RE : Fourteen

1K 33 0
                                    


Tommy and Dane's prenup came kaya naman aligaga ako. Sama mo pa si Mela na halata din ang excitement sa mukha. She even slept with us on my unit para daw sabay sabay na kaming pumunta sa dati naming school.

Kasalukuyan akong nagaayos ng mga gamit ko ng bigla na lang pumasok sa kwarto ko si Mela na agad napakunot noo. She even look at me from head to toe.

"Problema mo sa akin ha.." Napailing iling sya saka biglang umupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Lalo namang kumunot ang noo ko sa ginawa nya.

"Anong nangyari sa iyo at parang nagbago bigla yung ootd mo? Prenup ba ang pupuntahan natin o party?" Irap lang ang isinagot ko kay Melania dahil sa sinabi nya. Inalis ko din ang kamay nya sa kamay ko na ikinatawa lang naman nya. Noon biglang pumasok si Dane na halatang nagulat din.

"Oh Reese anong meron?" Nang tumawa na naman si Mela e binato ko na siya ng unan. Hindi kaya nakakatuwa ang reaksyon nya sa suot ko.

"Sinaniban ata itong si Reese at uma-outfit ng dress. Wala kang magawa dahil gusto yan ni Samuel no?" Binatukan sya ni Dane kaya naman ako ngayon ang natawa.

"Ang bitter mo kamo. Syempre bf sya ni Reese at saka kung makapagdamit din naman ang isang ito e parang walang pakialam sa iba kaya ok lang yan. Sweet nga e." Nang humaba ang nguso ni Mela e natawa na lang kaming dalawa.

"Kasi naman ayaw pang mag bf kaya naiinggit." Dagdag pa ni Dane kay Melania na bigla na lang tumayo. Nagulat pa kami ng maglitanya ito.

"Hindi ko kailangan ng bf kung ganyan lang din naman ang gagawin sa akin.." Nagkatinginan kaming dalawa ni Dane at sabay pang napailing.

"Ayaw daw nyang mag bf pero tignan mo ang ayos." Napapahagikgik ko pang sabi saka tumayo na. "Halika na para hindi tayo gabihin." Nang tumango si Dane e sabay na kaming lumabas ng kwarto ko.

Sa sala namin nakita si Mela pero hindi sya nag-iisa. Kasama nya si Tommy na katabi naman si Randolf.

"Si Samuel na lang ang kulang at triple loveteam na tayo ah." Banat ni Tommy na halata namang may pinapatamaan. I was expecting Mela to react but to my surprise e hindi man lang sya kumibo.

"Oo nga Dane nasa bf mo?" Tanong sa akin ni Randolf na parang wala ding narinig sa kaibigan nya.

"My meeting daw sya e pero sabi naman nya na susunod sya. Alam naman nya yung lugar kaya ok lang. Paano alis na tayo at baka abutan pa tayo ng trapik." Sabi ko.

"Kahit linggo ngayon Reese?" Sarkastikong sabi ni Mela. Inirapan ko lang naman sya. Ayos lang sa pambabara ah. Tignan lang natin.

"Naalala ko na nasira nga pala yung kotse ko kaya sa inyo na lang ako sasabay Dane." Tinignan ako ng mag jowa saka pasimpleng nginuso ang busy sa phone na si Melania.

"I can take her so don't worry." Since nagprisinta na si Randolf e hindi na kami umangal. Yun nga lang mukhang hindi iyon narinig ni Mela kaya naman ng makasakay na kaming tatlo sa kotse ni Tommy at maiwan sya sa ex bf e napanganga na lang sya.

"Ang arti kasi nyang si Mela. Halata naman na mahal pa din nya si Randolf e ayaw pang pagbigyan yung isa. Mukhang namang pareho lang sila ng nararamdaman e." Biglang sabi ni Tommy na parang alam naman nya lahat ng pinagdadaanan ng pinsan nya.

"Ikaw kaya ang ayawan na pakasalan? Tingin mo matutuwa ka pa sa taong umayaw sa iyo?" Natigilan si Tommy sa sinabi ko at parang biglang natakot na tumingin kay Dane. Napakibit balikat lang naman ang kaibigan ko sa kanya.

Feel My Love (DOREMI Series #2)Where stories live. Discover now