RE : Three

1.4K 35 0
                                    

I dont have much time kaya sa pinakamalapit na hospital ko lang sya nadala. Anong oras na din kasi. Its a good thing na paglabas mo ng village eh meron agad. Maliit lang nga sya pero ok na yun para maagaran sya ng first aid.

Sinalubong kami ng mga nurse na nakaabang sa labas ng ER. "Ano pong nangyari?" Paunang tanong ng isa. Taranta ko naman silang tinulungan at ng maipasok si Samuel sa loob eh saka lang ako sumagot.

"Someone hit him. Kaso tumakas yung nakabunggo sa kanya kaya ako na ang nagdala sa kanya dito." Sagot ko na ikinatango nya.

Hinayaan ko na silang pumasok ng tuluyan sa ER habang ako eh napapabuntong hininga na lang sa isang bench na nakita ko. Doon na ako umupo at naghintay sa kung anong nangyari sa kanya.

Kung bakit naman kasi nandoon sya sa lugar na iyon eh. Isang pamilyar na boses ang umagaw ng atensyon ko. Nang tignan ko naman kung sino iyon eh nanlaki na lang ang mga mata ko.

"Randolf! A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko saka napahawak sa dibdib ko. Pano na lang kasi kapag nalaman nya na dinala ko dito si Samuel? Hindi man sila close eh alam nyang nanligaw ito sa kanya.

"Ahm im a doctor and this place is called hospital so maybe that alone answer your question..?" Sarkastiko nyang sagot sa tanong ko na ikinairap ko lang ng mata.

"Whatever. Anyway dinala ko dito si Samuel Madrigal dahil naaksidente sya sa daan. Ikaw ng bahala sa kanya. Bibigay ko na lang itong gamit nya sa nurse. Kayo na lang kumontak sa pamilya nya." Sabi ko saka mabilis na tumalikod. I was about to walk out ng magsalita sya.

"Aalis ka na agad? Ni hindi mo man lang hihintayin ang paggising nya?" Umiling ako. Wala naman akong karapatan eh.

"Hindi naman kami magkaano ano. Saka may lakad pa ako bukas. Sige." Mabilis na akong naglakad para di na nya ako pigilan. May sinabi pa nga sya na hindi ko na pinansin eh. Basta sumakay na lang ako sa sasakyan ko at umalis sa lugar na iyon.

Pagkauwi ko naman eh nag ayos lang ako saka nagpahinga. Ewan ko din ba naman ba kasi at parang ang dami kong pagod.

Nagising lang ako ng tumunog ang phone ko. Unknown number pero kahit na hindi ko ugaling sumagot ng mga ganun eh sinagot ko pa din.

"Hello--" hindi ko na natapos ang paunang bati ko ng magsalita na agad yung nasa kabilang linya.

"Reese he's awake already at hinahanap ka nya. I mean yung taong nagdala sa kanya dito." Napakunot ang noo ko saka inilayo sa tenga ko ang phone para tignan ang screen. The person in the line seems to know me yet di ko sya mabosesan.

"Ahm excuse me pero sino ito?" Tanong sa mahinahon na tono. Bumuntong hininga naman sya bago sumagot.

"Randolf. Anyway Samuel is looking for you." The whole moment na nagsasalita sya eh nakanganga lang ako.

"Why the hell is he looking for me? I mean if he wants to say thank you then tell him it's ok—" Randolf cut me off.

"Sinabi ko na sa kanya yan kasi naalala ko nga na may lakad ka ngayon still he insist on talking to you. Alam ko naman na gusto mo din syang makausap kaya please lang pumunta ka na.." after noon eh bigla na lang syang nawala sa kabilang linya. AKo naman eh napabuga na lang ng hangin.

Sa ginawa nyang pagtatapos ng tawag na I doubt kung sasagot pa sya ulit kung tatawagan ko eh naiwan akong walang choice. Napapailing na lang ako na tumayo at dumiretso sa banyo. Alam kong pwede kong balewalain ang sinabi ni Randolf kaya lang para may sariling utak na ang buong systema ko na walang pag-aalinlangan na puntahan sya.

Pagkatapos makapag ayos eh binuhat ko na ang mga gamit ko para sa client ko ngayon at saka umalis. Kinakabahan ako pero ewan at may part pa din sa utak ko ang masaya kasi kahit na hindi man maging maganda ang pagkikita naming dalawa eh atleast nakita ko sya.

Feel My Love (DOREMI Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz