RE : Twenty Four

1.3K 23 0
                                    


Almost one minute na siguro akong panay ang kurap. Ang sabi kasi ni Mela na event ito ng dad ko so why the heck nasa harapan kami ng school namin nung highschool?

I was about to ask Mela kung anong meron nang marinig ko ang boses ng dad ko. Una kong naisip na anong ginagawa nya dito? But then again he's my dad so hindi naman ako bothered kung nandito man sya. Kung event nya din naman ito e dapat lang na nandito talaga sya.

Nakakapagtaka lang na dito pa nga sa school ko dati. Nilingon ko sya agad at niyakap ng makalapit ako sa kinatatayuan nya. Oh how I missed my dad.

"Kayo lang dad? Nasan si mom?" Tanong ko habang panay ang ikot ng mata. Hinanap ko kasi ang mommy dahil hindi naman pwedeng nandito ang daddy tapos wala si mom?

"She's somewhere na pupuntahan natin mamaya after this." Kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi ng daddy ko? Ang lamig kaya dito tapos nakasuot pa ako ng dress.

"Bakit mamaya pa dad? Saka seriously anong meron dito at nandito tayong dalawa? O may kasama ka pang iba?" As if cue e bigla na lang umilaw ang buong paligid. Medyo napasinghap pa ako ng makita ang pamilyar na ayos ng lugar.

Kumunot ang noo ko at handa ng tanungin ang daddy ko ng mahagip ng mata ko si Samuel. He's wearing three piece suit na sobrang bumagay sa kanya. But then again nagtaka na naman ako kung bakit din sya nandito kasama naming dalawa ng daddy ko.

"Nostalgia isnt it Reese?" Napabaling ang tingin ko sa kay dad ng sabihin iyon. Tumaas pa ang kilay ko ng maalala nga yung nangyari noon dito din sa same spot kung nasan kaming dalawa.

"Dad nostalgia means happy memory." Nakasimangot kong sabi. "Hindi naman happy yung naalala ko e." Doon natawa si dad. Sakto ding huminto si Samuel on that same spot kung saan sya nakatayo noon.

"Hi.." Hindi ko malaman kung naiilang ba sya sa akin o sa tatay ko. Uneasy kasi sya e. Tinaasan ko na lang tuloy sya ng kilay.

"Why are you here? Di ba dapat busy ka sa paghahanda ng kasal mo?" Asik ko na mukhang ikinagulat naman nya pero saglit lang iyon dahil mabilis ding nagbago ang expression nya.

"Kasal? Sinong ikakasal? Ikaw ba iho? Kanino?" Singit naman ni dad na ako nanang sumagot.

"Oo dad sya yung ikakasal pero hindi sa akin." Sabay pa silang tumingin sa akin which I find weird. Para kasing may kakaiba sa tingin nila e.

"Bakit kanino ba ako ikakasal?" May paghahamon sa tono ni Samuel habang naglalakad sya palapit sa akin. Ako naman e kusa na lang napaatras. Kinabahan kasi ako bigla e. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip nya ngayon at hindi ko din kaya basahin iyon dahil may jetlag pa ako.

"Kay ano.." Napalunok naman ako ng mahuli nya ako at mabilis na nahawakan sa bewang.

"Sabihin mo Reese kung kanino ako ikakasal.." Ganun pa din naman ang tono nya kaya naman nakakaramdam na ako ng inis. Bakit naman kasi binibugla nya ako ng ganito e.

"Oo nga naman Reese kanino ba sya ikakasal?" Napayuko ako dahil hindi ko kayang sabihin iyon. Masakit sa part ko dahil para sa akin ako lang ang dapat na pakasalanan nya. Napaangat ang tingin ko kay Samuel ng kumalas sya sa akin at humarap sa daddy ko.

Mukhang namang hindi galit si Dad. Infact he looks happy and contented. Siguro dahil nanalo at buo pa din ang pamilya namin.

"Kung hindi po kayang sagutin ni Reese e ako na lang po." Biglang sabi ni Samuel na tinanguan naman ng daddy ko. Kununot saglit ang noo ko bago nanlaki ang mga mata ko sa sunod nyang ginawa. Paano bigla na lang syang lumuhod sa harapan ko. "Sa kanya po ako magpapakasal yun e kung papayag sya."

Feel My Love (DOREMI Series #2)Where stories live. Discover now