RE : Two

1.5K 34 0
                                    

I don't know if it's a good thing na magkatalikuran kaming dalawa o ano. Kung bakit naman kasi kailangan ko pang makaramdam ng kakaiba eh matagal na panahon na naman ang lumipas. Mukha ngang wala na sa kanya iyon kasi nagagawa na nya akong tignan sa mata at ngitian.

"Mabuti dito ka napaupo Samuel." nakangisi lang naman si Melania habang tinatanong iyon. Gustong umikot ng mga mata ko sa pagiging obvious nya pero pinigilan ko lang. "Kamusta ka na? May asawa ka na ba?" dagdag na tanong pa nya. Hindi ko kayang marinig ang isasagot nya kaya naman nagpaalam akong pupunta lang ng cr. Makahulugan naman akong tinignan ng mga kaibigan ko.

Sa cr ko inilabas ang kinikimkim kong panghihinayang lalo pa at nakita ko ulit sya ngayon. Ibang iba na kasi ang aura nya. Kung noon eh napaka nerd nyang tignan ngayon naman eh pwede mo na syang idikit kay Tommy dahil mukha na syang model. I wonder kung papayag ba sya once iinvite ko syang maging model ng new collection namin?

"Hay naku Reese huwag ka nga obvious jan. Nakakainis ka na ah. Dinaig mo pa si Melania." inirapan ko ang repleksyon ni Danessa sa salamin.

"Mabuti pinakawalan ka ng bf mo?" I said smirking. Nginusuan lang naman nya ako. Maya maya eh naging seryoso sya kaya kinabahan ako bigla.

"Reese fiancee ko na sya!" She hissed then after noon eh bumuntong hininga sya saka nagsalita ulit. "Sya pa din gusto mo noh?" there's no point in denying it kaya naman tumango na lang ako. Lumapit pa sya lalo sa akin at saka ako niyakap. "Kalimutan mo na sya kasi may fiancee na pala sya. Masasaktan ka lang." Kainis naman ito. Umalis na nga ako para hindi ko malaman ang sagot nya tapos sinabi pa sa akin.

"Ang sweet mong kaibigan alam mo ba iyon? Umalis na nga ako para hindi marinig ang sagot nya tapos sinabi mo pa sa akin." Napakamot lang sya sa batok nya. "Kaya ko ito. Siguro yun lang kailangan kong marinig para makapag move on ako." After that eh inaya ko na syang bumalik sa pwesto namin. Piniliy kong kumalma ng nakaupo na ako.

Nakaserve na din ang pagkain kaya tahimik akong kumain. "Allergic ka sa seafoods di ba?" Nagulat pa ako ng bigla na lang nagsalita si Samuel sa tabi. Natigilan din pati ang mga kaibigan ko sa sinabi nya.

"Ah oo." Sabi ko saka mabilis na pinasa kay Dane ang lahat ng seafood sa plato ko. Malugod naman nyang tinaggap iyon. Since wala ng umimik eh itinuloy ko na ulit ang pagkain ko.

"Nga pala Reese tuloy ba yung alis mo sa makalawa? Yung sinasabi mong client mo sa Isla Guevarra Resort?" Nilunok ko muna yung laman ng bibig ko bago sinagot si Dane.

"Yeah. Mabuti pinaalala mo." Nagngisihan kaming dalawa saka pinagpatuloy ang pagkain. After naman noon eh mabilis ng natapos ang party kaya naman nagpasya na kaming umalis na apat. Syempre sabay ko na naman si Mela.

"Girl how does it feels to see him again?" Napangisi ako para itago ang kakaibang pakiramdam sa tanong na iyon.

"Mela dont ask yourself." Napa face palm sya sa sinabi ko. "Affected much huh. Anyway ang awkward para sa akin na magkatabi kami kanina pero keri lang. Past is past na naman para sa kanya eh kaya dapat ganun din ako. Sana lang sa pagpunta ko sa next client ko eh makalimot na ako." Sabay na lang kaming napabuntong hininga.

Sa unit ko daw sya matutulog kaya naman doon na kami dumiretso. Hindi ko na inexpect na maabutan ko doon si Dane dahil alam kong magdedate pa yung dalawa.

"Buti nga ikaw kaya mong ihandle eh ako? My god hindi ko pa nga gets kung bakit ganun katalim ang tingin nya sa akin after that called from Lander eh. Seems like.." imbis na tapusin ang gusto nyang sabihin eh napailing na lang sya.

"Ewan ko nga sa iyo. Anyway kakain ka pa ba o magpapahinga ka na agad?" Humaba ang nguso nya saka parang nagisip. Afterwards eh ngumisi sya sa akin.

Feel My Love (DOREMI Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon