududa.






"Ano kaba naman, hindi naman maaring magkaanak ka muna bago mo ito matutunan, hindi ba pwedeng napanood ko lang?" hindi niya na talaga alam kung paano ko ito natutunan. Sabay pa nga namin napanood noon kung paano mag-alaga ng baby, at sa aming dalawa siya itong marunong mag-alaga noon ng bata. Matapos kong malinisan ang puwit at gender nito ay nilagyan ko na ito ng pulbos atsaka ko nilagyan ng bagong diaper.





"Sabi mo sa akin noon, pangarap mong magkapamilya at magkaanak, pero sa nakikita ko ngayon.. Sa tingin ko hindi kapa handa" saad ko.






"Wala akong balak magka-anak, makulit ang mga 'yan.. Hassle at kadiri.." ako naman itong nagulat sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na iyon ang lalabas sa bibig niya. Dati naman mahilig siya sa mga bata ha, at hanggang ngayon alam kong mahilig siya dahil nakikita ko kung paano magkalapit ang loob nila ni Ziggy.







"Is it because of Zeeya? paano naman ako? paano kung gusto ko magkaanak din tayo katulad ng pinsan mo?" saad ko habang hinehele si Zach para makatulog.






"I don't know, hindi ko alam Aimie, wag muna natin isipin yun.. ang isipin muna natin ay kung ano lang ang relasyon na meron tayo.. Wala pa akong plano para magkaanak, wag mo ng isali sa usapan ang taong ayaw ko ng maalala" ani niya lamang. Lumabas siya ng kwarto, malungkot akong tinanaw ang likod niya. Napansin kong naging tahimik si Ziggy, nang makita ko ito ay tulog na pala ito. Isang malabong pangarap ang magkaroon ako ng anak kay Claud, hinding-hindi mangyayari iyon dahil natitiyak kong kay Zeeya lamang niya gustong magka-anak. Kahit pa umasal siyang gusto niya ng kalimutan si Zeeya, hindi ako tanga para hindi malaman na si Zeeya parin ang mamahalin niya. At ako? isa lamang akong rebound niya.








Say I Do (Completed/ under- editing)Where stories live. Discover now