RE : Seven

1.1K 37 0
                                    



"Reese patulong naman oh."

Nawala ako sa malalim na pagiisip dahil sa tawag na iyon ni Pia sa akin. First name basis lang kami kahit na assistant ko sya. Close na din naman kami since dalawang taon na sya sa Ventura's Creation. Kumunot tuloy ang noo nya sa akin.

"Wow busy sa dreamland kahit tanghaling tapat?" Bumuntong hininga ako dahil sa sinabi nya.

Its been a week mula ng mangyari yung nangyari. Sa tingin ko e hindi nga sinabi mg mag asawa ang impormasyon tungkol sa akin o sadyang wala na syang pakialam sa akin dahil nakuha na nya ang gusto nya sa akin?

"Hindi naman. Ito talaga parang may iniisip lang eh. Saan ka ba magpapatulong?" Tanong ko kahit na kakaiba naman ang tingin nya sa akin. Napailing na lang tuloy ako. Nginuso nito ang mga nagkalat na invites sa harapan nya. Napatango na lang ako saka lumapit sa kanya at tumulong.

Kinuha ko ang isang invites saka nilagyan iyon ng details. Napangiti pa ako ng maayos kong nalagyan iyon ng design. Sa tagal ko ng ginawa ko ito hindi na din ako hirap kahit pa sobrang madetalye ang design. Matapos iyon eh napabuga na naman ako ng hangin. Kaya siguro ng tignan ko si Pia eh nakatingin na din sya sa akin.

"May problema ka ba at para kang tanga jan." Napasimangot na lang ako ng marinig iyon mula sa kanya. Kung makapagsalita kasi eh nakakainit ng ulo pero since sanay na din kami sa isa't isa eh natawa na lang sya.

"Wala may iniisip nga lang ako. Anyway kailan ba next event natin?" Binitiwan ni Pia yung ginagawa saka hinarap yung desktop nito. After seconds eh tumingin ito sa kanya ng nakangiti.

"May dalawang wedding tayo saka isang surprise birthday celebration." I was about to ask kung ano ang mga pangalan nung mga client namin nang bumukas ang pinto ng shop ko. At dahil may something na nag-iingay doon kapag bumubukas eh nalalaman agad namin kung may tao o wala.

"Reesy!" napaawang na lang ang labi ko ng marinig ang boses na iyon ni Melania kasama si Dane na nakangisi lang sa akin.

"Oh napadaan kayo?" Hinaluan ko ng konting pagtataray ang tono ko para naman hindi masyadong halata na miss ko na silng dalawa. Tatawa tawa silang lumapit sa akin sa ako niyakap.

"Arti mo." Pairap na sabi ni Mela. "Anyway free ka ba nitong lunch?" Nginuso ko muna iyong ginagawa namin bago nagsalita.

"Kung tutulungan nyo kami baka maging free ako." Umikot ang mga mata nila saka napapailing na nagtanong kung ano ang maitutulong nila.

Minutes later eh nasa loob na kami ng sasakyan ni Mela papunta kung saan. Syempre sya ang driver since ako naman ang inimbita nila.

"Bakit nga ulit kayo biglang sumulpot sa harapat ko?" Taas kilay kong tanong matapos kaming makaupo sa table na nakuha namin sa isang resto. Akala ko nga na sasagot agad sila pero hindi dahil ang mga bruha eh mas inuna pa yung pagoorder.

"Wala naman nabanggit kasi nito si Mela na naaksidente daw si Samuel at ikaw ang tumulong sa kanya. So what happen?" Tinaasan ko ng kilay itong si Danessa.

Parang hindi naman kasi ito chismosa dati e pero ngayon..

"At kailan ka pa naging interesado sa buhay ng ibang tao?" Uminom ako ng tubig saka sila tinignan ng mataman. "Anyway oo naaksidente sya pero ok na naman. Infact nakasama ko pa nga sya two weeks ako nung magpunta ako ng Batangas e. Remember Kian and Jill Guevarra na sinasabi kong client ko? Ayun pamangkin pala nila si Samuel and it happen.." Nagkatinginan silang dalawa bago kunot noong tumingin sa akin.

Feel My Love (DOREMI Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon