Chapter 31

5.2K 75 10
                                    

Chapter 31

Infertile

--------------------
*************
Pov of Claud

             Mabilis ba tinalunton ko ang hallway ng hospital. Tinanong ko sa mga nurse kung saan matatagpuan ang kwarto ni Aemie Cashopea Sy.

"Ah, sir sa Room 902, 2nd floor"

          Agad kong tinalunton ang elevator, sa kasamaang palad ay hindi umaandar ang elevator kaya gumamit na lamang ako nang hagdan. Tinignan ko ang mga kwarto, sa pinaka-dulo ay natagpuan ko ang kwarto na hinahanap ko. Binubuksan ko iyon ngunit hindi man lang bumubukas dahil naka-lock sa loob ang door knob. Kumatok na lamang ako, ang lakas ng tibok ng puso ko sa hindi malaman na dahilan. Hindi ko alam kung dahil ba nag-aalala ako o natatakot.

        Hindi nagtagal ay nagbukas ang pinto nang kwarto.


"Dumating din sa wakas, oh ano nagtalande muna bago uma-rive ditech? Oh! ayan.. ayan ang asawa mo ngayon dahil sa kapabayaan mo!" sermon ng baklang si Nics.

           Nakita ko si Aemie na nakahiga sa hospital bed. Payapa ang pagtulog niya, may nakakabit na dextrose sa kamay niya. Lumapit ako dito at gimamit ang upuan sa tabi ng kama niya para makaupo.



"Ano ba ang nangyari?" tanong ko kay Nics.

"Tinawagan niya ako para lang sabihin na hindi niya na daw kaya ang sakit, hindi ko siya maintindihan that time dahil paos ang boses niya, sabi niya mukhang hindi ka raw makakarating para puntahan siya kaya ako nalang ang hiningian niya ng favor para masamahan siya, tutal ay hindi maiwanan ni Allyssa si Baby Aljhon" aniya. I feel a little bit impatient.

"And then what happened?"

"Pinuntahan ko siya sa bahay niyo, diyos ko naman Claud, may maids ka nga wala naman magawa, pinayagan nila ako na pasukin ang bahay niyo, nakita ko nalang si Aemie na namimilipit sa sakit, sobrang sakit ng puson niya na hindi niya makuhang tumayo. Mabuti nalang lalaki pa rin ang katawan ko kaya nagawa ko siyang buhatin at dalhin sa kotse para maisugod sa hospital, nakita ko sa phone niya ang mga text niya para sayo! isa lang masasabi ko! na wala ka talagang kwenta!, tapatin mo nga ako Claud.." binigyan niya ako ng mapanghusgang tingin. Hindi ako makapaniwalang kaya niya palang maging matigas sa mga ganitong sitwasyon. "Mahal mo ba ang Friendster ko?" aniya.

          Hindi ko alam ang sasabihin ko ng sandaling iyon, wala akong maapuhap na sagot sa tanong niya. Mahal ko si Zeeya, samantalang si Aemie, hindi ko alam kung mahal ko nga ba siya. Pinagpapawisan yata ako sa tanong niya, hanggang sa naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Aemie na hawak-hawak ko.



"Hmm.." nagmulat siya at parang biglang nag-adjust sa liwanag ng ilaw na nakatutok sa kanya.


"Hey, wife. I'm here" binigyan ko siya ng isang ngiti, ayoko na maging masama sa kanya ngayon dahil kahit papaano ay naawa ako sa kalagayan niya.





"Claud, akala ko wala ka ng pakialam sa akin" malamya ang boses niya  para bang pagod na pagod siya. Hindi ko alam pero parang naninikip ang dibdib ko dahil doon, nagi-guilty ako dahil kabilang ako sa dahilan ng hindi magandang sitwasyon niya ngayon.




"Hindi ganon iyon, I'm just too busy.. I'm sorry napabayaan kita wife, hindi ko sinasadya.." hinging pasensya ko, hinaplos ko ang buhok niya to show her that I even care a little for her.






Say I Do (Completed/ under- editing)Where stories live. Discover now