PartII - Chapter 18

5K 75 2
                                    

PartII - Chapter 18









Heart beat fast

🚙-------------------
**************
Pov of Aemie

                 Ang bilis lang ng araw, para kailan lang ay pasko ngayon naman ay ang pagsalubong sa bagong taon. Wala na akong balita tungkol kay Claud simula ng umalis ito, ang alam ko lang ay araw man ang dumaan ay hindi ko pa'rin siya nakakalimutan. Kahit si Liejil ang kasa-kasama ko ay hindi nawawaglit sa isipan ko si Claud, kung ano na ang ginagawa nito. Kung tinutuon niya ba sa ibang babae ang nararamdaman niya para sa akin. Iniisip ko lang na nakatuon sa ibang babae ang atensyon nito ay nasasaktan na ako.

            Nakaka-bagot ang araw na ito para sa akin, ilan sa mga kabataan ay sumama kay Superiora upang mamili para sa pagsalubong ng bagong taon. Ang mga bata ay nag-iingay na gamit ang kanilang mga torotot, hindi pinapahintulutan ng bahay-ampunan na gumamit ng paputok ang mga bata. Kasalukuyan din na wala si Liejil, kasama pa nito si Zoren upang puntahan ang hindi ko alam kung saan basta surpresa daw nila sa akin pagbalik nila. Habang si Kuya naman ay wala din dahil sinundo niya ang buong pamilya namin sa airport dahil dito sa bahay-ampunan magdidiwang ng bagong taon ang mga ito. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na kasama ko sila na magdidiwang ng bagong taon. Masaya ako na makakasama ko sila, ngunit katulad noong pasko ay hindi kumpleto ang magiging bagong taon ko.


           Wala akong nagawa kundi ang mag-gansilyo ng hand socks ng baby ko. Dito na lamang ako tumambay sa garden upang malanghap ang sariwang hangin, hindi naman ako naiinitan dahil nasa may malaking silong ako ng puno habang nagmumuni.


          Ilang sandali lamang ng pagmumuni-muni ko ay may gumambala sa akin.




"Aemie!" tawag sa akin ni Sister Francheska, pinagtuunan ko ito ng pansin.



"May bisita ka," saad nito. Nagtaka naman ako kung sino. May parte din sa isip ko ang nag-aasam na sana si Claud ang bisita ko at binalikan niya ako.


"Sino?" matapos ang tanong kong iyon ay nagpakita sa akin ang bisita ko daw, hindi ko naman inaasahan ang pagpapakita nito sa akin sa hindi malamang rason, bigla ang mabilis na pagpintig ng puso ko, ano ang pakay nito sa akin? bakit nandito siya? Tungkol ba ito sa akin at sa pinsan niya?.






"Hi Aem, whoaw! parang kailan lang haa! eto ka ngayon with your bulging tummy," bati nito at nakuha pa ako na biruin. Napa-iling na lamang ako. Kung siya ay hindi alam na buntis ako, paano pa kaya ang magulang ni Claud, alam na kaya ng mga ito ang pagbubuntis ko?.








-------------------
Pov of Claud

"Mabuti naman nagtino-tino kana,"


"Oh my goodness, sooner or later magkikita na ulit kami ni Aemie, and of course a weeks from now ay makikita na'rin namin ng daddy mo ang apo namin,"

         Usal ni Mommy habang inaayos ko ang kwelyo ko, naka-harap ako sa body mirror ng kwarto ko sa bahay ng magulang ko. Mom and Dad are in my back, and they are talking and talking like there is no tomorrow. I just smile satisfying to them. This is it! Unexpected day for us, bagong taon! Bagong simula sa bawat isa sa amin.

"Look at me Dad and Mom, do I look perfect?, do I look handsome?" tanong ko sa kanila habang pinaplansa gamit ng kamay ko ang aking puting tuxedo, good for wedding.



Say I Do (Completed/ under- editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt