PartII- Chapter 8

4.8K 70 4
                                    

PartII : Chapter 8









Roses vs, Paper Flower







🌹--------------------
*************
Pov of Claud

"Ganito ba Kuya Claud?" tanong sa akin ng isa sa mga bata na tinuturuan namin ni Aemie sa munting silid-aralan nila dito sa ampunan.



"Oo, tama! ang galing mo naman pala Sid!" saad ko. Natutuwa ako dahil abala sila sa paggawa ng tinuturo kong papel na gansa. Tuwing alas-nuebe pagkatapos ng agahan nila at paglilinis ng ampunan ay tinuturuan naman namin sila ng dapat na malaman nila.




"Tapos dito, kulayan mo ng green itong puno. Alam mo naman ang kulay ng berde?" tinapunan ko ng tingin sa kabilang lamesa si Aemie, nakaupo siya kasama ng mga maliliit na batang nakapaligid sa kanya. Tinuturuan niya kasi ng tamang pag-kulay.



"Eto po?"



"Oo, 'yan nga! ang galing naman ni Leona, dali kulayan mo na" priceless ang ngiti nito. Totoong-totoo, hindi niya ibinibigay ang ngiti na iyon kapag ako ang kaharap. Naiinis nalang ako sa sarili ko.




"Ate Aemie, ano kulay nito?" isa pa sa mga munting bata ang nagtanong sa kanya at tila tinuturo ang larawan na dapat kulayan.



"Yan?, ano ba kulay ng ulap?"



"Puti!"


"Hindi, dapat ito oh," pinakita nito ang krayolang kulay blue sa mga bata."Dapat bughaw!."


             Hindi ko lang naiimahe na magiging mabuti siyang ina, nakikita ko pa dahil walang arte niyang tinuturuan ang mga bata sa lahat ng makakaya niya, at masaya siya sa ginagawa niya.





"Kuya Claud, matutunaw!" napalingon ako sa batang nagsalita sa likod ko, nakita ko sa kamay nito ang papel na eroplanong nauna kong tinuro sa kanila.


"Ah, pasensya na. May gusto kang itanong?" tanong ko dito.




"Di'ba dapat nag-uusap kayo Kuya Claud?, bakit hindi ka lumalapit kay Ate Aemie?" napuna pala iyon ng bata.




"Kasi ayaw niyang lumapit ako sa kanya, kapag lumapit ako magagalit siya. At kapag nagalit siya, bad iyon sa baby namin."




"Kuya Claud, love mo ba si Ate Aemie?" tanong ng batang babae.




"Uhm, syempre. Mahal na Mahal ko ang Ate Aemie niyo," naka-ngiti kong saad dito. Muli kong tinapunan ng tingin si Aemie, naka-tingin din siya sa dereksyon ko kaya nagtama ang mata naming dalawa. Muling nagsalubong ang kilay nito, samantalang ngumiti naman ako. Umiwas siya ng tingin sa akin.





"Paano 'yun Kuya Claud? Love din siya ni Kuya Liejil," tanong ng inosenteng batang lalaki na nasa tabi ko lang. Naiinis talaga ako kay Liejil, kahit kababata ko siya ay hindi ko mapigilan na hindi mainis dahil hindi niya nilulubayan ang taong mahal ko.







"Ano bang ginagawa ni Kuya Liejil niyo kay Ate Aemie niyo?"




"Kapag po hindi makatulog si Ate Aemie kinakantahan niya po, tapos binibigay niya yung pagkain na gusto ni Ate Aemie, tapos po Kuya Claud lagi niyang pinapa-ngiti si Ate Aemie, kaya mo po bang gawin 'yung ginagawa ni Kuya Liejil?" bwisit!, bakit pakiramdam ko mas better pa sa akin si Liejil. I should be the one doing that.





Say I Do (Completed/ under- editing)Where stories live. Discover now