RE : Six

1.2K 38 0
                                    


Alam kong pwede na akong magkasugat dahil sa pagkagat kagat ko ng labi ko pero di ko talaga mapigilan e. Panay din ang lakad ko sa buong kwarto kaya ng mapagod e umupo ako sa gilid ng kamang gagamitin ko ngayong gabi.

Ilang beses ko ng tinatanong ang sarili ko kung bakit ko nga sinabing sa akin na sasabay si Samuel pero wala pa din akong makuhang sagot.

"Reese still awake?" Lumipad ang tingin ko sa pinto ng may kumatok doon at marinig ko ang boses ni Jill. Tumayo ako para pagbuksan sya agad.

"Hinihintay ko talaga yung pagpunta mo since sabi mo e pipili ka ng ipapa frame mo?" Kunwari e palusot ko kahit medyo nakalimot na ako. Nilakihan ko yung pagbukas ng pinto para makapasok sya.

Nagulat pa ako ng may dala syang pagkain na tingin ko e para sa aming dalawa.

"Upo ka muna at aayusin ko lang yung laptop ko. Pasensya nakalimutan kong ayusin kanina." Ngumiti sya sa akin saka umupo nga sa sinabi kong upuan nya. Maya maya e nagsalita sya.

"Hindi naman ba ako nakakaistorbo sa iyo? Si Kian kasi nakikipaginuman pa kay Samuel e. Nakakainis nga kasi mukhang balak pang magpakalasing nung dalawa. Kaya kung maaga ka mang magising tapos wala pa sya e mauna ka ng umalis." Natawa ako sa tono nya na parang naiinis na ewan. With that hinarap ko sya ng nakangisi.

"'Mahirap bang magkaroon ng asawa? I mean syempre hindi lang ikaw ang ginugusto nyang makasama di ba?" Tumango sya saka umiling.

"Magulo na hindi. Ah ewan basta masaya ako kasi kahit na madalas naming pag awayan yang mga guy thing na lakad nya e alam kong lahat ng sinasabi nya e totoo. Tiwala ako sa asawa ko." Nang matapos ako sa pag aayoa ng laptop ko e inilagay ko naman ang cord para maka connect iyong camera ko sa laptop mismo.

"Hintayin lang nating matapos ng loading ng mga picture tapos pili ka." Umupo ako sa katapat nyang upuan saka pumalumbaba. "Eh sa ibang babae? I mean hindi maiwasan na may makilala syang iba na nagkakagusto sa kanya?" Umasim ang mukha nya kaya naman inisip kong marami ngang gustong umagaw ng atenyon ng asawa nya.

"Well oo naman. Gwapo kaya asawa ko.." Natawa pa sya sa sinabi nya. "Kaso yun nga may tiwala ako sa kanya kahit pa hindi pa din tumitigil yung ex fiancee nya." Napaawang ang bibig ko sa narinig. May ex fiancee ito bago sila?

"How.."

"Long story but since may time ako e ikukwento ko sa iyo. Ayun nga ikakasal na dapat yan sa fiancee nya ng maaksidente ito. Inakala nyang patay na kaya sinubukan nyng makalimot and then yung eroplanong sinakyan nya e naaksidente at doon na sya bumagsak sa isla ko."

"Doon sa kanina?" Tumango sya. "Wow kaya pala memorable sa inyong dalawa iyong isla. Tapos?" amaze kong sabi na ikinatawa nya.

"Oo kaya nga kahit na maraming tao ang gustong magpunta doon e hindi ko pinapayagan. Ikaw ba wala ka talaga bf?" Nasamid naman daw ako sa tanong nya na iyon bago nakayukong sumagot.

"Oo wala aking bf. Busy pa nga kasi ako pero kung may darating. Why not." Nagsimula syang tumingin sa mga pictures kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood sa tablet ko.

"Ang galing mo talaga kumuha na kahit hindi maayos ang anggulo namin e magandang tignan." Nang tignan ko sya e nakangiti sya sa akin kaya naman napangiti na din ako. Maganda naman si Jill na kahit simple lang e malakas ang dating. Kaya siguro humaling na humaling ang asawa nito dito.

"Type mo ba ang pamangkin ko?" Biglang tanong nya kaya naman muntikan pa akong mahulog sa kama. Tumayo kasi ako para kunin yung charger at nung paupo na nga e bigla naman nya akong tinanong ng ganun. Nangtignan ko sya e nakatingin naman sya sa laptop.

Feel My Love (DOREMI Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang