RE : One

2.2K 46 0
                                    




"Do we really have to attend that reunion?"

Imbis na sagutin nila ang tanong ko eh lahat sila pinaikot lang ang mga mata sa akin. Napanguso naman ako sa ginawa nila. Last week lang kasi namin nalaman na magkakaroon pala ng reunion ang school namin noong highschool tapos heto na agad kami at naghahanda na papunta doon. Hindi naman sa ayaw kong pumunta doon kaya lang hindi pa ako handa.

"Grabe sya oh. Ayaw mo pang pumunta eh ikaw nga ang unang nakatapos makapagbihis." I made a face sa litanya ni Mela. Nakangisi lang naman sya sa akin.

"Hello? May event naman kasi talaga akong pupunta ngayon eh pero dahil sa ayaw nyo akong tantanan eh heto at sa inyo ako sasama at hindi sa team ko." Nakairap kong litanya. Natawa lang naman si Dane sa akin habang si Tommy eh nakatingin lang ng mataman. Napalunok tuloy ako sa way ng pagtitig nya sa akin.

"Alam mo Reese wala naman kaso kung magkita kayo ngayon eh. Kita mo kami ni Dane na nadugtungan ang past namin. Malay mo kayong dalawa din." kahit hindi naman sya magbanggit ng pangalan eh alam kong kilala ko kung sino ang tinutukoy nya. Ayoko nga lang na isipin pa iyon.

"Oh so si Samuel pala ang dahilan kung bakit ayaw mong pumunta? OA lang Reese ah. Try mo kayang mag-move on?" tinaasan ko na lang ng kilay si Mela saka sya sinagot.

"Moving on ba kamo? Mela are you talking to yourself?" natigilan naman sya sa sinabi ko habang yung lovers eh natawa na lang. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong tignan silang dalawa. Paano nakakatawa na noon eh kulang na lang ibaon na sa lupa ni Dane si Tommy tapos ngayon nga eh engaged na sila.

Napabuga na lang ako ng hangin. Kung sana ako din magkaroon na ng lovelife eh di sana hindi na ako ganito?

"Halika na nga at ayokong gumawa ng eksena doon." iwas ni Mela sa sinabi ko saka nagmartiya palabas ng unit ko. Dito na kasi kami nagbihis at nag-ayos. Sinabi ko nga na sa mansyon na lang nila pero umayaw sya kasi nandoon daw ang lolo nila. Baka daw mag-ingay pa kami eh kailangan noon magpahinga dahil inatake ng mild stroke.

"Sa iyo na ako sasabay Reese at ayokong maging third wheel sa lovers na kasama natin." natawa lang si Dane sa nayayamot na si Mela. I know how it feels Mela so dont worry.

"Sige sa akin ka na sumakay." sabi ko sabay hagis sa kanya ng susi ko. Nag ring kasi ang phone ko kaya pinauna ko na syang sumakay. Assistant ko kasi yung tumatawag eh. Kaya hindi pwedeng ignorahin.

"Pia kamusta? May problema ba?" tanong ko agad pagkasagot ko sa tawag. Malaking at bigatin kasi ang kliyente namin ngayon kaya naman talagang kabado ako sa magiging outcome ng event na ito. I heard her sighed.

"Mam talaga masyadong kabado. Relax ok? Tumawag lang ako to inform you na nandito na po kami. Tapos na din kami sa mga finishing touches at waiting na lang sa client na mag start. Yun nga lang po na hinahanap kayo ni Mr. Lion Guitierrez. Alam mo naman mam na patay na patay sa iyo yun..?" natawa ako ng pagak sa pang aasar nya sa akin. Totoo naman kasi ang sinasabi nya eh.

Lion became my friend mula nung araw na maging kliyente ko ang kompanya nila. But unlike others eh hindi naman kami nag click agad. Dumaan din kami sa maraming misunderstanding. Later on bigla na lang nyang inamin sa akin na gusto daw nya ako pero dahil sarado pa ang puso ko eh wala syang nakuhang response.

"Itetext ko na lang sya na may emergency ako. Paano update mo na lang ako sa mga mangyayari ah?" matapos makapag paalam eh sumakay na agad ako sa sasakyaN. Tinext ko muna nga si Lion bago ko pinaandar yung sasakyan ko.

"Nakakainggit si Dane noh? Swerte nilang dalawa ni Tommy sa isa't isa." sabi nya saka sya bumuntong hininga. Ako naman eh napailing na lang. Oo naiinggit din ako kay Dane pero ayokong sabayan si Melania sa drama nya. Bata pa naman kasi kami eh.

Feel My Love (DOREMI Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon