RE : Eight

1K 37 0
                                    




Yung feeling mo na nakalutang ka kahit hindi naman? Ganun kasi ang pakiramdam ko mula ng makita ko mismo ang mukha ni Samuel na syang kapatid ng bago kong client.

Worst case scenario is sya pa mismo ang taong susurpresahin ko gamit ang sarili kong idea.

"Ano na ngayon ang balak mo?" Tanong sa kin ni Pia. Kanina kasing sumigaw ako e halos magkandatumba daw sya makalapit lang sa akin. Akala nya kasi e kung napano na ako.

"Hindi ko alam Pia e. I mean hindi ko na ito pwedeng bawiin right?" Napabuntong hininga ako ng tumango sya. I fell hopeless yet may something sa loob ko ang masaya.

Paano kahit hindi man nya ako makita ng personal e alam kong mapapasaya ko sya. Pwede na din kasi iyong regalo ko bago man sya matali sa babaeng hindi naman nya mahal.

"Hindi naman nya ako makikita e kaya ok lang siguro iyon. Kakausapin ko na lang din sila Samantha at Raven na huwag sabihin well kung magtatanong man si Samuel ang tungkol sa akin o kahit ang pangalan ko lang." Tumaas ang kilay nya sa sagot ko.

"Paano naman iyon e ikaw ang may ari nitong shop? What if sa sobrang tuwa nya sa surprise na ginawa mo e puntahan ka nya dito? E di ganun din?" Nalaglag ang balikat ko sa realization na tama nga si Pia sa naiisip nya.

"You can always tell him na wala ako at masyadong busy. Ok tama ikaw na bahala kapag ganun ang nangyari. For now yung surprise birthday muna nya ang iisipin ko." Since alam ko na kung sino ang celebrant e naging madali na lang din sa akin kung paano sya isusuprise pero dahil gusto ko pang makarinig ng suggestion ng ibang tao e pumunta ako kay mommy.

Good thing na hindi masyadong trapik kaya nakarating ako agad sa bahay ng mga magulang ko galing sa shop ko mismo. Doon naabutan ko si mommy sa kwarto nila ni dad at nanonood ng tv.

"Hey mom.." Bungad ko agad ng mabuksan ko ang pinto ng kwarto nila. Hindi na din ako nagdalawang isip na pumasok at sumampa sa kama nila mismo.

"Reese ikaw pala. What brought you here?" Takang tanong nya ng makaupo na ako sa tabi nya at niyakap sya. Palagi ko namang namimiss ang parents ko e pero dahil alam kong mahal nila ako e hindi ko na masyadong iniisip iyon.

"Just need some advice on something. Do you have time or magpapahinga ka na?" Ngumiti sya sa akin at mas lalo pang hinigpitan ang yakap.

"Alam mo naman na sa inyong dalawa ng daddy mo e marami akong time. Spill it." Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Theres this client who wants to surprise her brother on his birthday. Gusto nya kasing pasayahin ang kapatid nya dahil nakatakda na itong ipakasal ng parents nila sa isang babae na hindi naman nito mahal." Huminga pa ako ng malalim. "Mom paano ba dapat gawin ko na matutuwa talaga sya?" Ipakita mo lang ang sarili mo e malamang na ok na yun.

Napailing ako sa naisip. Paano naman kasi mangyayari iyon e ni hindi nga ata ako hinahanap ni Samuel? Kasi kung oo e baka nasa harapan ko na sya ngayon din.

"Natanong mo ba ang hilig nya?" Tumango ako. "Yun na lang ang gamitin mo. Patanong mo din sa kapatid nya kung ano ba ang greatest dream nito para yun na mismo ang gagawin nyo. Hindi na hassle plus sigurado pang magugustuhan nya yung surprise birthday party ba hinanda nyo." Napangiti ako dahil magandang idea nga yung naisip ni mom.

Kaya naman matapos ang pag uusap namin na iyon e nagpaalam na din ako sa kanya. Marami pa din kasi akong gagawin kaya kailangan ko ng magpahinga.

Feel My Love (DOREMI Series #2)Where stories live. Discover now