RE : Twelve

1.1K 30 0
                                    


Alam kong kahit panay ang pagsasalita ko dito e wala namang nakikinig sa akin. Alam ko din na kating kati ng magtanong ang mga kaibigan ko na parehong kasama namin ngayon dito sa mansyon ng mga Imperial.

Kanina kasi nung dumating ako kasama ni Samuel e kulang na lang na malaglag ang panga ni Mela habang si Dane naman e nakangisi lang. Gulat din ang naging reaksyon ni Tommy habang chill lang si Randolf na hindi ko alam kung bakit nandito.

"Magtanong na nga muna kayo hindi yung panay ako salita tapos wala namang nakikinig." Nagkatinginan sila Mela at Dane at parang mga batang excited na mas lumapit pa sa akin.

Laking pasasalamat ko lang at nakaalis na si Samuel dahil kung nandito pa iyon e malamang na hindi din sya tantanan ng mga ito. Bubuka na sana yung bibig ni Mela ng maunahan sya ni Randolf.

"So it's official. Kayo na talaga?" Mabilis ang naging tango ko na nagpatigil sa kanya pero hindi pa din naman sya tumigil sa pagtatanong. "But I thought engaged na sya?" Si Mela naman ang sumagot sa para sa akin.

"Paki mo naman doon?" Asik nya sa dating bf na ngayon e ewan ko kung ano na nya. Sabay kasi silang dumating and god knows na talagang nakakagulat yun dahil nga nagiiwasan silang dalawa.

"Im just saying--"

"Well we don't need what will you say so shut up." Umirap pa si Mela bago ako muling binalingan. This time nakangisi pa sya.

"Kailan pa kayo? Kakagulat ka girl huh. Samuel really looked like he's afraid to lose now that he got you. Kainggit lang." Nagreact na naman si Randolf kaya naman bago pa sila magkasagutan e nagsalita na ako.

"Kailan lang kami. Wala e basta biglaan and as for his 'engagement' e di ko pa sya natatanong. What's important now is we're inlove. Hindi naman kasi nya mahal yung girl e." Impit na tumili ang mga kaibigan ko habang yung dalawang lalaki naman e napailing na lang.

"Pwede na tayong mag start na totoo? Late na kaya at kahit walang pasok bukas e gusto ko namang magpahinga ng maaga." Napasimangot si Mela saka biglang tumayo.

"Dito na kayong matulog ni Dane. Miss ko na kasi kayo e at ngayong mag aasawa ka na.." Turo nya kay Dane. "At ikaw e may bf na malamang na matagalan na ulit na magyayari ito." Nakaramdam naman ako ng excitement kaya pumayag na din ako.

After an hour of talking about the details of Dane and Tommy's prenup e nagpunta na agad kami sa kwarto ni Mela. Pinahiram nya na lang kami pareho ni Dane ng pantulog dahil wala din naman kaming dala.

"Kailan nyo nga pala gustong gawin yung shoot?" Tanong ko kay Dane ng maalala na hindi pala nila nasabi kanina kung kailan yung shoot. Saglit nagisip ito bago ako sinagot.

"Ahm siguro nga next week at sa school natin nung highschool gagawin. Alam mo na memorable yung lugar na iyon sa ating lahat e." Ok na sana e kaso sumingit pa si Mela na halata ang pagkabitter.

"Baka sa inyo lang kasi sa akin hindi." Natawa ako sa way ng pananalita nya.

"Alam Mela move on. Mukha naman kasing malapit ka na ding magkaroon ng lovelife e." Natahimik sya saka bigla na lang kaming tinalikurang dalawa ni Dane. Napakibit balikat pa sya sa akin dahil hindi nya din alam ang isasagot kung bakit ganun ang kilos ni Mela.

Since tulog na yung pinakamadaldal sa amin e nagpahinga na din kaming dalawa ni Dane. Yun nga lang parang namahay ako kaya hindi din ako nakatulog kaya naman ng mag umaga na e iniwanan ko na lang yung dalawa. Nagiwan na lang ako ng note nagsasabing umalis na ako.

Naalala ko kasi na may kukunin nga pala akong damit sa bahay ng parents ko. Yung gagamitin namin ng mga tauhan ko para sa kampanya nila next week. Ngayon lang kasi ako magkakaroon ng time since busy na ako sa mga kliyente ko.

Feel My Love (DOREMI Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن