CHAPTER 12

5.9K 107 16
                                    

CHAPTER 12
Unpredictable
----------------------

"Alyssa, this is impossible. Sigurado, wala lang naman ito sa kanya. Isa pa, hindi ako kumportable rito," pag-iinarte ni Aemie sa ipina- suot ni Alyssa sa kanya.

Paano ba naman kasi, pilit ipina-suot sa kanya ni Alyssa ang extra two piece suit na binili nito. Kulay pula ito at hindi siya kumportable na makita sa salamin na suot niya ang two piece suit na ito. Masyadong nalalantad ang kanyang balat, ang hubog ng kanyang dibdib at ang body clock shape ng kanyang bewang. Nangangatog ang kanyang binti. Paano pa kaya kung susuotin niya ito sa beach, magawa niya kaya na magtagal? Palagay niya ay hindi.

"Anong imposible? Hindi maaring hindi ka pagpantasyahan ni Claud sa suot mo. Bakla lang ang hindi maglalaway sa taglay mong magandang katawan, baka nga kainggitan ka pa ni Romnick sa oras na makita ka niya," saad ni Alyssa sa kanya.

Thinking of Claud's possible reaction boosted her confidence. Nakaramdam siya ng tuwa at excitement.

"Sa maniwala ka o hindi. Mamaya, magpapasalamat ka pa sa akin na pinilit kita na mag- suot nito. Lot's of guys out there will drool over you and the next thing is, your husband will already fuming mad because of jealousy," assumption na litanya ni Alyssa sa kanya.

Hindi niya nais na mag- assume ngunit wala sa sariling napapa- isip siya. Kung ano ang magiging reaction ni Claud sa oras na nakita siya sa ganitong bihis at pinagpapantasyahan siya ng iba. Ngunit bahagyang nakaramdam siya ng lungkot nang maalala na wala naman nararamdaman na pagnanasa sa kanya si Claud. She's all nothing compare to Zeeya, mas higit na maalindog si Zeeya, malaki ang pares na dibdib, ma- porma ang bewang, flat at may abs ang tiyan, tiyak na magaling ‘din si Zeeya sa kama. Kaya malabong- malabo na pag- iinteresan siya ni Claud, wala siyang kagaling- galing sa bagay na iyon.

"Paano naman siya magseselos?" Malungkot niya na tanong at napayukyok. "Kapwa alam natin na wala nga siyang nararamdaman sa akin, kaya paano siya makakaramdam ng pagseselos?"

"Kaka- imbyerna ‘yang kanegahan mo, Aemie. Aba'y, akala ko ba namamag-asa ka na makukuha mo ang puso ng asawa mo?" Palatak ni Alyssa sa kanya at humalukipkip pa nga't binigyan siya ng matinik na tingin.

"Oh heto na nga, hello! Dito natin makikita kung kahit papaano ay attracted siya sa pinagpalang katawan mo, at kung magkaganoon ‘man, edi go girl! Use it as your tools," pagtutulakan sa kanya ni Alyssa.

Napa- kagat labi siya't nagmamaka- awa na tumuon ang tingin ‘kay Alyssa. Wala na siyang mapamiliian at hindi na siya nakatutol nang pagtulakan siya sa labas ni Alyssa. Nakakahiya naman ‘kay Alyssa kung mag- aamok siya't magagalit, samantalang mabuti naman ang intensyon nito. Gusto lamang siya tulungan na mahumaling si Claud sa kanya. Hindi lang naman siya ang nag-iisang nakasuot ng two piece swim suit na ito e, maging si Allyssa ‘rin ay ganon ang suot, kulay berde naman ang swim suit ng kaibigan niya. Bumuntong hininga siya at humugot ng lakas ng loob bago nakahinga ng maluwag.

"Oh, gad! Mga bruha kayo, bakit hindi kayo nagsabi na maglalantad kayo?!"

Nakapukaw ng atensyon ni Claud ang malambot na palatak ni Romnick. Sandaling napatigil siya sa pinapaypayan na ihawan at nabalin ang tingin sa direksyon ng tingin ni Romnick.

"Shuta ka, Alyssa! baklang to, Aemie! Kingina, katawan mo ba ‘yan girl? You look so hot!" Malanding tili ni Romnick ng makita ang dalawang kaibigan nito na naka- two piece suit.

Halos lumuwa ang mata ni Claud nang matanaw niya ang maalindog na katawan ni Aemie. Nakaramdam siya ng init sa kanyang batok nang mapagmasdan niya si Aemie, mula ulo hanggang paa. Maputi, makinis at porselana ang kutis nito. Mala- kandila pa ang binti't hita ni Aemie. Malalim ang kurba ng bewang nito at kayang- kaya sa palad niya ang hubog at malaman nitong dibdib.

Say I Do (Completed/ under- editing)Where stories live. Discover now