RE : Twenty

975 25 0
                                    


I need to think straight. Hindi ako pwedeng magpadala sa nakita ko lang na pictures. Kailangan ko muna dapat na makita ng personal iyon bago ako maniwala tama ganun nga--.

"Reese may tao sa labas at gusto ka daw makausap." Tinaasan ko lang ng kilay si Pia pero hindi naman sya natinag. Hindi ako galit sa kanya pero naiinis lang talaga ako sa pinakita nya pictures.

"Sino daw ba iyon? Busy pa ako e." Tinignan nya lang ako ng hindi makapaniwala. Like as if I'm lying over something na alam naman nya.

"Linda Quijano can that ring a bell to you?" Napamura pa ako ng bigla na lang sumulpot sa likuran ni Pia si Linda. She have this smile that bring chills to my spine in a negative way.

"Reese Evangelista!" Sinabi pa nya ang pangalan ko sa hindi kagandahang tono kaya naman nakaramdam agad ako ng inis. "Can we talk?" Nagsimula syang maglakad like she owns my place. Sinenyasan ko muna si Pia na lumabas bago ko sya hinarap.

"Tungkol saan naman? Pakibilis lang at busy ako." Tumawa aya ng nakakaloko kaya naman nainis ako lalo.

"Fine. Dumaan ako dito para sabihin sa iyo that Samuel need focus. Hindi yung kahit kasama nya ako e ikaw pa din ang iniisip nya. Reese this is for our own good. Lahat tayo makikinabang once matapos na ang eleksyon so please cooperate." Tumaas ang kilay ko sa narinig. Kung makapagsalita naman kasi e parang kasalanan ko pa.

"Wala naman akong ginagawa ah. Panay lang ang hintay ko ng tawag nya so don't you dare tell me what to do. Samuel has a mind of his own kaya dapat sya ang kinakausap mo at hindi ako." Tinalikuran ko sya at ng makuha ko ang mga gamit ko e lumabas na ako ng opisina ko diretso sa sasakyan ko at umalis sa shop.

Tinawagan ko na lang si Pia na bantayan si Linda dahil baka kung ano pa ang gawin nya doon. Pwede kasing may sirain sya doon lalo pa at may picture kaming dalawa ni Samuel sa table ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung sino ang gusto kong makausap basta gusto kong umalis. Kaya naman nagpalipas ako ng oras sa sinehan. Yun nga lang yung mood kong hindi na kagandahan e mas nadagdagan pa dahil sa pinanood ko na hindi naman happy ang ending.

Bumalik lang ako ng mga hapon na not expecting anyone. But to my surprise e nakita ko ang mga kaibigan kong parang inip na inip na naghihintay sa akin. Since tumunog ang pinto ng pumasok ako e nakagawa ako ng ingay dahilan para mapatingin silang dalawa sa akin.

"Where have you been Reese? Bah kahit yung phone mo hindi makontak ah." Salubong sa kin ni Mela na ikinailing ko lang. Since nandito na sila e inaya ko na lang sila sa opisina ko saka kinuwento ang nangyari.

"Naniniwala ka ba sa nakita mo? Marami kasing side story yun e. Saka kilala naman natin si Samuel e. Halata naman na mahal ka nya at takot syang mawala ka ulit so hindi ko alam talaga ang iisipin ko." Malumanay na litanyan ni Dane.

"Sus kilala nga natin kaya alam natin ang history nila. Paano kung ginawa lang ni Samuel na makipaglapit dito kay Reese e para gantihan sya? You know Samuel became a changed person after what happen." Napailing lang si Dane habang ako naman e napaisip lang. Ganun naman din kasi yung naiisip ko dati e. Bakit ba parang nakalimutan ko agad?

"Huwag ka ngang makinig dito kay Melania. Alam mo naman na bitter lang yan dahil kay Randolf. Speaking of which nakita ko pala yun kanina sa mansyon at kausap si Tommy." Sabi ni Dane pero nakatingin naman kay Mela.

"Whatever. Sige na nga at alis na ako. Naalala ko na may 9pm schedule pala ako with Mr. Gan. Sya yung asawa nung babaeng nabunggo nung isa kong kasamahan. Muntikan na kasing malaglag yung bata e mabuti at naagapan ko." Napatakip ako ng bibig ko sa narinig.

Feel My Love (DOREMI Series #2)Where stories live. Discover now